ALYSSA
"So, how's your date?" narinig kong tanong ni Amy kay Den habang tumatakbo kami dito sa oval. Wow naman si Kiwi, ang aga-aga, tsismis agad yung gustong almusalin o.
"It was great." Sagot naman ni Den dito. Huh? Great? Papa'no naging great yon eh hindi naman sila nag-usap ni LA masyado? Buong gabi, nakapulupot sya sakin at halos hindi kami makapag-usap ng maayos ni Kiefer dahil sa kanya. Kapag pinipilit kong tanggalin yung kamay namin, ang sama na agad ng tingin nya. Pupunta lang ako saglit sa restroom, akala mo mawawala ako at hindi na babalik.
"Cool. So, when's the next date?" tanong pa ni Kiwi.
"Wait lang Kiwi ha. Ang tinatanong mo ba eh yung date ni Besh at LA?" singit naman ni Pots.
Tumango naman si Amy sa kanya.
"Ah, akala kasi ni Den, yung date nila ni Ly yung tinutukoy mo." Natatawang sabi ni Ella.
"Huh? Den and Ly?" takang tanong naman ni Kiwi. Ang cute nga ng itsura nya eh, sobrang nakakunot yung noo nya. Sobrang takang-taka siguro sya kasi nga naman, si LA yung sumundo kay Den tapos biglang sasabihin, ako yung kasama nya diba?
"Besh, manahimik ka nga dyan. Baka maniwala yan si Kiwi sa sinasabi mo." Naiiling na singit ko.
"Bakit? Totoo naman yung sinasabi ko ah. Tanong mo pa dyan kay Den, Kiwi." Sabi pa ni Pots.
Sabay naman kaming tumingin ni Kiwi kay Den. Pareho naming hinihintay kung ano yung isasagot nya. Lakas kasi ng tama nitong si Ella eh. Pag si Dennise talaga nakahalata, lagot sya sakin.
Nakangiti namang sumagot si Denden.
"I was with Ly last night." Napafacepalm naman ako sa sagot nya. Sana sinabi nya na si LA yung kasama nya diba? Sila naman kasi talaga yung magkadate dapat. Sumunod lang sila samin nila Pots dun sa coffee shop.
Magiging tampulan na naman kami ng tukso dito eh. Ayoko pa mandin ng ganon. Hindi ko kasi gusto kapag nilalagyan nila ng malisya yung kung anong meron samin ni Den ngayon. Ayokong isipin nila na meron kaming something na dalawa, baka kumalat sa social media. Baka masira sya, baka maraming mambash sa kanya at ayoko non. Kung ako lang kasi, okay lang. Pero pag si Den, ibang usapan na yon. I know her, papatol at papatol yan sa mga mang-aaway saming dalawa don at yun yung hindi ko gustong mangyari. Ayokong makipag-away sya dahil lang dito.
"Ayun naman eh. Akala namin si Kuya LA yung kasama nya, si Ate Ly naman pala, kaya naman pala GREAT yung date." Singit naman ni Jia. Ayan, sinasabi ko na nga ba o. Eto kasing si Dennise parang hindi nag-iisip eh.
"Hindi pa kasi sya tapos Baby Ji. Lima kasi kami don. Ako, si Kief, si Pots, si Den, and si LA." Paliwanag ko naman.
"So kaya 'great' kasi marami kayo?" tanong pa ni Ji.
Sasagot sana ako pero inunahan ako ng bruhang si Ella.
"Hinde. Great kase buong gabing magkaha-----"
"Mamaya na yang chikahan! Ayusin na muna yang pagttraining. Malapit na yung finals. Baka DLSU na naman yung makalaban natin!" putol ko sa kung anuman yung sasabihin nya. Alam ko kasing hindi maganda yung lalabas sa bibig nya eh.
Sasabihin nya na buong gabing magkahawak yung kamay namin ni Den at halos hindi na namin mabitawan yung isa't-isa. Alam na alam ko na yan yung sasabihin ng bruhang si Ella.
Iiling-iling na naman na sumunod sila sakin. Hah! Ako yata yung Captain at kailangan nilang sumunod sa mga sasabihin ko.
"Ly o, Gatorade mo." At kahit hindi naman ako lumingon, kilalang-kilala ko kung sino yung nagsalitang yon. Kakatapos lang ng training namin at nakasalampak ako dito sa sahig ngayon. Agad naman akong nagpasalamat sa kanya after ko kunin yung Gatorade na dala nya. Hindi na rin ako nagulat nung umupo sya sa tabi ko.
"Ly?" tawag nya sakin.
"Hmmm?"
"Gusto mo ng masahe?" tanong nya.
"Wag na Den. Hindi naman masakit yung katawan ko." Pagsisinungaling ko sa kanya. Ang totoo nyan, sobrang sakit ng katawan ko, masyado akong nasobrahan sa pagpalo kanina. Kaya nga ako nakasalampak dito eh dahil nanghihina ako sa pagod at sakit ng likod.
"Oy Ly!" sabay hampas ni Ella sa bandang likod ko.
Bigla naman akong napangiwi. Leche! Sinadya nya yon. Nakikinig sya sa usapan namin ni Denden. After nya kasi akong hampasin, tatawa-tawa syang lumayo samin. Humanda ka talaga sakin mamayang Pots ka!
"Tsk tsk. Hindi pala masakit ha." Narinig kong sabi ng katabi ko.
"Hindi naman kasi talaga--- ouch!" bigla kasing kumirot yung hinampas ni Ella.
Naramdaman ko na lang na sinisimulan na akong i-massage ni Dennise. At ayan na naman yung kakaibang feeling na matagal ko ng sinusupil. "Kontrolin mo ang iyong sarili Alyssa, wag kang magpapadala sa kung anong nararamdaman mo. Kaya mo yan." Ayan, paulit-ulit ko yang sinasabi sa isip ko. Para akong witch na may spell na kailangan i-memorize. Eto naman kasing si Dennise eh, parang nanghihipnotismo. Ugh!
"Den, okay na." sabi na pilit lumalayo sa kanya.
"Kakasimula ko pa lang diba?" sabi naman nya.
"Eh kase."
"Eh kasi ano?" ayan na, nagtataray na sya.
"Nakatingin kasi sila satin ng nakakaloko eh. Baka kung ano na namang isipin nila." Sabi ko sabay turo sa mga bwisit naming teammates na nakangiting nakatingin saming dalawa. Feeling ko kase binibigyan na naman nila ng malisya yung ginagawa sakin ni Den.
"So?" parang walang pakialam na sagot naman nitong babaeng 'to.
"Anong so? Hello Den, iniisip na naman nila na may 'something' tayong dalawa no?! Hindi ka ba nabobother don?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Wala naman kasi diba?"
"Oo pero---"
"O baka naman ikinakahiya mo ako Ly? Na ayaw mong isipin nila na may namamagitan sating dalawa dahil si Dennise Lazaro lang ako? Hindi ako katulad nyo ni Ravena na phenom. Ano nga lang ba ako kumpara sa inyong dalawa diba? Isang hamak na libero lang naman ako." May himig pagtatampo pang sabi nya.
Asus. Ginamitan na naman ako ng natutunan nya sa teatro.
"Den—"
"Don't. Lakad, dun ka sa King phenom mo!" sabi pa nya.
"Sus, ang arte mo! Di bagay sa'yo. Lika na nga dito. Massage mo na lang ulit ako kesa nag-iinarte ka dyan.
"Di na Ly. Nasaktan na ako. Ikinakahiya mo ako. Hmp!" Sabay irap pa.
"Asus, si Besh, gustong magpalambing sakin. Wooshoo. Hindi kita kinakahiya no! Ikaw pa? Aba, kung naging lalaki ako, ikaw agad yung liligawan ko at hindi na kita papakawalan. Yung mga tipo mo yung sineseryoso at pinapakasalan no!" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Sya si Alyssa. Mabait na estudyante si Alyssa. Isa din syang volleyball player. Magaling din syang lumusot at magtago ng feelings. Ganyan si Alyssa, tanga si Alyssa. Wag nyo syang gagayahin." Narinig naming sabi ni Ella kaya binato ko sya ng bote ng gatorade. Ang daming alam eh!
Tatawa-tawa naman si Dennise sa tabi ko.
"Ge tawa pa Besh!" inis na sabi ko.
"So, hindi mo ako ikinakahiya? Okay lang sa'yo na maging girlfriend ako?" nakangiting tanong nya sakin.
"Oo naman. Kung lalaki ako." Sagot ko naman.
"At dahil babae ka, hindi tayo pwede, tama ba?" tanong pa nya.
Tumango naman ako.
"Besh, alam mo naman na----"
"Yeah, yung kausap ko nga pala eh yung founder ng 'tuwid na daan'." Nakangiting sabi nya.
"And hello Besh, yang tipo mo, hindi naman magkakagusto sakin diba?" okay, nagffish ako ng information. Gusto ko lang kasing malaman kung pwede nya akong magustuhan din if ever. Pero tulad ng sabi ko, walang malisya sakin yung tanong na yan. Straight ako at hindi pwedeng magkagusto sa babae.
May kung ano naman kumurot sa puso ko nang bigla syang tumango. Aray ko. Alam kong eto naman yung gusto ko na isagot nya pero masakit din pala na ireject ka kahit 'kunwari' lang.
"Yeah. Hindi kita gugustuhin if ever. May point ka naman don." Nakangiting sagot nya sakin.
"See? Kaya dapat hindi na natin pinag-uusapan yung mga ganitong bagay. Wala naman kakwenta-kwenta 'to. Lika na, tayo ka na dyan, uwi na tayo sa dorm para makapagpahinga na. Gusto ko na rin kasing matulog." Yaya ko sa kanya.
Hindi ko na sya hinintay tumayo at nauna na akong maglakad sa kanya. Ewan ko ba, naiinis ako sa sagot nya pero wala naman akong magagawa dahil yun naman yung totoo. Sino nga ba naman ako para magustuhan nya ako diba? Hay. Eh bakit ba kasi ako namomroblema eh wala naman akong gusto din sa kanya diba?
Wala nga ba? Bulong ng kung ano man sa loob ko.
Oo wala. Uulitin ko na naman ba na straight ako at sa lalaki lang ako magkakagusto? – sagot ko naman.
Baka naman gusto mo lang paniwalain yung sarili mo dyan? Kahit ang totoo, matagal ka ng bumaliko. Kay Shiela pa lang. Ayan na naman sya.
Tahimik! Ako yung mas nakakakilala sa sarili ko. – sabi ko ulit.
Yung sinungaling na ikaw? Aba ayaw talaga akong tigilan ha!
Hindi ako sinungaling! – ako ulit yan
Eh ano lang, in-denial? Bakit kasi ayaw mo pang aminin na nahuhulog ka na talaga kay Dennise. Bakit kailangan mong paniwalain yung sarili mo na mali yung nararamdaman mo para sa kanya. Kahit alam mo na pag kasama mo sya, dun ka lang sumasaya ng sobra. Yun bang parang gusto mong tumigil yung oras pag magkasama kayo? Yung parang feeling mo, kumpleto ka pag nandyan sya. Yung mawala lang sya saglit sa paningin mo, miss na miss mo na agad sya. Ly, hindi yan pagmamahal ng isang kaibigan lang. Pwede mo kasing aminin na mahal mo na si Dennise! Mahaba pang sabi nya.
"Shut up! Oo na! Mahal na nga! Mahal na kung mahal---" bigla ko namang natutop yung bibig ko dahil napalakas pala yung pagkasabi ko non. Paglingon ko sa likod, may halong pagtataka yung tingin sakin ng ibang teammates ko. Habang si Ellapots, ngiting-ngiti sakin dahil alam nya kung ano yung ibig kong sabihin non. At si Dennise, iba't-ibang emosyon yung nakikita ko sa mga mata nya pero mas nangingibabaw yung lungkot. Pero bakit naman sya malulungkot?
"Ang bigas?" pagpapatuloy ko sa sasabihin ko sabay ngiti sa kanila ng pilit.
Tumalikod na lang ulit ako sa kanila at nagsimulang maglakad na lang ulit. Wala ako sa mood para sagutin lahat ng tanong nila. Alam kong hindi sila naniwala dun sa palusot ko. Ayoko silang kausapin dahil baka hindi ko mapigilan yung sarili ko na masabi yung totoo. Peste kase, pesteng puso 'to. Sa maling tao na naman nahulog. Hindi pwede 'to. Kailangang pigilin ko ulit at patayin kung ano man yung nararamdaman ko ngayon. Mali 'to. Maling-mali 'to. Kung nagawa ko noon kay Shiela, kaya ko ding gawin ngayon kay Dennise. Tama, gagawin ko kay Dennise yung ginawa ko noon kay Shiela. Yun lang yung paraan para mawala tong nararamdaman ko para sa kanya.
"I know what you're thinking. Don't. Don't do it Ly. Tigilan mo yan." Bulong sakin ni Ella. Nandito na pala sya sa tabi ko. At ang galing nya ha, alam nya agad kung ano yung iniisip ko. Hay, perks of being a psychology student. Buti na lang talaga hindi ganito yung course ni Dennise. Kung nagkataon kase, matagal nya na ding nalaman kung ano yung nararamdaman ko para sa kanya.
Malungkot na tumingin lang ako sa kanya. Sorry Pots pero buo na yung desisyon ko. Kailangan kong kalimutan 'tong nararamdaman ko para kay Dennise. Isa pa, sa kanya na rin nanggaling kanina na kahit kelan, hindi sya magkakagusto sakin no! So wala na ring sense kung papayagan ko pang tumuloy or mamukadkad kung ano man 'tong namumuong pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.
So para walang masaktan, operation: patayin ang feelings para kay Den at operation: paglapitin silang dalawa ni LA.
Go Ly, kaya mo yan!