Chapter 25 LORENZO “Lorenzo, ganyan ka na lang ba araw-araw? Ilang araw ka ng ganiyan, lagi kang lasing? Lulunurin mo na lang yata ang sarili mo sa alak. Kahit araw-araw ka pa maglasing, hindi mo makikita ang asawa mo. Bumalik ka kaya sa katinuan mo at hanapin mo ang asawa mo!’’ panenermon ni Tita sa akin. Limang araw na ang nakalipas simula ng umalis si Shasha. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin? Hindi ko alam kung paano magsimula na wala siya. Hindi ako papayag na isang panaginip lang siya sa buhay ko. Bakit hindi niya man lang ako hinintay? Bakit nagdesisyon siya na siya lang? Napakamakasarili naman niya. “Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, Tita. Hindi ko nga alam kung saan siya nagmula,’’ wala na sa sarili kong wika kay Tita. Nagliligpit siya ng mga kalat ko dahil w