Miara's POV Kasalukuyan akong nakaupo dito sa upper deck ng cruise ship, sa harap. Wala naman kaseng masiyadong tao rito. Nakaupo ako mismo sa lapag, malinis naman kase kaya umupo na ako bitbit ang lapis at ang sketch pad ko. Drawing. It's my hobby ever since I was young, I don't know when I learned to draw but I am good enough to satisfy everyone's eyes. This is my comfort, kapag madami akong iniisip ito madalas ang ginagawa ko, Nakakatulong kase ito sa akin magpakalma at talagang nare-refresh ang utak ko. mas nakakapag-isip ako ng maayos at malinaw. Gaya ngayon na hindi ako mapakali sa kapatid ko, kung puwede lang na hilahin ko ang araw ay matagal ko na sigurong ginawa. Malalim akong napahinga ng malalim kasabay ng pag-focus ko sa pagda-drawing. Dalawang araw na ang nakalipas, m