Seth POV I'm being so impatient, gusto ko ng ipagtapat kay Samantha ang totoo pero sa nakikita kong anyo nito kagabi sa huli naming pag-uusap ay naging mailap ito at naging matigas ang anyo. "Maaga ka yatang nagising ngayon?" Puna ni Mommy sa akin nang bumaba ako sa hagdanan, dala ko ang susi ng kotse. "Maglalakad lang ako sa labas,Mom." Pagdadahilan ko rito, kumunot ang noo nito. "Pero dala mo ang susi ng kotse." Napaungol ako sa sinabi nito saka muli itong hinarap. "May pupuntahan lang ako." Pag-amin ko. "At this hour? 6 AM pa lang Seth, may kikitain ka ba at sa labas na kayo kakain ng breakfast?" Marahan akong tumango saka hinalikan na si Mommy sa pisngi, hindi ko na hinintay na muli pa itong magsalita. Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho patungo sa apartment ni Samantha,