HINDI mapakali si Seki habang titig na titig sa lumang gusali kung saan pinaniniwalaan nilang pumasok si Stout at ngayon ay nasa kapahamakan dahil sa duguan nitong pilak na purseras. Sa tingin niya ay sinadya itong iwan ni Stout dahil batid nitong hahanapin at hahanapin siya ng mga kaibigan. Humarap siya kay Dine. “I want to get inside,” buo ang loob niyang wika. “You can’t go inside, you’re not in a right place to get in. Hayaan mong ang grupo ko at ako ang trumabaho nito.” Hinugot ni Dine ang baril na nakasuksok sa tagiliran nito. “I will save your friend.” Nagkatinginan silang magkakaibigan. Ang pagtitinginan nila ay tila isang pag-uusap gamit ang mga mata. “If I didn't go out within thirthy minutes, immediately call a police,” Dine said. She readied herself and starts walking. Sa