CHAPTER TEN

1323 Words
NAPAKASARAP ng tulog ni Carla. Napakahimbing na para bang ipinaghihili siya ng napakaraming anghel. Napakasarap ng pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Parang may isang anghel na masuyong humahaplos sa kaniyang pisngi at niyayakap siya. Ramdam niya ang init ng katawan nito, ang bawat paghinga nito, at ang bawat pagtibok ng puso nito. Pero bakit parang buhay ang anghel na iyon? Para itong hindi isang kaluluwa lamang. "A sweet angel is sleeping beside me," narinig niyang sambit ng anghel na iyon. Napakasarap sa pandinig niya ang boses nito. At lalaki pala ang anghel na nakayakap sa kaniya ngayon. Para siyang idinuduyan nang mga sandaling iyon. Naramdaman na lamang niyang may mainit na bagay na dumapo sa kaniyang noo. Hinalikan ba siya ng anghel? "Kahit paulit-ulit mo akong tarayan at ipagtabuyan, patuloy pa rin kitang lalapitan,” narinig na naman niya ang masuyong boses na iyon ng anghel. Ang sarap sa pakiramdam na hindi siya kailanman iiwan ng guardian angel niya. May sumilay na mumunting ngiti sa kaniyang mga labi nang marinig niya iyon buhat sa anghel na nakayakap sa kaniya. "I'm going to do everything just to win your heart again..." ang panghuling sambit ng anghel sa kaniya bago siya yakapin nito nang mahigpit. Ang sweet naman ng guardian angel niya. Gagawin ang lahat para maangkin lang muli ang puso niya. Pero teka... Bakit ganoon ang sinabi ng anghel sa kaniya? Na para bang ipinahihiwatig nito na mahal na mahal siya. Mahal nga ba siya ng anghel na nakayakap sa kaniya ngayon? Siguro kung hindi lang siya nananaginip, at kung nasa mundo lamang siya ng reyalidad ngayon ay mamahalin at iibigin rin niya ang napaka-sweet na anghel na ito. Napangiti na naman siya. That was the sweetest dream she ever had in her entire life... --- NAGISING si Carla nang umagang iyon. Ang sarap ng tulog niya. Binisita siya ng isang anghel sa kaniyang panaginip, at waring totoong-totoo iyon. Napangiti na naman siya. "Sana totoo ka na lang. Sana nasa mundo na lang kita. Para ikaw na lang ang mahalin ko," mahina niyang sambit sa sarili habang nakapikit pa rin. Unti-unting idinilat ng dalaga ang kaniyang mga mata. Nakita niyang titig na titig si Evan sa kanya, at waring nagtataka ang mukha nitong nakatunghay sa kaniya. Bigla niya itong naitulak nang mapagtantong nasa beywang niya ang braso nito, at para silang nagyayakapan. Bakit ito nakayakap sa kaniya? Magdamag ba silang magkayakap na dalawa? Paano nangyari iyon? Eh, di ba lumayo-layo siya rito nang matulog siya? "B-Bakit ka nakayakap sa ‘kin?" tanong niya. Pinamulahan siya ng mukha. Para silang mag-asawa nang mga sandaling iyon. "Bakit mo ‘tinatanong ‘yan? Eh, ikaw itong lumapit at bigla na lang ako niyakap kagabi." May pilyong ngiti na gumuhit sa mga labi ng binata. Mas lalo siyang nagkulay kamatis sa sinabi nito. Hindi niya alam kung nagsasabi ba ito nang totoo o kung ginu-good time lang siya. Pero baka nga totoo ang sinabi nito sapagkat nanaginip siya ng isang anghel kagabi. Baka nga napayakap siya rito nang wala sa oras sa pag-aakalang ito ang guardian angel niya. She blushed fully. Habang ang binata nama'y nangingiti sa nakikitang reaksyon sa kaniya. "O-Okay ka lang? B-Bakit ko naman gagawin 'yon?!" Nagtaray siya para itago ang pagkapahiya. Humalukipkip ito, at sumandal sa headboard ng kama. "Aba, ewan ko sa ‘yo. Baka may pagnanasa ka sa ‘kin kaya mo ginawa ‘yon." Hindi pa rin mapuknat ang pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi nito. "A-Ako? May pagnanasa sa ‘yo? Hindi ka lang naman pala mahangin. Bagyo ka pa!" naiirita na niyang wika. Halos umusok na ang ilong niya sa matinding inis na nararamdaman. Humalakhak si Evan. “Lalaki lang ako, Carla. ‘Buti nga nakapagpigil ako nang bigla ka na lang yumakap sa ‘kin.” Mukhang hindi siya nito tatantanan sa pang-iinis. Pilyong pinasadahan siya nito nang tingin. She blushed. Halos hindi na maampat ang pamumula ng mukha niya sa mga pinagsasasabi nito. Hindi niya maiwasang makaramdam nang matinding pagkapahiya. Pero hindi siya kailanman aamin sa binata dahil baka isipin pa nitong may gusto pa siya rito. "Baka naman binabaliktad mo lang, Evan. Baka naman ikaw talaga ang biglang yumakap sa ‘kin," balik pang-aasar niya. Bahagya itong natigilan. Ngunit mayamaya’y napangiti na naman. "Bakit ba kasi hindi mo na lang aminin. Wala namang masama, binata ako at dalaga ka," saad nito, saka akmang lalapit sa kaniya. Napaurong siya sa gilid ng kama. Bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kung ano na naman ang binabalak nito ngayon. "Kung gusto mo... Subukan natin kung sino ang nagsasabi nang totoo," sambit nito sa tila nang-aakit na tinig habang papalapit sa kaniya. "A-Ano ba! H-Huwag kang lalapit!" bulyaw niya. Hindi niya alam pero nagsisimula na namang mangatog ang mga tuhod niya. "Bakit? Natatakot ka bang ipagkanulo ka ng sarili mong damdamin? Hmm, Carla?" sambit nitong namumungay ang mga mata, ngunit naroon pa rin ang pilyong ngiti na nakaukit sa mga labi. "A-Anong damdamin ang ‘pinagsasasabi mo? W-Wala akong nararamdaman sa ‘yo, ‘no!" kandautal niyang bulyaw. “Hmm... Talaga? Sinungaling,” saad nitong papalapit nang papalapit sa kaniya. Masyado nang kinakabahan si Carla sa ginagawa nito, kaya naman napagpasyahan niyang umalis na lang ng kama. Pero bago pa man niya iyon magawa ay bigla na lamang siyang sinunggaban ng binata at ibinuwal sa higaan. Dinaganan siya nito. Ang mga mata nito’y matiim ang pagkakatitig sa kaniya. "A-Ano ba! L-Let go of me!" kandautal niyang bulyaw. Pilit siyang nagkukumawala sa pagkakadagan nito. But Evan just held her wrists towards the comfy bed. Nagpilit siyang kumawala sa pagkakawak nito sa kaniyang dalawang pulso, pero hindi niya magawa, sadyang mas malakas ito sa kaniya. "Bastos mo talaga! Maniac!" Iniiwas niya ang sariling mukha rito. Napakalapit na nila sa isa’t isa. Konting galaw na lang ay paniguradong maghahalikan na sila. Tumawa ito nang mahina. Halos pumaypay sa pisngi niya ang napakabangong hininga nito. “Sa ‘yo lang ako ganito, Carla," he whispery uttered. “You always drive me freakin’ crazy…” dugtong nitong sambit. Kahit hindi siya tumitingin dito ay alam niyang titig na titig ito sa kaniya. Na waring pinag-aaralan ang bawat detalye ng kaniyang mukha. Ayaw niyang salubungin ang mga titig nito. Natatakot siya na sa sandaling mapatitig siya sa nangungusap nitong mga mata ay hindi na niya mapigilan ang sarili at tuluyan na siyang magpadala at magpatangay sa mga kasinungalingan nito, sa mga panloloko nito. Mayamaya pa’y naramdaman na lamang niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniya. Bigla siya nitong piningot sa ilong, kaya naman napabaling siya rito. Just to be shocked nang bigla siya nitong gawaran ng mariing halik sa labi. Saglit lang iyon, pero hindi niya maipaliwanag kung bakit parang napakasarap sa pakiramdam ang napakasimpleng halik na iginawad ng binata sa kaniya. "That was my morning kiss for you. Good Morning!" wika nito pagkatapos siya nitong halikan sa labi. Nakangiti ito sa kaniya ngayon. Ngiting abot sa mga mata nito. Nakatitig lang siya rito. She remained stiff for a brief moment na para bang natutulala siya sa ginawa nito. Para silang mag-asawa nang mga sandaling iyon. It seemed like her husband gave her the sweetest morning kiss she could ever have. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Napakasarap sa puso. Napakasarap sa damdamin. It felt like she was in heaven on that moment. Na para bang ito ang anghel sa kaniyang panaginip, na ito ang guardian angel niya. “Let's go. ‘Uwi na tayo. Ihahatid na kita," wika nito na siyang nagpabalik sa kaniya sa reyalidad. Nakatayo na ito, at nakapagbihis na rin habang nakangiting nakatunghay sa kaniya na nakahiga pa rin. Namula siya. Nakita ba nitong natulala siya sa simpleng halik na iginawad nito? Iniiwas niya ang kaniyang mga mata mula rito. Hindi niya magawang salubungin ang mga titig nito sapagkat matitiim ang mga iyon. Wala na siyang nagawa kundi ang tumayo na rin mula sa pagkakahiga sa kama.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD