PINANOOD ni Sere na magbolahan si Aul at ang kapatid niyang si Seki habang parehong nasa counter ng mini kitchen ng kanilang condo unit. Dahil nabanggit ni Aul na marunong siyang magluto at ito mismo ang nagluluto ng makakain sa loob ng isang linggong hindi bumisita ang magkapatid. “Seki, we have to leave later.” Lumapit siya sa mga ito at pinanood ang ginagawa. Ang kapatid ay naghahalo ng puting sarsa sa isang malaking mangkok. “Yeah, hindi ko pa naman matawagan ang number ni Dine,” tugon ni Seki na nakuha ang numero ni Dine sa side table ng kaniyang kwarto sa hospital, mukhang sinadya nitong iwan iyon, dahil hindi na ulit bumalik ang babae matapos magkita ang magkapatid. “Fine.” Pinanood na lamang ni Sere ang ginagawa ng dalawa, ngunit nang may mapansin sa paraan ng pagluluto ng mga