Pagkalabas ng restawran, ang mga kamay ni kuya ay nakapigil parin sa aking braso sa paglalakad namin patungo sa kaniyang kotse. Ang kotse'y nakapark ilang hakbang ang layo sa pasukan ng restawran kasunod ng kotse ni Gavin. Kahit na lasing na ako'y alam ko parin naman ang nangyayari nang mga oras na iyon. Mayroong pang tumawag sa atensiyon namin ni kuya dahilan upang ako'y lumingon. Si Gavin ay nakasunod ng lakad sa amin sa daanan sa gilid ng kalsada sa kaliwa ng dalawang sasakyan. "Oh, sasama ka sa amin?" sabi ko. Maliwanag ang kalapit na ilaw ng gusali kaya ako'y napapapikit ng isang mata. Nakatayo kami ni kuya kahanay ng pagitan ng kotse nito at ni Gavin. "Kung puwede," ang sagot ni Gavin sa akin. Tumawa ako dahil sa narinig mula sa kaniya. Nilamon niya ang distansiyang namamagitan sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books