Episode 27

2228 Words

Chapter 27 Shnay Nakarating ako sa labas ng mansion ilang minuto ang nakalipas. Ibinaba ng driver ang dala kong maleta at bitbit ko naman si Piglets. Nakatayo ako at nakatingin sa mataas at malawak na pader ng mansion. Hindi ako makapaniwala na narito na ako sa aming tahanan. Lumapit ako sa gate at nag-doorbell. Ilang sandali pa bumukas ang gate. Halos hindi makapaniwala ang security guard nang makita ako. “Ma’am Shany!” Ikaw nga! Mabuti bumalik ka na Ma’am.” Makikita ang galak at tuwa sa mukha ng guardia namin sa mansion. Tipid akong ngumiti sa kaniya habang malawak naman ang mga ngiti niya. “Pakipasok ng maleta ko sa loob, Kuya.” Agad naman siyang tumango sa sinabi ko. Tumuloy na ako sa loob. Parang tahimik ang mansion. Pagdating ko sa bulwagan ng mansion, parang nakakita ng multo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD