Chapter 4

2168 Words
ALYSSA "At anong ginagawa dito ng isang Phenom sa ganitong oras? Naligaw ka ata?" napangiti naman ako nung marinig ko yung boses nya. In fairness, kahit naman lagi ko na syang nakikita sa court, hindi ko naman sya masyadong nakakausap dahil laging nakabakod sakin si Dennise at yung iba kong teammates. After ng game, hindi nila ako hinahayaan na magstay muna, hinihila na agad ako pasakay dun sa coaster. Ganyan yang mga yan eh, possessive. Humarap naman agad ako dun sa taong nagsalita. Nakangiti akong lumapit at nagbeso sa kanya. "Bang!" bati ko sa kanya. Yes tama kayo, andito nga ako ngayon kila Shiela 'Bang' Pineda. "Wow ang taas. Hindi naman halatang namiss mo ako no Alyssa Valdez?" natatawa namang sabi nito sabay yakap sakin. "Of course I missed you. Ikaw kaya yung---" "First love mo?" dugtong nito sa sasabihin ko. Natawa naman ako sa sinabi nya. Well medyo totoo naman yung sinabi nya. Hindi ko lang sure kung love talaga yon or infatuation lang yung naramdaman ko sa kanya. Mabilis din kasing nawala yung feelings ko eh. Nung nakita ko na masaya na sya kay Ara, parang bulang nawala yung nararamdaman ko para sa kanya. Siguro attachment lang yon dahil masyado kaming close non. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay ni Bang non. Tapos pag-uwi pa ng bahay, telebabad kami. Minsan nga, nakakatulugan na namin yung pakikipag-usap sa isa't-isa. So yeah, she could've been my first love kung hindi ko pinatay yung feelings ko para sa kanya. "So tapos ka ng magreminisce dyan? Napag-isip-isip mo ba na sana sinalo mo ako noon? Na sana ikaw ngayon yung girlfriend ko at sana, masaya tayong dalawa?" narinig ko pang sabi nya kaya bigla akong napabalik sa kasalukuyan. "You wish Pineda! Kahit kelan, hindi ako magkakagusto sa babae o! Hindi ako magkakagusto sa maling tao!" sabay belat ko sa kanya. "Hanggang ngayon talaga, indenial ka eh no? Hindi mo maamin-amin sa sarili mo na babae pa rin yung mahal mo ngayon." Takang tumingin naman ako sa kanya. "What are you talking about?" tanong ko sa kanya. "Ay, painosente pa rin hanggang ngayon? Ly, kelan mo ba matatanggap sa sarili mo na hindi naman maling magmahal ng kapwa babae? Hindi kasalanan yon. Hindi naman kasi natuturuan yung puso eh. Titibok at titibok sya sa taong gusto nyang mahalin." Seryosong sabi nya. "Sabi sa bible, ang babae ay para lamang sa lalaki." "Pero wala namang sinabi sa bibliya na hindi pwedeng magmahal yung lalaki ng kapwa lalaki, at babae ng kapwa babae." "At isa pa, hindi rin naman ako apektado dyan sa sinasabi mo dahil wala naman akong mahal na---" Hindi ko na naman naituloy yung sinasabi ko dahil sumingit na naman sya. Hay, kelan na nila ako patatapusin ng sinasabi? "Eh ano mo si Dennise?" "Bestfriend. Kaya nga Team Besh kami nila Ella diba?" "Really? Bestfriend? Eh ano 'to?" tanong pa nya sabay lapit sakin. May kinalikot sya saglit sa phone nya at pagkatapos ay ipinakita sakin. Mga pictures sa UAAP and pag nasa labas kami ng ALE. Mga pictures na kasama ko si Ella, si Den, yung ibang teammates ko. Pero yung pinakamarami don, pictures naming dalawa ni Dennise. Yung mga holding hands namin habang nasa loob ng court, yung yakapan kapag nakakascore ako, yung nakapatong yung baba nya sa may balikat ko habang naghihintay kaming matapos yung naunang laban, at marami pang iba. "Uh, pictures?" nakangiting sagot ko sa kanya. Hay, bakit ba kasi dito ako nagpunta? Sana pala kila Kim and Ara na lang para walang confrontation na ganito. Dapat dun na lang para happy-happy kami. "Ly, hindi mo ba napapansin kung papa'no mo tingnan si Dennise? Kung gaano ka kasaya sa mga pictures na 'to? Kung ano yung pagkakaiba ng ningning ng mga mata mo sa mga pictures na yung ibang teammates mo yung kasama mo at dun sa mga pictures nyong dalawa ni Den? And wag na wag mong sasabihin sakin na pareho lang yung pagmamahal mo kay Ella at Den dahil hindi talaga ako maniniwala? Look at this one, Ly." Sabi nya sabay turo dun sa candid na pic namin nila Denden at Ella, yung nagtatawanan kami tapos nakatingin lang ako kay Denden. "O, ano namang meron dyan?" tanong ko sa kanya. "Ly, iba yung ngiti mo dyan o. Iba yung tingin mo sa kanya. Dyan pa lang, halata na kung ano yung nararamdaman mo para sa kanya. Hindi ganyan yung tawa mo kapag yung iba yung kasama mo. Kay Dennise ka lang sumasaya ng ganyan." Hay, ganun na ba talaga ka-obvious yung feelings ko para sa kanya? Una si Ella, ngayon naman si Bang. Sino pang susunod? "I- I don't know what to say." "Hindi mo kailangang magsalita Ly. Kanina, nung tumawag ka sakin para sabihin na pupunta ka dito. Alam ko na agad kung bakit. And please Ly, don't do it again." Sabi pa nya. "Don't do what? Para kang si Ella eh." "Wag mong gawin sa kanya yung ginawa mo sakin. Wag mong hintayin na may ibang laman na yung puso ni Dennise bago mo maamin sa kanya kung ano yung nararamdaman mo para kanya. Ly, magkaiba kami ni Den. At magkaiba yung naramdaman mo sakin noon at yung pagmamahal mo sa kanya ngayon." "I'm sorry Bang pero I have to." Malungkot ko na sabi ko sa kanya. "Masasaktan ka lang dyan." Malungkot na ngumiti naman ako sa kanya. "Sanay ako don Bang. Sanay na sanay na akong masaktan. At isa pa, wala din namang patutunguhan 'tong nararamdaman ko na 'to eh. Kakasabi nya lang kanina na kahit kelan, hindi nya ako magugustuhan." "Hmm, interesting. Sinabi nya talaga yon?" "Yeah. Alam naman natin kung gaano kastraight yon diba? So bago pa lumalim 'tong nararamdaman ko at mahirapan akong makaahon, pipigilan ko na agad." "Wait, papa'no nya ba sinabi sa'yo yon?" "Ha?" "Yung paraan ng pagsasabi nya?" Naiiling na kinwento ko na lang yung nangyari kanina. Ang creepy lang ni Bang dahil habang nagkkwento ako, nakangiti lang sya ng nakakaloko sakin. Baliw na ata. Nasobrahan na yata sa pagmamahalan nila ni Ara. Isa rin yang dahilan kung bakit ayokong mainlove, ayokong maging kasing baliw nila. At hanggang matapos yung kwento ko, nakangiti lang sya sakin. "Okay, Bang, you're creeping me out. Will you please stop smiling?" "So inaamin mo nga na mahal mo na sya? Si Princess Libero, Iron eagle, si Dennise Michelle Lazaro?" nakangiti pa ring tanong nya. "BANG! It's not helping! Gusto na nga syang kalimutan diba?" "I just want you to admit it!" "And why is that?" "Dahil kailangan mong ilabas yang nararamdaman mo. Dahil pag daw yung feelings, itinago at pinigilan, kusang lumalabas. Ikaw din, baka mapaamin kang bigla nyan kay Denden." Tukso pa nya. "Ugh! Fine! I love her! Okay na?" "Parang napilitan Ly?" "Okay na nga yon diba?" naiinis na ako. "Ly, hindi ganun yung tamang pagsabi, dapat----" "Mahal na mahal kita Dennise Lazaro! Hindi ko alam kung anong nangyari pero paggising ko na lang, mahal na kita! I LOVE YOU I LOVE YOU I LOVE YOU!!!" malakas na sabi ko. Ugh! Buti na lang talaga, walang tao dito rooftop ng condo ni Bang. Pero in fairness, medyo gumaan nga yung pakiramdam ko after ko isigaw yon. "YES! Sa wakas! Umamin din sya. Hoo! Welcome to the club Phenom!" bigla namang nanlaki yung mata ko dahil sa narinig. Oh no! Oh my God! No! Paglingon ko kay Bang, nakangiti nyang iniharap sakin yung phone nya. Shet! Bakit hindi ko napansin kanina yon? "What the hell Bang? Kailangan talaga nasa kabilang line sila Kimoy at Ara? At kailangan mo talagang iparinig sa kanila yung isinigaw ko?" "Gusto nila eh. Nung sinabi ko kay Ara na pupunta ka, sabi nya, it's your time to shine na daw at gusto daw nilang marinig galing sa'yo mismo yung pag-amin mo." Natatawa pang sabi nya. "Nakakainis kayong tatlo! Pinagkaisahan nyo na naman ako!" pagmamaktol ko sa kanila. "Ano ka ba Ly! Wag kang mag-alala, alam mo namang safe yung secret mo samin eh. Hindi makakalabas 'to. Natutuwa lang kami nila Ara and Bang na sa wakas, naamin mo din. Hindi na ikaw yung founder ng 'tuwid na daan'." Sabi pa ni Kim. "Ewan ko sa inyo! Bahala na nga kayo dyan! Uuwi na ako. Baka hinahanap na rin ako sa dorm. Salamat na lang Bang! Aish!" "Bye Ly. Goodluck mamaya. Galingan mong umilag sa unan ha!" narinig ko pang sigaw ni Bang bago ako tuluyang pumasok sa elevator. Ha? Ano daw? Bakit naman ako iilag sa unan? Ang weird talaga ng mga kaibigan ko kahit kelan. Hay! Syempre, bago ako umuwi, bumili muna ako ng pasalubong sa teammates ko dahil alam kong bobombardin ako ng tanong ng mga yon so papasakan ko na lang yung bibig nila para manahimik na lang. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nung nasa may pintuan na ako ng dorm. Hay, makikita ko na naman sya. Magiging abnormal na naman yung t***k ng puso ko nito. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng pwedeng mahalin, eh sya pa? Pwede namang si Kiefer na lang para hindi complicated. Okay, smile Ly. Dapat masaya ka pagpasok mo sa pintong yan para hindi ka mahalata ng mga teammates mo. Inayos ko muna yung sarili ko bago kumatok sa pinto. "Hello Lady Eagles!" masayang bati ko after akong pagbuksan ni Bea ng pinto. Inabot ko din sa kanya yung pasalubong. "Naks, ang saya ni Ate Ly ha. Sabi ko naman sa inyo eh. Totoo yon. Tingnan nyo o, yan yung suot nya. At eto pa! May pasalubong pa tayo!" masayang sabi din ni Bea sa teammates namin. Ano daw? Totoo ang alin? "Ano yon Bae?" tanong ko sa kanya. "Ay hindi mo alam Ate Ly?" "Ang alin?" "Nagcheck ka na ba ng phone?" Umiling naman ako sa kanya sabay kuha ng phone ko sa bulsa ng jacket ko. Nanlaki naman yung mata dahil ang dami ko na palang missed calls galing kay Den. Hala, lagot na naman ako don. Nakalimutan ko kasing icheck dahil masyado akong busy sa pag-eemote ko kanina kay Bang eh. Pero dibale, magpapaliwanag na lang ako sa kanya. Umakyat na lang muna ako sa kwarto para magbihis at kausapin yung bestfriend ko. Hay, nagtatampo na naman sakin yon. Magpapacute na lang ako para mawala yung tampo nya sakin. Effective naman lagi yon, hihi. Nakangiti akong pumasok sa kwarto pero bago pa ako tuluyang makapasok, nagulat ako nang may tumamang unan sa mukha mo. At hindi lang isa ha, sunud-sunod. Masakit ha. Masakit mahampas ng unan ng dere-derecho. Agad ko naman iniiwas yung mukha at balikat ko sa panghahampas ni Dennise. "Ang kapal ng mukha mo! Umuwi ka pa dito! Matapos mong makipaglandian sa kung sino at dedmahin yung mga tawag at messages ko! May gana ka pang pumasok sa kwarto. Lumabas ka dito at wag na wag kang papasok!" yun lang at tinulak na nya ako palabas. Narinig ko din yung paglock ng pinto. "Den! Huy Den!" Whoa! Anong nangyari? Bakit nag-ala tigre na naman yung isang yon? Kakatukin ko ulit sana si Den pero may biglang pumigil sakin. Paglingon ko, nakangisi sakin si Pots. "Kung ako sa'yo, hindi muna ako papasok sa ngayon. Hindi ko pipilitin na buksan nya yung pinto." Sabi pa nya sakin. "At bakit naman? Hello, kwarto ko rin yon no! Saka gusto ko ng matulog. Masyado akong napagod kanina." Mas lalo naman syang napangiti. "Oh. So pinagod ka ni Bang?" tanong pa nya. Bigla namang kumunot yung noo ko. "Papa'no mo nalamang kay Bang ako pumunta?" takang tanong ko sa kanya. Sa pagkakaalam ko naman kasi, wala akong sinabihan na sya yung pupuntahan ko. "Hindi ka pa nagccheck ng IG no?" Umiling naman ako. "Kayo na ba? Akala ko ba silang dalawa ni Galang?" "Ha? Di ah! Hindi naman sila naghihiwalay ni Ara no! Pinagsasabi mo ba dyan?" "Why don't you check it yourself. Open your IG." Takang sumunod naman ako sa kanya. Pagcheck ko, ang daming notifs at mentions sakin. At ganun na lang yung panlalaki ng mata ko nung makita yung picture na pinagppyestahan online. Kaming dalawa ni Bang. Nakaupo sa may rooftop at nakahilig yung ulo ko sa balikat nya. Yan yung time na seryoso kaming nag-uusap kanina. Pero hindi naman kasi yun yung issue eh. Eto yung caption nya dun sa pic: Look who's here. My one and only Phenom. #firstlove . Ayan! Ayan yung caption ng magaling na babae! Kaya pala, kaya pala umilag daw ako sa unan! Tawang-tawa naman si Ella sa reaksyon ko. Leche. Leche lang talaga! Inis na idinial ko yung number nya. At ang bruha, sumagot naman agad-agad. "PINEDAAAA! Ano yon?! Bwisit ka talaga kahit kelan! "I HATE YOU! I HATE YOU SO MUCH!" sigaw ko sa kanya. "Goodnight Ly. I love you. Mwah!" tawang-tawa pa nyang sabi bago ako tuluyang binabaan. Bigla naman akong napasabunot sa buhok ko. Kaya naman pala, kaya naman pala ganun yung reaction nung isa! Adik, adik, at isang napakalaking adik mo talaga Shiela Pineda! Papa'no ko ngayon lulusutan 'to?! UGH! At isa pa. saan ako matutulog ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD