Chapter 47 Shany Nakaupo ako sa kama sa guest room ng bahay ni Kuya. Pagkatapos kumain pinatulog ko ang mga pamangkin ko. Nagbasa ako ng story pambata. Agad din naman silang nakatulog. Panay ang tanong nila kanina kung kailan uuwi ang Mommy nila. Sinasabi lang ni Kuya na may business trip si Ate, kaya matagal pa ito hindi makauwi. Naisip ko naman ang eksena kanina sa opisina. Mangiyak-ngiyak ako habang iniisip na magkakaroon na ng anak si Lorenzo sa babaeng iyon. Kumusta na kaya ang baby nila? Gusto kong umiyak subalit ayaw lumabas ng mga luha ko. Mabuti nga at hindi ako naiiyak dahil sayang lang ang luha ko. Subalit ang sama-sama pa rin ng loob ko dahil magkakaanak na si Lorenzo sa iba. Ilang sanadali lang ang pagmuni-muni ko nang may kumatok sa pinto. “Shany, gising ka pa?’’ Tumayo
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books