ANG MALAKAS na hiyawan ng mga estudyanteng nakakita sa duguang dalawang binatilyo ang pumukaw sa katahimikan ng Green Land. Dali-daling binuhat ng dalawang kawani ng naturang resort si Sere at Stravens nang may pagtataka at pagtatanong sa kani-kanilang isip kung ano ang nangyari sa mga ito. Maagap na dinala sa hospital ang mga ito at tumawag sa kanilang mga magulang. Nagkaroon ng suspensyon sa nagaganap na field trip dahil sa pangyayari. Samantala, alas dyis ng gabi nang tuluyang makatanggap ng tawag ang pamilyang Fustante mula sa head officer ng Ricoland. Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ito at direktang sinabi na kasalukuyang dinala sa hospital ang bunsong anak ng mag-asawa at kasalukuyang nawawala ang ilan pa sa mga kaibigan nito kasama ang kanilang panganay na anak. Nang gabi ring iyon a