Chapter 2

2068 Words
One year later 3rd person’s POV BANILAD AMPLE VILLAGE, CEBU CITY Isang matayog na lugar kung ituring ng marami ang Banilad Ample Village. Sikat ito sa buong lungsod ng Cebu sapagkat ang lahat ng nakatira rito ay talagang mayroong sinabi sa buhay. Mga businessman, artista, mapamodelo, at nasa politiko. Tunay na eksklusibo, estrikto, at walang kasing higpit na maituturing ang nayon na ito. Sino man ay hindi makapapasok, kung hindi mismo ang mga nakatira sa village na iyon ang magbibigay nang awtoridad para makatapak doon. Katulad na lamang ng mga Montivar. Ang pamilyang ito ay isa sa mga tunay na itinitingala sa kanilang pook, dahil sa dami ng kanilang mga negosyo, ari-arian o yaman. Magmula pa sa kanilang mga ninuno, ay tunay na mahalimuyak ang kanilang pangalan dahil din sa mabubuting gawa na iniwan ng kanilang mga pinagmulan. Sa loob ng Banilad Ample Village, matatagpuan ang napakagandang mansyon ng mga ito. Malaki man, ay walang ibang nakatira roon kundi ang dalawang magkapatid na napag-iwanan nang lahat-lahat ng kayamanan mula pa sa mga lolo’t lola nito, hanggang sa kanilang mga magulang na namatay dahil sa aksidente. Si Gerald Montivar, at Leilyn Montivar. Walang ibang kasama ang dalawang ito liban sa mga tauhan at kasambahay na naninilbihan sa kanila. Ang iba ay mga datihan na. Samantala, ang iba naman ay mga baguhan pa lamang. “Hoy! Ano ka ba? Tulala ka na naman d'yan!" bungad ni Yhana kay Keyla. Si Yhana ay tatlong taon nang namamasukan sa mga Montivar. Probinsyana ito, kaya walang alam sa ano mang buhay na meron sa maraming lugar— tulad ng Cebu. Si Keyla naman ay mag-aanim na buwan nang nagtatrabaho sa mansyon ng mga Montivar. Oo, bago-bago lamang ito. At nakapasok ito, dahil sa tulong ng kanyang tiyahin na si Lillian, nang mabalitaan nito mula sa isang kaibigan na nangangailangan doon ng kasambahay. Noong una ay nagdalawang isip pa si Keyla kung tatanggapin ba nito ang pamamasukan. Halos ayaw niya kasi na magtrabaho sa mansyon kung saan siya pinapapasok ng kanyang tiyahin, ngunit kalaunan ay pumayag na rin siya, sapagkat nais din nito na makatulong sa kanyang Tiya Lillian at Tiyo Rando dahil pagsasaka lamang ang ikinabubuhay ng mga ito. Isa pa, ay wala siyang ibang pinagkakaabalahan sa buhay. Lumaki si Keyla na hindi nakikilala ang kanyang mga magulang. Ang kwento ng kanyang tiyuhin na si Rando Rufino, ay iniwan ito ng kanyang ina matapos siyang isilang upang sumunod sa ama nitong nadistino sa Laguna— upang doon magtrabaho. Tubong Cebu ang pamilya Rufino. Pero dahil sa hirap nang buhay ay kinailangan ng ama ni Keyla na lumuwas ng Laguna upang mabuhay ang pamilya nito. Pero sa kasamaang palad ay hindi na ito bumalik sa kanila. Lumipas ang mga araw, at buwan, ay hindi na ito nagparamdam, hindi na nito binalikan ang kanyang pamilya— bagay na lubos dinamdam ng ina ni Keyla, kaya matapos nitong manganak, ilang araw lamang ang lumipas ay agad din itong sumunod sa asawa— sa Laguna. Lubos na pinag-alala ni Rando ang pag-alis ng kanyang kapatid. Nawalan siya rito ng balita, ‘pagkat hindi na ito nagparamdam pa. Gayunpaman, ay hindi na sila naghanap. Taon man ang lumipas mula nang umalis ang ina ni Keyla ay hindi na ito pinagtuunan ni Rando ng atensyon, dahil ang tanging naisin nito ay mabigyan lamang nang maayos na kinabukasan o buhay ang kanyang mahal na pamangkin. Sila ng kanyang asawang si Lillian ang tumayong mga magulang kay Keyla. Inaruga, pinaaral, at inangkin na para bang tunay na nanggaling sa kanila, hanggang sa ito’y magdalaga. “Bakit ba parang lagi kang nakakakita ng multo riyan, babae ka?” tanong ni Yhana. Napatikhim si Keyla bago sumagot sa kaibigan. “Uh, Uhm— w-wala, baka . . . dahil wala lang akong maayos na tulog kagabi—” “Again and again? At bakit na naman, Te?” Huminga ito nang malalim bago muling nagsalita. “Ikaw, umamin ka nga, may jowa ka, ‘no?” Napakunot noo si Keyla dahil sa sinabi ninYhana. “Huh? Pa ‘no mo nasabi?” “Ay ang taray . . . pamilyar!" tudyo nito. “Kasi naman, Sis! Parang lagi ka na lang puyat! Sino ba’ng pinagpupuyatan mo?" pagpapatuloy niya. Segundo ang lumipas, pero hindi sumagot si Keyla. Kaya naman muling nagsalita si Yhana, dahil kilala na nito ang kanyang kaibigan, alam niya na kapag ito’y tumahimik ay hindi na ito magsasalita. "Nako, huh! ‘Yan ka na naman, Keylangot! Kung hindi ka lang talaga maganda, pag-iisipan kita nang masama. Gigil mo ‘ko—” Napatigil ito sa pagsasalita nang mapansing napasimangot si Keyla. Ayaw na ayaw kasi nito na binabanggit ni Yhana ang kanyang pangalan nang gano’n. “O-okay, sabi ko nga titigil na 'ko. Hmm . . . pero ingatan mo na lang na si Madam Leilyn ang makakita sa ‘yo, Te. Okay? At kung meron ka mang jowa, naku, galingan mo ang pagtatago. Dahil bawal na bawal ‘yan dito sa mansyon, Sis,” anito kay Keyla habang inaayos ang mga damit na marumi na kanilang lalabhan. "Kung magkataon, pak! Talsik ka hanggang sakahan—" "Yhana!" "Ay dumunyu kang h*yop kang imp*kta ka—" bigla itong natigilan nang mahagip ng kanyang mga mata si Marites— ang mayordoma sa mansyon ng mga Montivar, kung saan sila nagtatrabaho ni Keyla. "Ay! Madam, kayo po pala. Pasensya na po kayo, nagulat po kasi ako—" Agad nitong pinutol ang pagsasalita ni Yhana. "Pasimuno ka talaga sa tsismisan," mariin nitong sambit. Wow ha? Hindi ba't ikaw 'yon Madam Marites? Anito sa kanyang isip. "Hala, sige. Magtrabaho. Hindi magdaldalan," mariin at may pagbabantang saad ni Marites. Mabilis na kumilos si Yhana mula sa kinatatayuan nito, saka dali-daling naglakad papunta sa kusina. Susunod na sana rito si Keyla dahil dalawa sila ang nakatoka sa paglalaba ngayong araw, ngunit mabilis itong napahinto sa paglalakad nang bigla siyang kausapin ni Marites. “Ikaw,” turo niya kay Keyla. Nagtataka itong tumingin doon, at tahimik na naghintay sa sasabihin nito. “Iwasan mong makipag-usap kahit na kanino rito sa mansyon. Lalo na, kung oras ng trabaho, naiintindihan mo?” Hindi agad nakasagot si Keyla dahil sa pinaghalong gulat at pagtataka sa nasambit ng kanilang mayordoma. Saka lamang ito gumalaw mula sa kanyang kinatatayuan nang mapansin niya ang pagtikwas nang isa sa mga kilay ni Marites. “Uh, o-opo. P-pasensya na po, Madam," mahinahon niyang tugon. Yumuko ito matapos humingi nang paumanhin. "Gawin mo na ang nararapat mong gawin, at ayokong mauulit pa itong madatnan kayong nagdadaldalan sa oras ng trabaho,” pinasadahan siya nito nang tingin mula ulo hanggang paa. “Hindi ka na nagtanda,” dagdag niya pa. Tumango si Keyla sa harapan nito. Yuyuko pa sana siya nang bigla itong talikuran ng kanilang mayordoma. Pinagmasdan niya si Marites habang papalayo sa kanya, hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Hindi lubos maisip ni Keyla kung bakit nasambit ni Marites sa kanya ang huling sinabi nito. Wala siyang maintindihan, ang alam lamang niya, ay buhat nang dumating siya sa mansyon ng mga Montivar ay iba na ito kung makatingin sa kanya. Napahinga na lamang siya nang malalim, dahil sa mga pumapasok sa kanyang isipan. Kaysa maloka ito dahil sa pag-iisip ukol sa inaasal ng kanilang mayordoma ay naglakad na lamang siya patungo sa kusina, upang doon, ay tulungan ang katrabahong si Yhana. "Oh, bakit ngayon ka lang?" wika ni Yhana kay Keyla nang agad itong matamaan ng kanyang mga mata. "Nabanlawan ko na 'yung maruruming damit. Konti lang naman ito, kaya sigurado ako na agad nating matatapos ang mga ‘to. Napaikot ko na rin pala 'yung washing, kasi nasalang ko na ‘yung iba. Automatic naman 'to,” Humarap ito nang maayos kay Keyla. “Yes, Te! Tama ka nang narinig. This is automatic," Sandali itong huminga nang malalim. "Tamang-tama, hindi na tayo masyadong mahihirapan sa paglalaba. Lalo na ikaw, ang ganda pa naman ng mga kamay mo,” Tumingin ito sa mga daliri ni Keyla. "Alam mo, kung hindi ka lang lumaki sa sakahan, iisipin ko talagang mayaman kang babae ka," anito saka muling huminga nang malalim. "Anyway, highway! Pagsalang mo nang marumi rito, lalagyan mo lang ng sabon at fabric conditioner sa lalagyan,” Tinuro niya ang lugar kung saan naglalagay ng ini-imporma nito sa kaibigan. “Dito. Pagkatapos, kusa na 'yan magbabanlaw at magda-dryer. Paglabas niyan, isasampay na lang. Kaya kapag natapos 'tong mga nakasalang, ikaw naman ang sunod na maglagay nang marumi. Tuturuan kita—" "Yhana." Agad itong napahinto sa pagsasalita, nang marinig niya na may tumawag sa kanyang pangalan. Napaawang ang labi nito nang tumingin sa gawi kung saan nanggaling ang tinig na tumawag sa kanya. Ang sunod ay si Keyla naman ang lumingon doon. "Madam, kayo po pala ulit," aniya. "M-may uutos ho ba kayo?” Napadiretso nang tingin si Keyla kay Marites nang sandali itong tumingin sa kanya bago magsalita. "Sumunod ka muna sa 'kin," untag nito habang nakatingin kay Keyla. Mahinang tumikhim si Yhana, "S-sige po, Madam." Mabilis siyang naglakad at sumunod sa kanilang mayordoma. Bago pa man ito makalayo ay sandali siyang lumingon kay Keyla, saka sumenyas na hintayin siya nito. Napabuntong hininga si Keyla nang tuluyang mawala si Yhana sa kanyang paningin. Maya-maya lang ay muli nitong itinuon ang kanyang atensyon sa nilalabhan. Lumipas ang oras ay hindi pa rin bumalik si Yhana, dahilan, kaya tinapos na ni Keyla ang labahan na dapat pagtutulungan nilang dalawa ng kaibigan. “Why are you doing that alone?” Mabilis na lumingon si Keyla sa gawi kung saan nagmula ang baritonong boses na narinig niya. “Sir, kayo po pala,” aniya nang mapatingin kay Gerald— ang amo nitong lalaki. Bahagyang napaawang ang labi niya, nang mapansin ang seryosong itsura ng amo. Tila naghihintay ito ng sagot mula sa itinanong nito sa kanya. “U-uhm, si— si Yhana po ang katuwang ko rito, Sir. Pero tinawag lang po siya sandali ni Madam,” paliwanag niya. Alam niya na naintindihan siya ng kanyang amo. Pero hindi nito naiwasan na makaramdam ng pagtataka nang mapansin niyang naningkit ang mga mata ni Gerald sa kanya. “Alright. I’ll talk to Marites.” Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Keyla nang sundan niya ang mga mata ng kanyang amo, kapansin-pansin ang pagtigil n’yon sa mga kamay nito. Dahilan nang pagtikhim n’ya, bago yumuko sa harapan ni Gerald. “I’m leaving,” Mabilis na nag-angat nang tingin si Keyla nang sambitin iyon ni Gerald. “Ikaw na muna'ng bahala rito,” sasagot sana si Keyla, ngunit hindi na iyon natuloy dahil biglang tumalikod ang amo nito. Napahinga siya muli nang malalim, pagkatapos ay muling itinuon ang atensyon sa kanyang nilalabhan. Maya-maya, ay naalala niya ang inasal ng kanyang amo nang kausapin siya nito. “Labo no’n—” “Bulaga!” “Ay palaka ka!” Napahawak sa dibdib si Keyla nang gulatin siya ni Yhana. “Grabe ka naman, Keyla! Maka-palaka ka namang pisti ka—” “Ako pa talaga ang grabe? Eh, magkakasakit ako sa ‘yo sa puso," anito habang nakahawak pa rin sa kanyang dibdib. “Agad-agad?” tugon ni Yhana. “OA, Te, huh! Hindi ba p’wede sa pag-iisip muna?” Nagsalubong ang mga kilay ni Keyla dahil sa pagtataka. “Sandali lang kasi kitang iniwan dito, nagsasalita ka na riyan mag-isa!” “Ewan ko sayo,” saad ni Keyla. “Bakit ba ngayon ka lang?” tanong nito kay Yhana. “Eh, ewan ko ba kay Madam. Bigla akong pinatulong do’n sa labas magligpit ng kung anu-ano,” tugon nito. “Anong kung anu-ano?” “Basta, kung anu-anong kalat,” sandali itong napahinto sa pagsasalita nang mapatingin sa mga nilabhan ni Keyla. "Tapos ka na maglaba?" kunot noo nitong tanong. "O-oo, b-bakit?" nagtatakang tugon ni Keyla kay Yhana. "Paanong— alam mo gamitin 'to?" Tinuro nito ang washing machine na ginamit ni Keyla. "Hindi ba’t— tinuro mo sa ‘kin kanina?” Hindi sumagot si Yhana. Sandali siya muling nag-isip saka tumingin kay Keyla habang naniningkit ang mga mata. “Ang bilis mo naman yata matuto?” saad nito. Natigilan si Keyla. “Alam mo, ang pinakamagandang gawin ay isampay na ‘to. Kaya tara na. Baka makita na naman tayo rito ni Madam,” anito. Wala nang nagawa si Yhana kundi mapakamot na lamang sa kanyang ulo. Nagtataka man, ay sumunod na lang ito sa kanyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD