Chapter 2

1662 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story   Chapter 2   "Sorry! Sorry!" Paguulit ni Stefan. "Hindi ko sinasadya bro. Isa pa ikaw yung hindi tumitingin sa dinaraanan mo."   "So are you telling me na it's my fault? You ruined my shirt. You ruined my night!" Hindi pa rin tumigil ang lalaki sa pagbulyaw sa kanya. Akmang susuntukin pa nga siya nito ngunit napigilan na iyon ng mga bouncer. Bigla tuloy nawala ang physical attraction na naramdaman niya sa lalaki. Halatang hindi pa ito lasing, hindi tulad niya na may tama na. Napalitan ng pagka-turn off ang naramdaman niya sa lalaki. Napahambog nito.   "Ruined your night? Because of a stained shirt?" Hindi niya tuloy napigilang sagutin ito.   "Really? May gana ka pang sumagot?" Galit na tugon naman nito.   "Eh wala ka na rin naman sa lugar. Bakit huh? Ikaw ba ang may-ari ng bar na ito?" Saka tumayo si Stefan. Nakalimutan na niyang tumayo dahil sa pakikipagtalo rito.   "Hahaha! Yes! I'm the owner of this bar! So please! Get out of my bar!" Saka ito kumawala sa pagkakahawak ng mga bouncer. "Bitawan niyo nga ako! Ako yung boss niyo bakit ako ang pinipigilan niyo ah!"   "Sorry Boss Andrei!" Saka naman nagsipagbitawan ang mga bouncer.   "Patay. Siya pala ang boss. Eh ano namang pakialam ko. Napakayabang ng gagong ito." Bulong ni Stefan sa sarili.   Lumapit ito sa kanya. Kinuha ang kwelyo ng kanyang suot na polo. "I repeat, you ruined my night. Get the hell out of my bar."   "Ang arte ng lalaking ito. Akala niya naman ba nagpadagdag sa hotness niya ang page-English niya? Ang yabang niya. Para siyang bakla rin sa kaka-Ingles! Paminta rin siguro ito!" Naisip niya habang pinagmamasdan ang mukha nito. Totoo. Gwapo nga ito. Napakabango pa ng hininga. Pati ang gamit nitong pabango ay amoy niya. It smells like an expensive perfume.   "Oo. Aalis ako sa bar mo. This is not even a cool place." Tugon niya rito saka niya ito ginantihan ng mga matatalim na titig.   "You son of..." akmang susuntukin siya nito ng isang babae ang pumigil rito.   "Tama na yan Andrei!" Saad ng babae. The woman looked elegant in her little white dress. Halatang mamahalin din ang mga suot nitong palamuti sa katawan. She's sexy and indeed beautiful.   "Mukhang magbabalik loob na ako ah. Ang ganda ng heroine ko!" Sa loob-loob ni Stefan.   "Monique?" Sambit ng lalaki sa bagong dating na babae.   "Stef! Ayos ka lang ba?" Dumating naman at pumwesto sa likod niya ang kaibigan at katrabahong si Hazel kasama si Chester.   "There are already a lot of people looking. Baka isa dyan nagvi-video na. That would be a bad image to your bar kapag na-post yan sa social media. Ikaw pa naman din ang may-ari. Ikaw pa ang gumagawa ng eksena. So you better stop now." Sambit ng babaeng nagngangalang Monique sa lalaking tila Andrei naman ang pangalan.   Tila nakinig naman ito pero binalingan muna siya nito. Bumitaw ito sa pagkakahawak sa kanyang kwelyo. "Remember my name, Andrei Fabregas. Don't you dare come across my path again." Pagbabanta nito.   Aalis na sana ito nang higitin ni Stefan ang braso nito. "Stefan Sarmiento. I hope we don't cross our path ever again. Dahil kapag nagkita tayong muli sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa akin." Walang kurap niyang tugon dito.   "What?!" Babalikan pa sana siya nito ngunit binitawan na niya ito at hinila na ito papasok ng kasamang babae.   Inaya naman siya palabas nila Hazel at Chester. Si Hazel ay lead tester ng kanilang team. Samantalang si Chester naman ay lead business analyst. Si Chester ay nanligaw kay Stefan dati pero hindi niya ito sinagot. Alam niyang lalakero ito at kung kani-kanino nakikipag-s*x. Gwapo rin ito. Laging naggi-gym kaya maganda ang pangangatawan. Hindi niya lang bet ang pagiging fuckboy o f**k closet gay nito. Isa pa, ayaw niya sa mabalahibo kaya nga ang tawag niya rito ay unggoy. Kasabayan niya ang dalawa sa kumpanya at naging matalik na niyang kaibigan. Sila lang ang nakakaalam ng lihim ni Stefan Sarmiento maliban sa kanyang ina, na bading siya.   "What was that?" Tanong ni Hazel.   "Nabunggo niya ako. Natapunan ko siya ng alak sa damit. Kasalanan naman niya. Hindi siya tumitingin sa daan." He explained habang tila naiirita.   "Base sa pagkakarinig mo may-ari siya nitong bar ah. Naging team lead ka lang yung mga inaaway mo ngayon mga bigatin na ah Stef!" Tugon ng babae.   "Pero hindi yon ang deal Haze. Di mo ba narinig ang sinabi nitong kaibigan natin? Kapag nagkita silang muli, sisiguraduhin niyang mahuhulog ito sa kanya! Wow! Kilig!" Panunukso ni Chester. Saka nag-apir ang dalawa sa harap niya. "Bet mo yon no? Alam mo di kita masisisi, bet ko rin eh. Ang hot kaya!"   "Mahuhulog sa kanal. Dahil makikipagsuntukan talaga ako sa kanya. Napakayabang niya. Akala mo kung sinong gwapo at mayaman." Iritable niyang tugon.   "Weh? Telege be? Feeling ko nga bet mo yun! Sayang di maganda ang first encounter niyo!" Dagdag naman ni Hazel.   "Pwede ba tigilan niyo ko. I need to go. Uuwi na ako." Nagpaalam na siya sa mga ito.   "Sure? Kaya mo pa bang mag-drive? May tama ka na yata eh. Isa pa hahanapin ka ni Boss Randy." Si Randy ang kanilang senior manager. "Magpaalam ka na muna sa kanila."   "Wala na ako sa mood. Ikwento niyo nalang sa kanya ang nangyari. At di na ako lasing. Nahimasmasan na ako dahil sa gagong yun." Saka siya bumeso kay Hazel.   "Sa akin walang kiss?" Panunukso ni Chester.   "Gago! Kiss my ass!"   "Yun nga ang gusto ko kaya kita niligawan non eh. I want to kiss your ass!" Pabirong tugon naman ng kaibigang lalaki.   "Alam mo yang si unggoy na yata ang lasing. Ibalik mo na nga yan sa loob para makahanap na ng ka-MOMOL." saad niya kay Hazel.   "Talaga! I want threesome for tonight!" Sigaw ni Chester. Napailing nalang sila ni Hazel sa kaibigan.   Dahil sa pagkawala ng kanyang lasing ay minabuti ni Stefan na lumipat sa katabing bar upang uminom pa. He's really not in the mood of going home pa talaga. Ang pangalan ng bar pinanggalingan niya ay The A-List Bar. Ang katabing bar naman nito ay walang sayawan. Saktong inuman lang at acoustic music ang pinapatugtog. Humanap siya ng pwesto sa sulok at doon solong uminom. Halos isang oras din siyang nag-stay doon. Naka-dalawang bote lang siya. Sumasakit na ang kanyang ulo kaya minabuti na niyang umuwi. Paglabas niya ng bar ay nakasalubong naman niya ang lalaking si Andrei at ang nagngangalang Monique kasama ang ilang bouncer ng A-List Bar.   "Hey excuse me! We're going to the parking lot. Sobrang lasing na ni Andrei eh. Pwede bang ipag-drive mo kami pauwi sa unit niya? Sorry pero I have a driver at hindi ako marunong. Sobrang daming tao ngayon dahil Friday kaya hindi ko naman mahatak ang isa sa mga bouncer namin. They need them here. Yung driver ko may emergency sa family niya. Nag-grab nga lang ako noong nagpunta ako rito kanina eh. I'll make sure na magkakaayos kayo ni Andrei if you do me this favor." Napakaraming sinabi nito para lang hingin ang kanyang tulong.   "Ahmm Miss..."   "Monique! Monique Alonte!" Saka nito inabot ang kamay sa kanya. Kinuha naman niya iyon.   "Stefan Sarmiento."   "Stefan nice to meet you. Sorry talaga sa nangyari kanina ah. Please help me." Pakiusap pa nito. Si Andrei ay inaalalayan ng dalawang bouncer at wala ng malay.   "One hour lang mula noong incident namin tapos nalasing na siya agad ng ganyan? Ang hina naman pala niyang boyfriend mo." Tugon niya rito. Nagdadalawang isip siya kung tutulungan niya ito.   "Oo eh. May pinagdadaanan kasi siya ngayon kaya dire-diretso kung makainom mg tequila. Kaya rin siguro ka niya naaway kanina. Isa pa, hindi niya ako girlfriend."   "How about his friends and family? Baka pwedeng kontakin mo nalang sila?" Tanong at suhestyon niya.   "Some of his friends are not in the vicinity. At konti lang talaga ang kaibigan nitong si Andrei. Family problem ang pinagdadaanan niya kaya hindi niya gugustuhing tawagan ang family niya." Pero may sagot pa rin si Monique.   "Sa ugali niya hindi ako magtatakang wala siyang kaibigan. At hindi na natin problema kung magalit ang family niya. Responsibilidad nila yan." Pagmamatigas ni Stefan.   "Hindi mo naiintindihan." Napailing ito. "Sige mag-grab nalang kami. Sorry inistorbo pa kita. May iba naman nga palang options. Sorry talaga." Nanlulumong tugon nito saka na muling naglakad.   Nakaramdam naman siya ng pagkakonsensya. Sa dami ng makikita at hihingan ng tulong ng babae ay siya pa tapos ay tatanggihan niya lang dahil sa naging alitan nila ng lalaki.   "Wait! Okay fine. I'll drive you." Napilitan na siya.   "Thank you so much talaga!" Prim and proper pa ring sumagot ang babae. Natotomboy talaga siya rito. Hinagkan pa siya nito sa pisngi.   "May paghalik talaga?" Komento niya nang pabulong.   "Don't worry. Malapit lang siya. Dito lang din sa BGC ang condo ni Andrei."   Habang nagmamaneho ay nakakaramdam na ng mas matinding sakit ng ulo at pagkahilo si Stefan. Kinausap niya si Monique upang ma-divert ang kanyang atensyon.   "Pwede ka namang makiusap sa ibang stranger doon. Bakit sa akin pa?" Tanong niya.   "Mukha ka kasing mabait. Tapos nagkaalitan pa kayo ni Andrei para magkasundo na kayo. Tapos I like you." Napalunok siya sa sinabi nito. Napaka-straightforward nito. "Kapag nag-grab din naman kami hindi naman ako tutulungan ng grab driver na iakyat siya sa unit niya eh."   "Huh? So ihahatid ko pa kayo sa mismong unit ng lalaking ito? Baka pwedeng yung security guard nalang ng building?" Tugon niya rito na may halong pagkairita.   "Sorry na. Promise magkakasundo kayo after neto. So please handsome Stefan." Binola pa siya nito.   Pilit na ngiti ang kanyang itinugon dito. "Maganda at mayaman nga pero walang hiya naman ang babaeng ito. Iba rin!"   Pagdating sa condo ay mag-isa niyang inalalayan si Andrei. Kitang-kita niya ang maamo nitong mukha. Hindi niya maiwasang tumingin doon. Gwapo talaga to eh. Mayabang lang.   Pagdating sa unit nito ay hanggang sa kama niya ito hinatid. Hanggang sa wala na siyang matandaan. Paggising ni Stefan ay hubo't hubad na siya. Pero ang hindi niya lubos akalaing katabi niya na hubo't hubad din ay si Andrei.   "Ikaw?!" Sabay nilang nasambit.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD