CHAPTER 2

1987 Words
HINDI mapigilang mainis ni Ericka sa itsura niya habang binabagtas nila ang daan patungo sa school niya na kasama ang kanyang Nanay. Ang Nanay kasi niya ay umarkila pa ng isang parlorista upang mag make up sa kanya. Hindi niya gusto ang nilalagyan ng kung ano-anong kolorete ang mukha niya. Pakiramdam niya triple ang kapal ng kanyang mukha dahil sa make up. Kung hindi lang araw ng kanyang graduation hindi siya papayag na lagyan ng make up ang mukha niya. "Ekay, ngumiti ka naman, ikaw lang ang magtatapos ng high school na nakasimangot," wika ng kanyang Nanay. Kung titingnan mas mukhang magni-ninang sa kasal ang kanyang Nanay dahil lahat na yata ng mga nakatago na alahas ay sinuot na nito, pulang-pula rin ang labi nito at naka-manicure at pedicure pa ito. Posturang-postura ito sa kanyang ayos. "Nangangati ako sa make up, tanggalin ko na kaya 'to," wika ni Ericka. "Huwag mo'ng gagawin 'yan ang ganda-ganda mo nga sa make up mo, kahit tumingin ka sa salamin," ani Nanay niya. "Kamukha ko na si Kimmy," ang tinutukoy niya ay ang baklang nag make up sa kanya. "Ang dami mo'ng reklamo Ekay, ang ibang babae gustong-gusto magmake up, ikaw ayaw mo, tomboy ka ba?" Natigilan siya si Ericka iniisip kasi niya kung ito na ba ang tamang oras para sabihin sa kanyang Nanay ang totoo. Ngunit paano kung hindi ito ang tamang panahon baka atakihin ito ng high blood. Umiwas siya ng tingin. "Hindi po," "Aba't dapat lang, wala sa lahi natin ang tomboy at bakla." Seryosong tumingin ang Nanay niya sa kanya. "Malaking kasalanan sa Diyos ang baguhin kung anong ibinigay sa'yo, tingnan mo nga ang nangyari sa kapitbahay natin na may anak na Bakla, ayun, minalas ang pamilya nila," wika ng Nanay niya. "Nay, naniniwala naman kayo sa tsismis, hindi 'yon totoo kaya sila minalas kasi walang trabaho ang tatay nila pagkatapos adik pa, sa panahon ngayon hindi na big deal kung ano ang kasarian ng isang tao, ang mahalaga nabubuhay ka ng marangal at wala kang tinatapakan tao," paliwanag ni Ericka. Gusto kasi niyang ipaintindi rito na hindi nila dapat minamaliit ang may ibang kasariin dahil tao silang kailangan ng respesto ng lipunan. Alam kasi ni Ericka na hindi malabong maranasan niya ang discrimination kapag hindi na niya maitago ang sarili niya. "Basta! Kung magkakaroon ng karelasyon dapat lalaki at hindi tomboy. Mag-aral ng mabuti sa kolehiyo para naman maganda ang buhay mo at matulungan mo kami," Halos lumaki na ang butas ng ilong ng nanay niya dahil sa inis. "Paano kung sa tomboy ako masaya?" Ani Ericka. "Kung gusto mo'ng humaba ang buhay namin ng tatay mo hindi mo 'yan gagawin, si Adan at para kay Eva at ang babae ay para sa lalaki." Galit na sabi ng kanyang Nanay. Hindi kumibo si Ericka at tinuon ang pansin sa mga taong dinadaan ng trycycle na sinasakyan niya. Ang Kanyang Nanay ay active sa simbahan kaya hindi nito gusto kapag ganitong usapan. Makalipas ang ilang minuto nakarating na sila sa school. Agad na umupo si Ericka sa hanay ng kanyang mga kaklase. By section kasi ang bawat upuan upang sa gano'n ay hindi mahirap ang mga estudyante kapag tatawagin na ang kanilang pangalan. "May nakaupo rito?" Ngumiti si Ericka nang makilala kung sino ang lumapit sa kanya. "Wala pa naman, Lisette." wika niya. "Dito na lang ako uupo," sagot ni Lisette. "Alphabetical order yata ang upuan," tipid niyang sagot. "Huh, wala naman sinabi sa'tin, dito na lang ako wala na kasing bakante sa mga close friend ko," ani Lisette. "Okay," tipid niyang sagot. Hindi niya mapigilan na hindi nakawan ng tingin si Lisette sa tuwing hindi ito nakatingin sa kanya, kinulot kasi ang itim nitong buhok at nilagyan ang long eye lashes ang pilikmata niya, nagmukha siyang manika sa itsura niya. "May dumi ba ako sa mukha?" Nakangiting tanong ni Lisette. Bigla siyang umiwas ng tingin. "W-Wala naman," "Akala ko meron, nakatingin ka kasi sa'kin," "K-kasi ang ganda ng pagkaka-ayos sa'yo." "Ate ko lang ang nagmake up sa'kin," sagot nito. "Hmm… ang galing naman," "Ikaw sino nag-make up sa'yo?" "Yung kapitbahay namin na nagtatrabaho sa Parlor," sagot niya. Nakaramdam siya ng hiya dahil baka mukha na siyang clown sa itsura niya ngayon. Kung bakit naman kasi kailangan maglagay ng make up. "Bagay sa'yo nag-iba ang mukha mo," wika ni Lisette. "Salamat," tipid niyang sagot, kahit hindi siya sigurado kung anong klaseng pag-iiba ng mukha niya. Hindi kasi komportable si Ericka sa itsura niya. Tumango si Ericka at tinuon ang pansin sa principal nilang nagbibigay ng mensahe para sa mga mag-aaral na magtatapos sa high school pagkatapos ng mahabang mga mensahe ng guest ng school sa wakas isa-isang itinawag ang mga pangalan ng magtatapos ng pag-aaral. Pagbaba ni Ericka sa stage sinalubong siya ni Tina na kaibigan niya at niyakap siya nito. "Congrats!" wika ni Tina. "Sa'yo rin, good luck sa college," ani Ericka. Nawala ang ngiti sa labi ni Tina at napalitan ng lungkot. Napansin naman 'yon ni Ericka. "Bakit makungkot ka?" "Hindi na muna ako mag-aaral ng college, kailangan ko munang maghanap ng trabaho para tulungan sila Nanay." "Bakit hindi ka mag-aaral 'diba sa ibang bansa ang Tatay mo nagtatrabaho?" Tumango ito sa kanya. "Hindi na 'yon babalik sa'min nakapag-asawa ng iba sa ibang bansa," naluluhang sabi ni Tina. "Huwag kang umiyak ang swerte mo nga dahil makakaalis ka na sa lugar na'tin, ano kaya kung sumama ako sa'yo?" Hininaan ni Ericka ang huling sinabi upang walang makarinig sa kanya. Nagsalubong ang kilay ni Tina. "Baliw ka ba? Kaya ka naman pag-aralin ng magulang mo, bakit ka sasama sa'kin?" "Basta sasama ako sa'yo, kailan ka ba aalis?" "Gagu 'to baka magalit sa'kin ang parents mo," ani Tina. "Magagalit kung sasabihin mo na magkasama tayong umalis, sasamahan kita na maghanap ng trabaho," ani Ericka. Saglit na nag-isip si Tina at pagkatapos ay pumayag na rin. "Wala akong kinalaman diyan, bahala kang magpaliwanag sa magulang mo," Tumango si Ericka. Sigurado na kasi siya sa desisyon niya na aalis siya ng kanilang bahay. Kung hindi kasi niya gagawin ang bagay na ito pakiramdam niya hindi siya magiging malaya. Nilihim niya ang plano niyang iyon sa kanyang magulang. Pagkatapos ng graduation umuwi na sila ng kanyang Nanay, pinag-handa siya ng kanyang magulang kahit wala siyang nakuhang award sa pagtatapos ng high school. ******** NAKAPILA si Ericka at Tina para kumuha ng NBI certification, ito kasi ang isa sa mga kailangang requirements para sa paghahanap ng trabaho. Nakakuha na rin kasi nila ang Diploma nila sa kanilang school kung kaya't dumiretso na sila para kumuha ng NBI. "Kailan tayo aalis?" tanong ni Ericka sa kaibigan. "Sa katapusan ng Mayo, hintayin muna natin matapos ang holly week," wika ni Tina. "Sige, tawagan mo ako kung may eksaktong araw na ang alis natin 'wag kang magtext sa'kin baka mabasa nila Nanay, minsan hinihiram nila ang cellphone ko," ani Ericka. Tinitigan siya ni Tina. "Alam mo, natatakot ako diyan sa ginagawa mo, e. Hindi ka naman inaapi sa bahay n'yo, bakit kailangam mo'ng lumayas? Kung ayaw mo'ng mag-aral kausapin mo ng maayos ang magulang mo, para kang tanga!" Tinakpan ni Ericka ang tenga, sa tuwing mag-uusap kasi silang dalawa ni Tina palagi siyang sinisermunan ng kaibigan, kahit anong gawin kasi nitong sermon sa kanya buo na ang isip niyang umalis sa kanila. "Ayan! Ayan katigasan ng ulo mo, sana 'wag mo'ng pagsisihan ang gagawin mo, Ericka, basta ako hindi ako nagkulang sa pagbibigay ng payo sa'yo," wika ni Tina. "Oo, 'wag kang mag-alala desisyon ko 'to," Pag-uwi ni Ericka sa bahay kinuha niya ang alkansiyang baboy at binutas niya 'yon kahit hindi pa napupuno, kailangan kasi niya ng pera para sa gagastusin niya kung aalis siya sa lugar nila. "Three thousand sixty, " wika niya matapos niyang mabilang ang lahat ng laman ng alkansiya niya. "Kailangan ko pa 'tong dagdagan," Inilagay niya ang kanyang pera sa wallet niya at tinago niya ito sa loob ng cabinet pagkatapos lumabas siya ng silid Nakita niyang kausap ng kanyang Tatay ang isa sa mga kagawad nito nang makita siya ng kanyang Tatay tinawag siya nito. "Ekay, halika rito at may sasabihin ako sa'yo, " tawag ng kanyang Tatay. Lumapit siya at tumayo siya sa harapan ng kanyang Tatay. "Bakit po?" "Nakita mo na ba ang mga damit na susuotin mo sa Reyna Elena?" tanong ng Tatay niya. Umiling siya, nawala rin kasi sa isip niya ang bagay na iyon. "Hindi ko pa nakikita, nasaan ba 'yon?" "Kanina dinala na rito baka nilabhan na ng Nanay mo," "Susukatin ko na lang kapag natuyo na," tatalikod sana siya upang umalis ngunit muling nagsalita ang kanyang Tatay. "Mag-apply ka ng scholarship ni Mayor para hindi ka mahirapan sa tuition mo, itong si Pareng Elmo, ang anak niya nag-apply ng scholarship ni Mayor. Hinihintay na lang ang resulta kung makakapasa. Mag-apply ka na bukas para makatipid ka. Mahal pa naman ang tuition sa kursong kukunin mo," wika ng tatay niya. Bumuntong-hininga siya. "Sige po, bukas ako pupunta sa munisipyo," pagkatapos tumalikod siya at umalis. Pumunta siya sa kanyang kwarto at doon nagkulong, isa rin sa hindi niya gusto ay ang paghihigpit ng magulang at kapatid niya. Sa tuwing nasa bahay siya hindi siya pinapayagang lumabas para tumabay sa ibang bahay o kahit sa harapan ng bahay nila. Ayaw kasi ng Tatay niyang tumatambay siya sa labas. DUMATING ang araw ng fiesta sa kanilang baranggay at tulad ng inaasahan siya ang naging reyna elena labag man ito sa kanyang kalooban wala siyang magawa dahil ito ang utos ng kanyang Tatay. Naging abala ang kanyang mga magulang at kapatid sa araw iyon. Maging ang ibang tao sa kanilang baranggay ay abala rin. Hindi na niya yata alam kung paano pa niya nakukuhang ngumiti sa harap ng maraming tao habang umikot sila sa plaza. Bukod sa init na init na siya suot niyang gown, kating-kati na rin siya sa make up niya na maya't-mayang pinapatungan sa tuwing nabubura ng pawis. Hindi na niya alintana ang mga taong kumukuha ng litrato at video sa kanya habang dumadaan siya. Pagkatapos ng nakakapagod na paglalakad nakauwi na rin siya. Itinaas niya ang kanyang paa sa lamesa na nasa harapan ng kanilang malambot na sofa. Habang nakaupo siya roon, abala naman ang mga kapatid at magulang niya dahil sa pag-aasikaso sa dumarating na bisita. Habang nagpahinga siya sa sala ng kanilang bahay. Biglang tumawag si Tina sa kanya. Pumasok siya sa loob ng kanyang kuwarto upang walang makarinig ng kanilang pag-uusapan. "Hello, Ericka," "Bakit?" "Sugurado ka na ba talaga na sasama sa'kin para maghanap ng trabaho?" "Oo, sigurado na ako," "Sa Manila tayo maghahanap ng trabaho, marami doon mga pabrika, ano gusto mo ba?" "Sige-sige," "Bukas nang tanghali ang alis natin, paano ka aalis diyan? Baka mahalata ka ng mga kapatid at magulang mo," "Magdadala na lang ako ng konting damit, ang iba naman ay dinala ko na sa inyo," ani Ericka. Sa tuwing magkikita kasi sila ni Tina nagdadala siya ng tatlong pirasong damit at iniiwan niya kay Tina. "Sige, ikaw ang bahala bukas na lang," sabi ni Tina. Pagkatapos pinutol na nito ang tawag. Tamang-tama ang alis niya dahil siguradong tanghali na magigising ang mga tao sa kanilang bahay dahil sa pagod nila ngayong araw. Bago siya natulog nang gabing iyon nag-iwan siya ng sulat sa kanyang mga magulang at ipinagtapat niya sa sulat ang kanyang nararamdaman tungkol sa kanyang pagkatao. Mahirap ang kanyang desisyon na umalis sa kanilang bahay, ngunit mas masakit kung nakatira ka sa isang bahay na hindi kayang tanggapin kung anong klaseng tao ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD