AUBREY
"Aray!" malakas na sigaw ko ng nauntog ang ulo ko dahil sa lakas nang impact ng biglang bumangga ang sasakyan.
Nabitawan ko rin ang buhok ni Dexon at napahawak ako ng mahigpit sa braso niyang kumabig sa akin kanina habang ang isa ay hawak ang manibela.
Mariin na nakapikit ako dulot ng matinding takot. Wala akong narinig na kahit ano sa paligid ko maliban sa malakas na tìbok ng puso ko. Saka lang tuluyang nag-sink sa utak ko kung anong nangyari matapos ang ilang minutong katahimikan at pagkabigla.
"Look what happened, are you happy now?" Narinig kong paninisi at tanong ni Dexon sa akin.
Kahit inis ako sa kanya dahil sa kabastusan niya ay 'di ko magawang sumagot sa mga oras na ito lalo na at nangangatog pa ang tuhod ko sa takot.
Mabuti na lang talaga at ligtas kaming dalawa pero alam kong hindi ang mamahalin na sasakyan ni Dexon dahil obvious naman na bumangga talaga ito isa posteng nasa harap namin ngayon.
Naiiyak ako, sinisisi ko siya pero higit ang sarili ko dahil muntik kaming mapahamak nang dahil sa akin. Bigla tuloy akong napaiyak dahil kung nagkataon, baka kung ano na ang nangyari sa amin ngayon.
"Hey, don't cry." Narinig kong mahinahon na sabi ni Dexon pero inatake talaga ako ng labis na takot kaya lalo lamang akong umiyak at mas malakas pa.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak pero natauhan ako nang may narinig akong malakas na tunog ng sirena ng ambulansya at sumunod ay sunod-sunod na katok sa bintana ng sasakyang sinasakyan ko.
Bigla akong nag-angat ng mukha at saka ko lang napansin na nakayakap pala ako kay Dexon at umiiyak pa sa dibdib niya dahil hanggang ngayon ay 'di ko binitawan ang braso niya.
Awkward na nag-punas ako ng luha gamit ang damit na suot ko pero agad kong binaba ang laylayan ng makita kong nakatingin na naman si Dexon sa bandang tiyan ko.
Ang walang-hiyang lalaking ito, kasalanan niya kung bakit kami umabot sa ganito tapos hindi pa nadala at parang hindi man lang affected sa nangyari samantalang kulang na lang ay sunduin na kami ni San Pedro.
"Sir, kumusta po kayo d'yan sa loob?" malakas na tanong nang isang lalaki mula sa labas ng sasakyan.
"We're fine," sagot ni Dexon na kinalas ang seatbelt at binuksan ang pintuan.
Gusto ko sanang lumabas pero pakiramdam ko ay hindi ko kaya. First time ko masangkot sa ganitong aksidente at hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko.
Para akong tuod na sinundan nang tingin si Dexon habang nakikipag-usap sa mga tao sa labas. May mga nakaitim rin na mga kalalakihan ang lumapit at akala mo ay anak ng presidente si Dexon na sinuri kung nagalusan.
Mukhang may mga kasunod na bodyguard si Dexon at hindi ko namalayan dahil siya lang naman ang nakita ko kanina. Para silang mga multo na basta na lang lumitaw dahil may nangyaring hindi maganda.
Ilang minuto lang ay nawala na ang mga tao sa harap ng sasakyan. Lumapit rin sa front seat si Dexon at binuksan ang pintuan.
"Baba," seryosong utos nito sa akin kaya napalunok ako.
Nakakatakot ang awra niya. Mukhang galit siya at mainit ang ulo kaya kahit nangangatog ang mga tuhod ko ay mabilis na bumaba ako dahil naisip ko na baka gaya sa nakita ko noong isang araw eh, gawin rin niya iyon sa akin.
Napapikit ako sabay kagat sa labi nang pabalya na isinara ni Dexon ang pintuan ng makababa ako. Mabuti na nga at kahit nabangga na ito ay matibay pa rin kaya hindi tumilapon sa lakas ng pagkakasara niya.
"Nakita mo iyan?" malakas na tanong ni Dexon na hinawakan ako sa braso at dinala sa harap ng sasakyan.
Napa-ngiwi ako nang makita ko kung gaano kalaking pinsala ang inabot ng kotse nasirang niya.
"Mabuti at buhay pa tayo otherwise, baka pinaglalamayan na tayo ngayon," mariin na sabi ni Dexon na mukhang inaatake na naman ng pagka-masungit niya eh, siya naman ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa amin.
Hindi pa ako nakapagsalita ng hatakin na naman niya ako papunta sa itim na sasakyan. Para siyang anak ng hari na binigyan daan ng mga lalaking naka-itim na dumaan at tumayo lang sa gilid hanggang sa buksan niya ang pintuan ng kotse at sinabing pumasok at sumakay na ako.
Tulala pa ako hanggang makapasok siya at maupo sa driver seat. Hindi dahil epekto nang nangyari kung 'di, feel ko ang scene sa Korean drama na meteor garden.
Para siyang si Dao Ming Zu na naglakad kaladkad si Shan Cai tapos pumasok sa itim na sasakyan. Ang cute pala, kahit mukhang brusko, may kilig pala ang eksena.
"What's wrong with you?" malakas na tanong ni Dexon na pinitik ang ilong ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya matapos marealize kung nasaan kami at kung saan ako nakatingin habang may matamis na ngiti sa labi.
Hindi pa ako nakakasagot ng may tinawagan si Dexon tapos narinig kong pinapalayas ang mga lalaking nakita ko kanina at sinabing walang kahit isa sa kanila ang tatapak ang mga paa sa bahay niya dahil babarilin daw niya isa-isa sa ulo.
Pakiramdam ko bumara ang hangin sa baga ko at hindi makahinga. Grabe talaga ang ugali niya. Parang gano'n lang kadali sa kanya ang buhay ng isang tao na akala mo ay mga manok na aalisan ng ulo.
Napa-irap ako. Kung sabagay, nakita ko nga ang kalupitan niya nang may pinalo at pinarusahan siyang tauhan sa loob ng isang silid. Dugaan na ang lalaki tapos-ah, ayaw ko nang alalahanin dahil baka tuluyan na akong matakot sa kanya at sa malaking bahay nila.
"Hindi kaya may pinatay ka na sa bahay ninyo kaya may nagmumulto na sa inyo?" Bigla ay nanlalaki ang mga mata na tanong ko dahil naalala ko ang naranasan ko kagabi.
"What the hell are you saying?" Inis na tanong ni Dexon sa akin.
Humaba ang nguso na umayos ako ng upo dahil kunwari ay hindi niya naunawaan ang tanong ko. Kailangan ko talagang mag-iingat sa lalaking ito dahil mukhang masama ang ugali niya bukod sa sobrang pagiging masungit niya.
Nag-iisip tuloy ako kung dapat ko bang sabihin kay mama ang lahat ng nakita ko sa malaking bahay ng mga Miller habang may pagkakataon pa at hindi pa sila kasal ni Mang Danish.
"I'm asking you, lady. Anong sinasabi mo kanina?" tanong ni Dexon pero umiling lang ako.
Hindi na ako nagtanong sa kanya at piniling manahimik na lang sa kinauupuan ko habang paulit-ulit na nag-iisip kung ano ang mabuting gawin ko.
May pag-asa na hindi matuloy ang kasal ni mama at nang tatay niya kung sasabihin ko sa aking ina ang totoo at kung ano ang mga nasaksihan ko.
Teka, wala ba talagang alam si mama tungkol sa mga bagay na nalaman ko? Dalawang araw pa lang ako sa mansyon na iyon pero ang dami ng nangyari. Impossible naman na hindi niya alam ang tungkol doon lalo na at matagal na silang magkakilala at magkarelasyon ni Mang Danish.
"Andito na tayo, baba na," utos ni Dexon kaya iginala ko ang paningin ko sa paligid.
Napalunok ako ng makita ko ang malaking building at magandang parking space nang school na pinuntahan namin.
Nag-aalinlangan na binuksan ko ang pintuan at inayos ang damit na suot ko bago bumaba. Masyadong malaki at malawak ang buong paaralan, malayo sa school na pinanggalingan ko. Mukhang tama nga si mama na mga mayayaman ang mga nag-aaral dito kaya lalo lamang umusbong ang kaba sa dibdib ko.
Siguro dala na rin ng mga napanood kong Korean drama na kapag bagong pasok ang isang estudyante galing sa mahirap na school ay inaapi nila tapos may seryoso at masungit na lalaking mag-rescue sa bida.
Erase! Ayaw ko nang gano'ng buhay at kapalaran kung si masungit na Dexon lang naman ang naiisip kong bida kaya ipiniling ko ang ulo ko para burahin ang bagay na naiisip ko.
Pumiksi ako ng hawakan ni Dexon ang braso ko at humakbang para magkaroon kami ng kaunting pagitan. Akala mo naman ay close kami na kung nakahawak sa akin ay ayos lang.
"Come here!" utos nito sa akin kaya ang tigas ng pagtanggi ko.
"Don't make me angry right now, Aubrey. Come closer," matigas na utos nito pero inirapan ko.
Siguro naman wala siyang gagawing hindi maganda lalo na at nasa public place kami. Isa pa, walang dahilan para lumapit ako sa kanya tapos gusto pa niyang hawakan ang braso ko kaya manigas siya.
Ramdam ko ang talim ng mga mata ni Dexon habang nakatitig sa akin kaya umusbong ang kaba sa dibdib ko dahil kapag ganito siya, nagiging halimaw siya sa paningin ko.
Akala ko ligtas ako pero hindi ko akalain ang mabilis na hakbang ni Dexon palapit sa akin at nahawakan nito ang braso ko. Grabe talaga siya, hindi man lang nahiya kahit may ibang taong nakatingin sa amin ng basta na lang ako hatakin.
"Don't test my patience lady, may kasalanan ka pa sa akin," mariin na sabi nito kaya napalunok ako.
Baka tungkol sa away namin kanina sa loob ng sasakyan ang sinasabi niya kaya nabangga kami at nasira ang sasakyan niya. Naisip ko tuloy, baka parusahan niya ako dahil mahal talaga ang sasakyan niya at paano kung gawin niya akong alila?
"Let's go!" walang ka-ngiti-ngiti na sabi ni Dexon na masyadong seryoso at pormal ang mukha.
Wala akong nagawa kung 'di ang sumunod sa kanya. Para tuloy akong batang akay niya. Daig pa niya si mama kung umasta tapos ang seryoso niya kaya lalo lamang akong nakaramdam ng kaba.
"Good morning, Mr Miller," magalang at nakangiting bati sa kasama ko ng may edad na lalaking nadatnan namin sa loob ng isang opisina na sa tingin ko ay principal sa school na ito.
Nakatingin ako kay Dexon na hindi man lang ngumiti. Larawan siya ng pormal at aroganteng lalaki na hindi ko gugustuhin na katabi. Ako ang nahiya at ngumiti sa kausap niya na tumingin sa dahil mukhang walang balak ngitian man lang ng kasama ko.
"She will begin studying here tomorrow, and I want to make it clear to you and everyone else here that no men are permitted to come near her," akala mo ay striktong tatay ko na sabi ni Dexon.
"She's still young, and I want her to focus on her studies, not on anything else!"
"Of course, Mr. Miller," sagot naman ng kausap.
"Make sure of that; otherwise, I will burn this school, including you, once I find out that someone has disobeyed my rules!" matigas na banta ni Dexon sa kaharap na tinakasan yata ng dugo sa mukha dahil bigla na lang namutla.
"Sure, sir, I'll make sure of that. Miss Aubrey will definitely have a safe environment here. She's protected," sagot naman ng principal.
Naguguluhan ako sa takbo ng usapan nila lalo na at sinabi ni Dexon na may bodyguard akong kasama at magbabantay sa akin dito sa school simula bukas for my security. Hindi ko maintindihan kung para saan, gayong hindi naman ako mayaman gaya nila kaya nalilito ako kung bakit niya ginagawa ito.
"Ayos lang sa akin kahit wala nang bodyguard, Kuya Dexon," sabat ko dahil kapag tahimik lamang ako ay akalain na naman niya na payag ako.
"You don't have to argue with me about that, Aubrey," seryosong sagot ni Dexon na bumaling sa akin at may madilim ang ekspresyon ng mga mata kaya bumaha ang matinding kaba at pag-aalinlangan sa dibdib ko.
"Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang masusunod and that is final!"
Awang ang labi na nakatingin ako sa kanya. Masyado siyang controlling na para bang isa ako sa tauhan niya.
Nakasimangot na inikutan ko ng mga mata si Dexon at nag-martsa palabas ng opisina ni sir principal na hindi ko maalala ang pangalan dahil masyadong mahaba ng basahin ko sa nakasulat sa harap ng mesa niya at nawala na sa isip ko dahil napunta kay Haring Dexon ang atensyon ko.
Kung alam ko lang na ganito ang gagawin niya, hindi na sana ako sumama sa kanya at pumayag na pumasok sa school na ito dahil ganito naman pala ang sasapitin ko na parang batang gusto niyang utusang maupo lamang sa sulok at sundin ang sinasabi niya ng walang reklamo gayong hindi naman kami magka-ano-ano.