LUMIPAS ang ilang araw, nagpapahupa si Simon James sa kaniyang galit bago niya kausapin ang kaniyang kaibigan. Noong nakaraang araw pa ito tumatawag sa kaniya ngunit hindi niya nagawang kausapin dahil naiinis siya na hindi nito sinabi kung sino talaga si Maureen. Pumunta muna siya sa Japan kasama ang kaniyang mga anak upang makapag-isip siya nang tama at maalis ang galit na nararamdaman kahit papaano. Sino nga bang matutuwa kapag nalaman mong ang taong may atraso sa 'yo ay maayos ang buhay na para bang hindi ito hinahabol ng konsensya sa nagawa nitong kasalanan. "Dad, I want to go back to the Philippines," sabi ng kaniyang panganay na anak. Nilingon niya ito. "Bakit naman?" tanong niya sa kaniyang anak. "Aren't you happy here? Grandma and Grandpa are here, Son, hindi mo ba sila gustong