I couldn’t even mind what that guy said before he left the VIP room. Siguro ay masyado lang akong lasing para isipin pang mabuti ang mga sinabi niya. And the fact that the most sensitive part of my body is sore, I just couldn’t mind anything else than that. Imbes na mag-isip dahil sa mga nangyari ay natulog ako at nagising lang sa sunod-sunod na katok ng kung sino sa pinto ng kwarto. Hindi ako agad nakadilat dahil ramdam na ramdam ko ang pamimigat ng ulo ko dahil siguro sa dami ng nainom ko kagabi. Hindi tumigil ang kung sinong kumakatok sa pinto pero hindi ko iyon magawang pagtuunan ng pansin lalo na at hindi lang ulo ko ang masakit. Masakit ang katawan ko at ramdam na ramdam ko ang lamig ng buong kwarto. Unti-unting dumilat ako para lang makitang wala akong suot na kahit na ano! “W-