Naging maaayos naman ang lahat, mula sa pagsasama naming dalawa ni Kuya Van sa bahay hanggang sa school. Kung umakto lang kami ay parang magkapatid na dalawa kahit pa ang katotohanan ay mag-asawa kaming dalawa. Patungo ako ngayong muli sa practice ni JB ng soccer upang panoorin sila. Ipinagbalot ko siya ng paborito kong ulam na ngayon ay paborito na rin niya. Adobong manok ito na niluto kanina ni Kuya Van. Mahigpit ko itong hawak ay nang mag breaktime sila ay agad niya akong nilapitan, kaya agad ko itong ini-abot sa kanya bagama't nahihiya. Masaya naman niya itong tinanggap at nakangiting sinilip ang laman. "Maraming salamat dito Suzaine," taas niya dito, "Paniguradong masarap na naman ito, luto mo ba ito?" Tumango ako at nahihiyang ngumiti sa kanya. Alam kong masama ang magsinungalin