Chapter 1

951 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story   Chapter 1   2019   "I told you already Andrei hindi ba? Hindi na kita mahal! Bakit ba balik ka pa rin ng balik?" Lumuluhang sambit ni Stefan sa ex. Pilit niyang tinatago ang tunay na nararamdaman sa binata. Ang katotohanang mahal pa rin niya ito. Kahit minsan ay hindi iyon nawala o nabawasan man lamang.   "Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako mahal! Hindi pwedeng isang araw gigising ka nalang na hindi mo na ako mahal! Walang ganon Stefan!" Lumuluha na rin ito. Mas lalo siyang nasasaktan at nawawasak habang nakikita ang bawat patak ng luha na dumadaloy sa mga mata nito.   "Pwede 'yon! I fell out of love! Nagsawa na ako. Ayaw ko na. Hindi ba pwede 'yon?" Tugon niya. Pagdadagdag niya sa kasinungalingang nais niyang panindigan.   "Bakit? Paano? I don't get it! Sobrang okay natin! Sobrang okay na natin! We are even planning for our wedding. Hindi ikaw yung tipo na mafa-fall out of love Stefan! Hindi ka ganong klase ng tao!"   "Kung hindi ka rin naman maniniwala sa akin..."   "Hindi talaga!" Pinutol siya nito. "Just tell me the f*****g truth! Bakit mo ako iniiwasan? Bakit ayaw mo na? Bakit Stefan?! Tell me the truth! Please! Please... I deserve to know the truth." Napaluhod ito sa kanyang harapan.   "Tumayo ka dyan. Andrei tumayo ka dyan." Inalalayan niya ito pero ayaw nito. Nanatili ito sa pagluhod sa kanyang harapan.   "No. No! Tell me the truth first!"   "May HIV ako. May HIV ako Andrei. That's the truth. That's the truth you want to know." Saka muling nagdire-diretso ang mainit na luha na dumadaloy sa kanyang mga mata. Nakatitig lang ito sa kanya at halatang gulat na gulat.   2014   "Ma kailangan ko ba talagang pumunta don? I'm not that sociable. Ayokong pumunta sa mga party'ng ganoon." Tanong at reklamo ni Stefan sa inang si Stella. May party sila ng kanyang IT team. Team Leader na siya bilang isang Developer sa isang malaking kumpanya sa BGC, Taguig. Pa-party iyon ng kanyang Senior Manager para sa successful release ng kanilang recent project.   "Ikaw mismo ang nagsabi nak na ayaw kang mawala doon ng Senior Manager niyo. Ikaw yung Lead eh. Kung dati na mababa pa yung position mo ay nakakagawa ka ng excuse ngayon na Team Leader ka na at asset na ng kumpanya hindi mo na magagawa 'yon nak. Isa pa you're driven by your ambition right to be future Senior Manager of your company. Kailangan mong mas makihalubilo sa mga tao. Part 'yon ng pag-step up sa ladder." Tugon naman ng kanyang ina. Mag-isa siya nitong pinalaki sa kanilang bahay sa Mandaluyong. Only child si Stefan. Iniwan sila ng kanyang ama noong bata pa siya upang sumama sa ibang babae. Ang kanyang ina na dati ring corporate worker ay nakapagpatayo ng isang maliit na apartment sa kanilang lugar. She was his inspiration. Lahat ng mga aral ng buhay at attitude towards everything ay natutunan niya sa kanyang ina.   "If that's the case Ma, I will not settle for just Senior Manager, I need to be an executive to the company. Kapalit ng pagkuha nila sa introvert side ko." Nakangiting tugon niya.   "Then do it nak! Alam kong kayang-kaya mo yan!" Lumapit ito sa kanya. Inayos ang kwelyo ng suot niyang polo. Fitted iyon sa matipuno niyang pangangatawan. Gwapo. Macho. Matangkad. Matalino. Lahat yata ng katangian ay meron si Stefan na magugustuhan ng kahit na sinong babae. Pero hindi babae ang kanyang gusto. "Twenty seven ka na nak. Baka sa mga ganoong lugar mo na rin makilala ang the one mo." Saka siya nito kinindatan.   "Ma! Tigilan mo ako! For sure maraming gwapo doon pero f**k boy! At mga babae ang hanap." Tugon niya.   "Marami ring paminta tulad mo! Kala mo kung sinong gwapo pero gwapo rin pala ang habol." Natatawang panunukso nito.   "Mama ba talaga kita? Bastusan lang ma?"   "Kasi naman nak. Kahit isang boyfriend hindi ka pa nagkakaroon. Tanggap ko ng hindi ako magkakaapo sayo na unico hijo ko. Pero kahit boyfriend wala ka. Kailangan mo yan sa buhay! That will add flavor to your life. Hindi yung puro ka trabaho."   "Wala pa akong nakikilalang matinong lalaki eh ma. Ang hirap humanap ng matinong lalaki ngayon. Remember noong pinag-Grindr at Tinder mo ako? Puro s*x lang ang habol nila sa akin. Gusto lang nilang tikman ang masarap kong katawan."   "Haaaay nako! Lumalakas ang hangin! Sige na nak! Bahala ka na. Malaki ka na. Ang sa akin lang sana bigyan mo na ng chance ang puso mo. Tumatanda ka na."   "Alright ma." Saka niya hinalikan sa pisngi ang ina.   "Mag-ingat ka sa pagda-drive. Enjoy!"   Pagdating sa bar ay pinilit ni Stefan na makisama. Uminom siya at nakisaya. Pero makalipas ang ilang oras ay na-bore na siya. Hindi talaga siya pang-party. He can manage to be with other people but not in a party. Nang makaramdam siya ng kaunting tama, dala ang isang baso na may lamang alak ay lumabas siya sa bar upang magpahangin.   Nang malapit na siya sa pinto ay may natanaw siyang isang lalaki. Maamo ang mukha nito pero maangas kumilos. Tila kaedad niya ito. Marami na siyang gwapong lalaki na nakita sa buong buhay niya pero ngayon lang siya tinamaan.   "He's hot." Nasambit niya. "Lasing na yata talaga ako."   Walang anu-ano ay patungo sa kanyang direksyon ang lalaki at tila nagmamadali ito. Iiwas sana siya rito pero dire-diretso pa rin ito. Hindi nakatingin sa daraanan. Hanggang sa mabunggo siya nito at matapon dito ang alak na hawak niya.   "Oh my God I'm sorry!" Sinubukan pa niyang punasan ang alak na nagkalat sa polo na suot ng lalaki. Puti iyon. Kahit hindi ganon kaliwanag ang ilaw ay naaaninag niya ang pagbakat ng maganda nitong pangangatawan.   "What the f**k! Nananadya ka ba?" Saka siya nito tinulak.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD