CHAPTER 8

1775 Words
THE GAY CEO CHAPTER 8 FAYE POV. Magiisang buwan na kami ni James at naging maayos ang relasyon namin. Hindi ako masyadong naging demanding sa relasyon namin. Bumait din naman si James sa akin at naging sweet. Madalas niya din akong bigyan ng mga regalo kaya ang gagang si ako kilig na kilig. May mga panahon din na masungit talaga si James sa akin kaya naiinis din ako sa kanya. Alam na din ng lahat dito sa campus ang relasyon naming dalawa, pati nga si April alam na rin ang relasyon namin at tuwang tuwa siya sa nalaman. Nabalitaan ko na din na mag jowa na si April at si Juctril na kapatid ni James. Sa mga nakaraan na araw ay palagi nalang umaalis si James ng maaga at palagi nalang busy. Madalas kasi kaming nagsasabay umuwi kaya nakakapagtaka talaga ang mga ginagawa niya. Pero hindi naman ako dapat mag isip ng masama kasi alam ko naman na hindi ako magagawang lokohin ni James. Alam kong marami pa kaming mga priorities at dapat na hindi lang umiikot ang mundo namin sa relasyon na mayroon kami. Lalo na si james dahil marami pa siyang kailangan gampanan bilang isang Real, dahil sa mga negosyo nila at kompanya na kailangan niyang pamahalaan. Pinanghahawakan ko na lang ang sinabi niyang gusto niya ako. Kaya mananatili ako sa tabi niya, dahil mahal na mahal ko siya. “Babe, mauna kana ulit umuwi ah? May pupuntahan pa kasi ako.” Sabi ni James habang inaayos ang gamit niya. “Saan ka ba kasi nagpupupunta?” Hindi ko na maiwasang magtanong sa kanya. Nilingon niya ako at tila nanghihingi ng paumanhin. “May inutos si Dad sa akin. I’m sorry babe, kung lagi akong busy at naapektuhan na ang oras ko sa’yo! I promise, babawi ako sayo, okay!” sabi niya at hinalikan ako sa noo. Napayuko nalang ako at tumango. Wala naman akong ibang magagawa eh. Hindi dapat ako masyadong maging mahigpit sa kanya. Dahil alam ko kung gaano ang pressure na pasan niya kalakip ng pagiging isang Real. Kaya lagi siguro dapat ko nang sanayin ang sarili kong maging isang supportive girlfriend. Ayokong masakal siya sa akin. Ayokong iwan niya ako. Hindi ko kaya ‘yun. Hinayaan ko nalang umalis si James at hindi na nagtanong pa ng marami. Baka kasi mainis na naman siya, hindi naman kasi siya masisisi kasi napaka bata ko pang magisip. Ngayon na napagtatanto ko na ‘yun eh. Pumunta nalang ako sa SSG office, ako kasi ang secretary at pangatlo sa may pinakamataas na posisyon sa student council. May meeting ‘din kami ngayon. Habang nagmemeeting kami kasama ang mga co-officers ko kay tumawag si Andrea sa akin. Nag excuse muna ako sa mga kasamahan ko at lumabas sa office at sinagot ang tawag ni Andrea. “Hello, Andrea—” “Faye! Kailangan mong malaman ‘to!” Napakunot ang noo ko. “Anong problema?” “Nakita ko si James dito sa mall ngayon lang!” “Huh? Anong ginagawa ni James jan.” Naguguluhan kong tanong. “I don’t know! And guess what! May kasama siyang girl!” Natulala ako sa sinabi ni Andrea. Matagal ko ng kaibigan si Andrea at bestfriend ko siya. Hindi niya kayang magsinungaling sa akin kaya hindi ko pupwedeng baliwalain ang bawat salita niya. “Faye? Are you still there?” “S-siya ba talaga ‘yang nakita mo, Andrea? Baka namamalik-mata kalang.” Denial ko sinasabi ng bestfriend ko. “Hindi! Alam mo naman kung gaano katalas ang paningin ko diba? Siya talaga nakita ko, Faye! Wait I’ll send you his picture together with the girl.” Nagsend si Andrea ng litrato ni James kasama ang habang papalabas sila sa isang restaurant sa loob ng mall. Matapos no’n ay kaagad kong pinatay ang tawag. Napapikit ako at huminga ng malalim. Kumalma ka lang, Faye. Kalma ka lang, baka ka meeting lang niya ‘yun. Isang investor o business related lang. Muli kong kinuha ang aking cellphone at tinext si James. To: Babe James Saan ka ngayon? Nasa bahay ka ba ngayon? Pagkatapos kong itext si James ay sinend ko agad ito. Makalipas ang ilang minuto ay nag reply agad siya. Binasa ko naman ito. From: Babe James Yes, nandito ako ngayon sa bahay. May family dinner kami..umuwi kasi si tita ko. Babawi ako sayo..ingat ka! I love you. Tumulo ang luha ko pagkatapos kong basahin ang reply niya. Napakasinungaling niya. Kung nasa bahay siya ngayon bakit nakita siya ni Andrea sa mall na may kasamang babae? Napakasinungaling mo James! — “Swear, Faye! Si James talaga ‘yung nakita ko sa mall. Alam mo naman na never akong nagsinungaling sayo diba?” sabi ni Andrea. “Oo na! Pero anong never ka jan? Nag sinungaling ka na kaya sa akin.” Nanlaki ang mga mata niya. “H-hoy! Kailan ah? Hindi kaya!” pakikipagdebate niya. “Yung tinanong ko sayo na mahal mo naba si Alfred tapos sagot mo hindi, tapos mahal mo na pala.” “Oo ‘yung time na yun nagsinungaling ako kasi hindi pa ako sure sa nararamdaman ko. Ano ba ‘yan! Bakit ako yung pinag uusapan dito? Dapat lovelife mo!” Napanguso ako sa sinabi niya. Hindi ko parin matanggap na niloloko ako ni James. Mahal na mahal ko siya at ang laki ng tiwala ko sa kanya. Gusto kong makita sa dalawang mata ko na may ibang babae siya bago ako maniwala. “Speaking of your cheater jowa, papalapit na siya.” Nakita ko si James na nakapamulsang lumapit sa amin. “Hi.” Bati niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. “Oy, bes. Alis na muna ako ah? May gagawin pa kasi ako eh, pero bes ‘yung sinabi ko ha. Magingat ka sa mga tao ngayon kasi marami nang sinungaling at makapal ang mukha. Tama ba ako James?” Pagpaparinig ni Andrea. Tanging tango na lamang ang sinagot ni James dito at kita sa mukha nito ang labis na pagtataka. “Anong problema ng kaibigan mo?” ngisi nito habang ako ay walang imik at tahimik lang. “Bakit ang tahimik mo ngayon?” pag-uusisa niya sa akin. Umiling ako ako iniwasan ang titig niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “I’m sorry kung hindi kita lagi nakakasama sa pag uwi. Please forgive me, babe.” Paghingi nito ng paumanhin. Ayan nanaman siya sa mga pa cute niya eh. Nagiging mahina at marupok ako pag tinawag kapag tinititigan na niya ako ng ganyan. “Okay lang.” Mahina kong sabi. Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi at pinaharap sa kanya. Napatitig ako sa kanya. “I’m sorry na okay? ‘Wag kanang magtampo.” Malambing nitong sabi. Hindi ko mapigilan na mapangiti sa kilig. Mahina ko naman siyang sinuntok sa balikat. “Pasalamat ka mahal kita.” Nakangisi kong sabi. “Mahal din kita.” Natigilan naman ako sa kanyang sinabi. Seryoso siyang nakatitig sa akin ngayon. “A-anong sabi mo?” “Mahal kita, Faye.” Ulit nitong sabi at hinawakan ang kamay ko. Napangiti ako at niyakap sya ng mahigpit. “Mahal na mahal din kita James. Sana hindi ka magsawa sa akin.” Natawa siya sa sinabi ko at niyakap ako pabalik. “Naks! Ang ganda ng ngiti ah! Kumusta kayo ng jowa mo?” Nakangising tanong ni Andrea sa akin. Nandito kami ngayon sa kwarto ko at dito din matutulog si Andrea. Ang boring daw kasi sa kanila kasi umalis ang mommy at daddy niya kaya siya lang ang maiiwan dun kasama ang mga kasambahay nila. “Okay na kami ni James. Sinabi niya din sa akin kanina na mahal niya ako.” Kinikilig kong sabi at niyakap ng mahigpit ang unan ko. “Ay! Kaya pala ang laki ng ngiti ng gaga.” “So, hindi mo nilinaw ‘sa kaniya yung nakita ko na may kasama siyang ibang babae?” Hindi ako nakasagot at napailing nalang. Sa totoo lang, nagdududa parin ako at gusto kong malaman ang totoo. Nagsinungaling siya sa akin at gusto kong malaman bakit niya ginawa yun. Hindi ko lang sinabi kaagad dahil gusto ko munang siguraduhin. “Aalamin ko parin kung ano ang katotohanan. Ayaw ko lang munang komprontahin si James, marami kasing mga posibilidad at ayokong awayin siya na walang maipakitang matibay na rason.” Pagpapaliwanag ko. “Babe, pwede bang hindi muna ulit kita masasamahan sa pag-uwi. May pupuntahan kasi akong importante eh.” Pagpapaalam ni james sa akin. “A-ah ganun ba? Okay lang. Magpapasundo nalang ako sa driver namin. Mag ingat ka sa pupuntahan mo ha.” “I love you.” Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Ngumiti ako. “I love you too.” Wika ko. “Umuwi ka agad sa inyo, okay! Magingat ka!” pahabol niya sabay kindat sa akin. Isang tango naman ang itinugon ko sa kaniya kasabay ng matamis na ngiti. “Alis na ako.” Pagpapa-alam niya at umalis na. Biglang pumasok sa utak ko na sundan si James. Siguro dahil sa lagi kong p**o-overthink. Kinuha ko ang bag at sinundan siya. Pagkatapos niyang umalis sa parking lot ay pumara kaagad ako ng taxi at pinasundan siya. Nakita ko ang pagtigil ng kotse niya sa isang Chinese Restaurant. Lumabas siya sa kotse niya at pumasok sa loob. Kaagad kong sinundan siya sa loob. Umupo ako sa tagong parte sa restaurant na hindi mapapansin. Nakita ko siyang nakaupo sa isang table at busy sa cellphone niya na parang may hinihintay. Maya-maya pa ay may isang babae ang lumapit sa kaniya. “James!” pag-approach niya sa boyfriend ko. “Vicky!” Masyang pagbati ni James sabay halik sa pisngi. Nanlamig ako sa nakita. ‘Yan ba ang kabit ni James. Humanda kayo! “Buti sinipot mo ako.” Masayang sabi ni James. “Syempre! Mahal kita eh haha.” Natulala ako sa sinabi ng babae at hindi mapigilang mainis at magalit. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at bigla akong tumayo at sinugod sila sa kanilang pwesto. “Malandi ka! Boyfriend ko ‘yan!” biglang kong sinabunutan ang babae. Nanlaki ang mga mata ni James nang makita ako, habang ako naman ay nag-aapoy na sa galit. “Ouch, who are you! What’s your problem? James help!” sigaw ng babae habang walang-habas kong sinasabunutan ang ulo niya. “F-Faye!” galit na tawag sa akin ni James, ngunit hindi ako nakinig sa kaniya. “Malandi ka! Boyfriend ko ‘yang niyayakap at hinahalikan mo!” panggigigil ko rito. “What the f**k, Faye! Stop it! She’s my cousin!” TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD