Samantha's POV "Thank you so much ate Melissa, pasensya na rin." Nakangiti at nahihiya kong saad kay Ate Melissa. Nasa labas na ito ng apartment kasama ang tatlong triplets. It's Friday at nag-yakag si Emily ang matalik kong kaibigan na mag-Clubbing kami ngayong gabi dahil Saturday naman bukas walang pasok sa work. Nakisuyo ako kay Ate Melissa na sa kanila muna ang triplets ko. Lagi ko namang iniiwas ang mga bata rito, sanay na rin sa mga ito. Hindi ko alam kung bakit ngayon ay hindi pa sila nagkakaroon ng anak ni Kuya Brandon. "Okay lang Sam, anytime kapag may lakad ka ay puwede mong iwan ang mga makukulit na 'to." Turan ni Ate Melissa, she was a lawyer at may sarili itong Law Firm. Niyuko ko ang tatlong mga bata na abala sa kani-kanilang mga laruan na hawak. "Mag-behave kayong tat