Chapter 35 3rd Pov “Kuya, dinner naman tayo mamaya, oh! Nabo-boring na kasi ako rito sa mansion. Sige na Kuya, Please?’’ paglalambing ni Patricia sa kaniyang Kuya Lorenzo. Nang makita niya ang painting ni Shany hindi talaga siya nagkakamali na ang Kuya niya ang nasa larawan. Kaya, wala siyang pakialam na pinasok si Shany sa banyo kagabi para lang makumperma na kapatid niya nga iyon. At hindi nga siya nagkamali. Tuwang-tuwa pa siya ng malaman na ang Kuya niya ang tinutukoy ni Shany na asawa nito. “Patricia, marami akong ginagawa, kaya hindi ko maipapangako na makipag-dinner sa’yo ngayong gabi,’’ sagot ni Lorenzo sa bunsong kapatid. “Pagsisihan mo talaga kapag hindi ka makipag-dinner sa amin mamaya. Magtatampo ako sa’yo habang buhay.’ Kapag ganoon na ang pananalita ni Patricia, hindi n