Samantha's POV Nakaramdam ako ng simpatya sa Boss ko ngayon.Ang galit at pag-kainis na naramdaman ko sa kanya ay naglaho lalo na ng malaman kong namatayan pala ito ng asawa at nagkataon na kahawig ko. The kiss wasn't bad,ngayon lang ako nahalikan ulit as if it was my first kiss. Simula ng mawalan ako ng memorya ay hindi na ako nakipag-relasyon pa ulit. Nag-focus ako sa pag-aaral at sa mga anak ko. Bumuntonghininga ako,unti-unti na namang bumabalik sa alaala ko ang pag-uusap nina Kuya Brandon at Ate Melissa noon. Two weeks ago nang makalabas ako mula sa ospital hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nilang dalawa sa kuwarto ng mga ito nang madaanan dahil patungo ako sa silid ko. "Hindi habang panahon Brandon ay itatago mo sa kanya ang totoo." Sabi ni Ate Melissa sa nag-aalalang boses.