AUBREY
Dali-daling umakyat ako sa taas para magbihis habang kulang na lang ay ipagtulakan ni mama dahil punit ang damit na suot ko kaya kita na raw ang malaking dibdib ko pati na rin ang kulay pulang bra na suot ko.
Nanggigigil talaga ako at gusto pang makaganti. Walang hiyang lalaking iyon, ang tanda na niya pinatulan pa ako at nakipag-away pa sa akin.
"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko ha, Aubrey?" galit na sabi ni mama na hindi matapos-tapos ang sermon sa akin simula kanina pa.
"Magbihis na po ako, mama," magalang na sagot ko at ayaw salungatin ang utos nito dahil baka makatikim na naman ako ng kurot sa kan'ya.
"Kailan ka pa natutong makipag-away, bata ka?" nagtitimpi na tanong nito.
Napalunok ako. Nagdadalawang isip kasi ako kung sasabihin ko ba sa kan'ya ang ginawa sa akin ng anak ng boyfriend niya. Malaking gulo na kasi ang nangyari kanina at hindi maganda ang resulta kaya nagbago ang isip ko na magsumbong dahil baka maging dahilan pa ito ng mas matinding problema lalo na at ikakasal na pala si mama bukas sa tatay ng nakaaway ko.
Hindi bali, napadugo ko naman ang bibig at ilong n'ya kaya nakaganti na ako.
"Kinakausap kita, Aubrey. Parang pwet ng manok na panay ang kibot niyang bibig mo, pero wala akong naririnig na sagot. Sinasabi ko sa iyo, kaunti na lang dadalhin na kita sa mental hospital dahil d'yan sa pagiging adik mo sa mga koreanong iyan. Tingnan mo lagi kang tulala at wala sa sarili!"
Napa-ngiwi na lang ako, kung saan-saan napunta ang hinala ni mama na wala namang kaugnayan. Sa kan'ya pala ako nagmana na malawak ang nararating ng isip at imahinasyon.
"Aubrey!" malakas na singhal ni mama at tawag sa pangalan ko.
"Sorry po! Ano kasi," napapikit ng mariin na sagot ko.
"Anong ano?" nandidilat ang mga mata na tanong ni mama na tumigil sa paanan ng kama habang ako nakatayo sa harap niya.
"Nagugutom at nauuhaw po kasi ako. Simula kaninang dumating tayo dito, hindi pa po ako umiinom at kumakain ng kahit ano," agad na sagot ko para tigilan niya ang pagtatanong sa akin.
"Ano, hindi ka pa kumakain tapos may lakas kang makipag-basag ulo?!' malakas na tanong ni mama.
Kulang na lang ay magtakip ako ang tenga. Grabe talaga siya, daig pa niya ang naka-megaphone kung minsan sa lakas magsalita.
"Maigi pa, maligo at magbihis ka. Lagpas alas-sais na at malapit na mag-dinner dito kaya bilisan mo ng makakain ka na," utos ni mama sa akin at sinabing lalabas na siya ng silid ko kaya bumaba agad ako kapag natapos ako dahil ang dungis ko umano.
Naiwan akong nakatayo. Kung p'wede lang na habang buhay na akong hindi bumaba ay gagawin ko huwag lang magtagpo ang landas namin ng anak ni Mang Danish pero alam kong impossible dahil nasa isang bahay lang kami nakatira.
Dahil nakaramdam ulit ako ng labis na gutom kaya ang bilis kong nakaligo at nakapag-bihis. Nilakasan ko na lang ang loob ko na bumaba dahil alam kong narito sa na sa bahay si mama.
Dahil gumamit ako ng elevator kahit ayaw ko ay mabilis kong natunton ang daan papunta sa sala. Naabutan ko si mama katabi ni Mang Danish na parang ahas na laging nakapulupot sa kan'ya.
Awkward na ngumiti lang ako ng tawagin ni Mang Danish ang isa sa katulong at sinabing samahan ako sa dining room.
Mabuti na lang at may nakahanda na palang pagkain na pinahanda raw ni mama kaya ready na ang hapag ng maupo ako at kakain na sana nang biglang dumating ang lalaking nakaaway ko at tulad ko ay nakapag-palit na rin ito ng damit ng tapunan ko ng masamang tingin.
I wonder kung bakit narito siya at mukhang kakain rin dahil naupo sa tapat ko. Inabot ang parang tela at nilagay sa may dibdib niya katulad sa parang gamit ng anak ni Myra na isa sa mga kapitbahay namin sa apartment.
"Eh, ang tanda na, parang batang paslit kung umasta," bulong ko bago inabot ang kanin at pinuno ko ang pinggan ko.
Hindi ko pinansin ang lalaking kaharap ko na yumuko ako at nilantakan ang pagkain na nasa harap ko. Kailangan kung kumain at bumawi ng lakas para kapag nag-away kami ay hindi ako talo.
"Aren't you full yet?" tila gulat na tanong nito ng muling abutin ko ang kanin at akmang sasandok ulit.
Hindi ko siya sinagot dahil ang sarap ng nguya ko sa ulam na lechon. Ang lambot ng karne, tapos crispy ang balat, bagay na bagay sa souce na mas masarap pa sa binibili kong Mang Tomas sa tindahan sa kanto.
"Baka sumakit ang tiyan mo," sabi nito ng makitang kumuha ulit ako ng ulam.
Aba marunong naman pala siyang mag-tagalog, pero puro siya English kung kausapin ako kanina.
Inikutan ko siya ng mga mata dahil pati sa pagkain nakikialam na. Tanghalian at hapunan ko na ito kaya sinusulit ko na.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko ng makitang yumuko ito at sumilip sa ilalim ng mesa.
"I'm just checking kung may kasama kang anaconda," sagot nito kaya natigilan ako dahil ang sarap ng kain ko, nakabuka pa ang mga hita ko.
Yumuko rin ako at nauntog pa sa gilid ng mesa pero wala akong nakita maliban sa mahabang mga binti niya. I wonder kung bakit niya nasabi iyon pero binalewala ko at nag-pokus sa pagkaing nasa harap ko.
"I never knew that a skinny woman like you could eat such a bunch of food," sabi na naman nito.
Napalingon ako sa paligid ko pero wala naman akong nakitang ibang tao. Inirapan ko siya dahil English ang sinabi niya, gusto ko sanang sumagot pero mahirap mag-explain na pilipit ang dila, kaya nag-i don't care na lang ako sa isip ko at hindi na siya sinagot.
Pasosyal pa siya. Ang hirap kaya makipag-talo ng English tapos average lang ang explanation na kaya kong sabihin, basta I hate you agad, period.
"It's good seeing you two getting along now," sabi ni Mang Danish na lumapit pala sa amin kasama si mama na kaunti na lang ay lalanggamin na dahil sa ka-swetan nila at hawak kamay pa.
Isa pa si Mang Danish, ang hirap makipag-usap sa kanila kaya puro pilit na ngiti na lang ang ginagawa ko.
"So, how are you, Aubrey?" tanong ni Mang Danish matapos ipaghila ng upuan si mama.
Grabe, ang sweet naman ng ginawa niya. Ganito ang galawan ni Song Joong-ki sa asawa niyang si Song Hye-kyo 'pag napapanood ko sila sa mga interviews kaya kinikilig tuloy ako sa kinauupuan ko.
"Aubrey, tinatanong ka ni Danish," sabi ni mama kaya nalunok ko ang pagkain na laman ng bibig ko.
"I'm fine, sir," tipid na sagot ko sa English na malimit ay gamit ko.
"That's great; it's nice seeing you two having a good time together with Dexon. He's excited to have a baby sister, right son?" baling na sabi at tanong nito sa anak niya.
Ang bilis niya magsalita, parang kinakain ang words, over sa pagka-slang kaya nahirapan ako pero naintindihan ko naman ang excited raw sa baby sister itong lalaking kaharap ko.
Kinalabit ko si mama at tinanong kung magkakaanak pa ba sila at posible pa ba akong magkaroon ng kapatid pero imbes sagutin ako ay nakurot na naman ako kaya pinagsisisihan ko talaga na nagtanong ako at ibinuka ko ang bibig ko.
Hay, mag-aaral na talaga akong mabuti. Kung bakit ba naman kasi ako ipinanganak na ganda lang ang meron at kulang sa talino. Baka kailangan kong tumambay sa library at maghanap ng mahabang English novels para mag-improve naman ang English ko.
Teka, may gano'n kaya sa library? Ang boring naman kasi kung English language book na naman ng babasahin ko, eh, wala talagang napasok sa utak ko.
"Aubrey," nandidilat ang mga mata na tawag na naman sa akin ni mama.
"Po?" naalimpungatan na tanong ko.
"Hija, how old are you now?" tanong ni Mang Danish na nakangiti sa akin.
"Seventeen po," tipid na sagot ko dahil nahihiya akong makipag-usap sa kan'ya.
"What?" narinig kong malakas na tanong ng anak ni Mang Danish na naubo pa pagkatapos.
"What's wrong with you, Dexon?" tanong ng tatay nito dahil sobra naman yata ang naging reaksyon niya sa narinig na sinabi ko.
"Nothing, Dad. I couldn't believe she was only seventeen," sagot nito na sumulyap pa sa direksyon ko kaya lihim na napasimangot ako.
Aba, ano bang akala niya sa akin matanda na, kaya kung makapag-sabi siya na hindi ako mukhang seventeen years old, eh, daig pa niya ang nagulat at hindi makapaniwala sa narinig niya?
"P'wede mo siyang tawaging Kuya Dexon, Aubrey dahil mas matanda siya sa iyo," sabi naman ni mama sa akin.
"Ilang taon na po siya mama?" curious na tanong ko dahil sigurado naman akong mas matanda talaga siya sa akin.
"Thirty plus na yata," sagot ni mama.
"Don't call me kuya; I don't like it; just call me by my name, and I'll be fine," sagot ni masungit kaya lihim nagbubunyi ang kalooban ko kasi may p'wede na akong itawag sa kan'ya na alam kong araw-araw makakaganti ako sa ginawa niya kanina.
"I will call you kuya because you're too old for me," sagot ko na walang pakialam kung tama ba ang English carabao ko pero malinaw na nakita ko na hindi nito nagustuhan dahil nangunot ang noo nito at nanliit ang mga mata na akala mo masakit sa tenga niya ang narinig na sinabi ko.
Bahala siya kung anong pagka-unawa niya sa sinabi ko. Ang hirap kaya mag-english, tapos muntik pa akong mabulol.
Kung bakit ba naman kasi foreigner pa ang nagustuhan ni mama. P'wede naman na si Mang Kanor na may ari ng tindahan ng tinapay sa kanto ayos na ako. Mabait naman iyon at binata pa raw, kaya siguradong walang anak na asungot gaya nitong lalaking nakatitig na naman sa akin kaya naaalibadbaran ako.
Nag-iwas ako ng tingin at agad na yumuko para wala akong dahilan na makita siya. Hindi ko kasi makontrol ang malakas na tìbok ng puso ko dahil sa epekto ng kulay blue na mga mata ng lalaking kasama namin dito sa mesa na kung titigan ako eh, akala mo hindi sapat ang pagkain sa pinggan niya at para bang gusto niyang kainin ako ng buo.