CHAPTER 7 – FIRST DAY
FAYE POV.
“Hindi ako nangangagat! Lumapit ka pa nga. Parang timang naman to.” Pangiti kong wika kay James. Pero sa totoo lang ay naiinis ako sa ginagawa niyang distansya sa akin.
Hindi kasi siya sumasabay ng lakad sa akin. Parang iniiwasan niyang magkasabay kami o magkadikit.
First day namin ngayon as mag jowa, officially mag jowa! Pero nakakainis siya! Parang diringdiri siya sa akin dahil sa halip na maging sweet na siya at caring sa akin ay iba ang nangyari, ayaw niyang nakikita kami ng iba na magkadikit. Kanina pa gano’n si James kaya tuloy nuong araw akong wala sa mood. Nung una akala ko ay naninibago lang pero buong araw na hindi siya naga-act na boyfriend ko.
“Ayoko!” tipid at malamig niyang wika.
“Wow, galing so sana nag jowa nalang ako ng invisible!” mahina at pabulong kong reklamo. Pero siniguro ko rin na mahahalata ni James na bumubulong at nagrereklamo ako.
“Bakit ba?” Inis nitong sabi.
Tinaasan ko siya ng kilay.
“Diba jowa kita?!”
“So?”
Aba’t—
“Pasalamat ka at mahal kitang gago ka! Kung hindi kanina pa kita sinabunutan bwisit.” Wika ko sa isipan.
“Lumapit ka kasi sakin! Bakit ba ayaw mong sumabay sa akin maglakad. Reklamo ko.
“Bakit mo ba kasi ginagawang big deal ang pag sabay natin mag lakad ah?! Napaka-isip bata mo!” Masungit nitong sabi.
“Syempre mag jowa na tayo! Dapat sabay tayo mag lakad, tapos mas maging sweet at caring kana. Pero instead of making me happy for our first official day as mag-on, ito ang ginagawa mo ngayon! Napipilitan ka lang ba?!” Inis kong sabi at nag walk out.
Nakakainis siya! Akala ko pa naman kapag naging kami maging sweet na siya sa akin. Pero nagkamali pala ako!
“Faye, sandali!” paghabol niya. Bigla nitong hinawakan ang kamay ko na nakapagpatigil sa akin.
Tinignan ko naman siya at tinaasan ng kilay.
“Ano?!” taray kong sagot.
Bumuntong hininga siya at tinignan ako.
“I’m sorry, okay! Nag-aadjust pa kasi ako, and I’m not used to please forgive me.” Kita ko ang sincerity sa mga mata niya. Bigla tuloy bumalik ang karupukan ko.
Umiwas ako ng tingin. At pinipigilan ang sariling maawa, kasi naman napaka easy to get ko masyado.
“’Wag kang marupok, Faye. ‘Wag mo muna patawarin ‘yan! Magpabebe ka muna, utang na loob.” Pagmamakaawa ko sa sarili. Kahit sobrang lakas na ng t***k ng puso ko at sobrang kinikilig na ako.
“Faye...please..I’m sorry,” malambing nitong sabi. Sabay pakita sa maamo at nakakatunaw niyang titig.
Faye...kumalma ka.
“Babe?” aniya
“Yes?” bigla kong sagot dito.
Pota---
Nakita ko ang pag ngisi niya. At ‘di ko na rin mapigilan ang sarili na mapangiti ng sobra.
“Bati na tayo, okay?!”
May magagawa ba ako?! May pa babe babe ka nang nalalaman eh! Bwisit ‘to.
“Wala naman akong magagawa eh.” Sabi ko at inirapan siya.
Natawa naman siya at inakbayan ako.
“Sorry na. Bati na kasi tayo.” Nakangisi nitong sabi.
Bumuntong hininga ako at tumango.
“Oo na!”
Mabilis nalaman ng mga kaklase ko ang relasyon namin ni James. Pati nga ang ibang studyante dito sa campus alam ang balita eh.
Ang dami talagang marites sa paligid. Alam na alam nila kung anong latest. Pero wala naman akong problema kung malaman nila. Mas mabuti pa nga dahil ngayon alam na nila na sa akin lang si James ko. Pero ‘yung iba nakakatawa kasi may nagpasalamat pa sa akin na may girlfriend na si James kasi akala talaga nila na bakla ito.
Si James, bakla? Ha! Kami nga na halos na magkaklase hindi alam buti pa sila. Pero wala sa kilos at itsura ni James na posibleng bakla siya.
May nagalit din sa akin kasi bakit daw ako ang naging jowa ni James eh hindi naman daw ako kagandahan.
Ah, talaga ba. Kung hindi ako kagandahan bakit ang dami daming lalaki na nabibighani sa akin? Char!
Nabighani ko nga si James.
Inggit lang sila kasi boyfriend ko na ang isa sa Real brothers ang pinaka gwapong mga adan sa buong campus.
“Wow, grabe! Ang bilis kumalat ng balita dito sa campus, friend! Ikaw ang laman ng balita!” pagmamarites ni Andrea.
Napairap na lamang ako dahil sa paulit-ulit ko nang naririnig ang mga sinasabi ng mga tao. Mapa positibo man o negatibo.
“Duh. Hayaan mo na ‘yan Andeng! Basta ako masaya ako ngayon!” wika ko sabay pakurap-kurap sa mata dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon.
“Ang sweet niyo ni James kanina ah. Sana all! Daks ba?!” nakangisi nitong sabi at tumawa ng malakas.
Baliw talaga ang isang ‘to!
“Hoy! Gaga! Ang bastos ng bibig nito.” Mahina ko siyang pinalo sa braso at napatawa rin ako dahil sa halakhak niya.
“Akala ko LQ kayong dalawa?” Nakangisi parin nitong sabi.
“Kanina ‘yun. Nakakainis kasi si James eh. Ayaw niya akong akbayan man lang o hawakan sa kamay. Pati nga paglapit niya sa akin ayaw niya eh.” Nakanguso kong sabi.
“Naiilang pa siguro, gaga! Minadali mo kasi eh.” Aniya.
“Ganun ba ‘yun?”
“Oo naman! Wag mo kasing gulatin. Tinakot mo kasi si James. Take it slow. Mukhang first girlfriend ka kasi niya’n!” sabi nito.
“Oo nga no! Siguro torpe lang siya, kaya takot sa babae!” sagot ko naman.
“Baka nga! Kasi dalawa lang ‘yan eh, kung ang lalaki walang girlfriend lalo na’t sobrang gwapo it’s either bakla or torpe! Hindi naman siguro bakla si James ‘diba?” saad nito.
“Hindi no! ‘yun bakla? Wala akong nakikita sa kaniya na palatandaan kaya ‘wag kang ano”
“Ikaw wala, kasi crush mo siya!”
“Bakit ikaw meron kang nakikita?” medyo napataas ang boses ko dahil sa sinabi niya.
“Meron! Noong una, kaunti! Pero ngayon may girlfriend na siya so it means hindi talaga siya bakla!” pagpapaliwanag nito.
“Pero, kung ako sayo. Take it slow at ‘wag masyadong demanding! Baka ‘yan nag sawa sayo agad, ewan ko lang talaga.” Dagdag niya.
“Grabe ka naman.” Wika ko sabay katok sa mesang kahoy.
“Kaya be the best girlfriend, bes.”
Tama si Andrea..wag ako masyado maging demanding. Baka mainis ng sobra sa akin si James at baka iwan ako.
Naglalakad ako mag isa ngayon papunta sa library ng nakasalubong ko si Josie.
Nginitian ko naman ito at akmang aalis nako nang tawagin niya ang pangalan ko.
Napatingin ako sa kanya.
“Ano ‘yun?”
“Totoo ba ang nabalitaan kong boyfriend mo na si James?” Nakangiti nitong tanong.
Natapango ako. Pati pala kay Josie umabot na ang balitang ‘yun.
Ibang klase ang powers ng mga chismosa.
Nakita ko ang pag lungkot ng mukha niya pero tinago niya agad ito sa pamamagitan ng pagngiti.
“Ah..ganun ba? Ang bilis naman ata.”
Napataas ang isa kong kilay.
“Mahal ko eh.”
Tumango siya at ngumiti.
“Okay... But, I just want to tell you na sana mas kinilala mo pa siya ng mabuti bago ka pumasok.” Sabi nito at iniwan ako mag isang naguguluhan.
Huh? W-what did she mean?
TO BE CONTINUED...