MULA sa malayo ay pinagmasdan ni Hades si Seki. Malungkot ang mga mata nito habang kausap ang kapatid. Kasalukuyang nagtatago siya kung saan para lamang makita ito, mula sa malayo. Ito lamang ang tanging paraang alam niya para makita ang lalaki nang walang ibinibigay na dahilan para kanino man. Makailang ulit niya nang ginagawa ang pagsunod dito simula nang mabalitaan niyang nakabalik ito nang ligtas. Ganoon na lamang din ang paglungkot ng kaniyang mga mata dahil sa nakikitang kalagayan ng magkakaibigan, may alam man siya sa totoong nangyayari ay wala siyang magagawa kung hindi ang tumahimik. “Panonoorin mo na lamang po ba siya?” tanong ng alalay at kaibigan niyang si Reiley. Nasa tabi niya ito at patuloy siyang sinasamahan gaya ng bilin ng kaniyang ama na bantayan siya. Humarap siya s