CHAPTER 17: Alistair Roxas

1477 Words
NAGLALAKAD na ako ngayon pa-akyat sa department namin. Kailangan kong bilisan malapit na mag-bell! Terror pa man daw ang first subject namin ngayon! Eh? Kumunot ang noo ko ng may makilalang isang babae. Siya iyong nagtanong sa akin kahapon. Ano nga ulit pangalan nito? Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Aha! Alistair! Tama! Anong ginagawa niya d'yan? Naghihintay ba siya ng pasko? Gusto ba niyang pagalitan sa first subject this day? Ayos ha? Wala sa mukha niya ang pakawalang estudyante. Mukha nga siyang demure na manika para sa akin. Shit! Ilang minuto na lang mag-be-bell na! Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, nilapitan ko siya at inagaw ang pansin niya roon sa hawak niyang cellphone. “Huy, Ali, right?” pagtatanong ko sa kanya kahit natatandaan ko naman ang pangalan niya. Nakita kong nataranta siya dahil sa aking boses. Naitago niya ang phone na hawak niya. Tumango siya sa aking sinabi, “Mm-hmm...” Iyon lang sinabi niya? Ang tipid naman niya magsalita. Napatingin ako sa kanyang mga mata, malungkot ang mga iyon. Anong problema niya? May problema ba sa bahay nila? Nag-away ba ang mga magulang niya kaya ganyan ang itsura niya ngayon parang iiyak na. “Malapit na mag-bell. Ba't hindi ka pa lumalakad. Terror ang professor natin sa first subject, tara na!” saad ko sa kanya at hinila ko siya sa kanyang kaliwang pulso at tumakbo kami sa pa-akyat sa aming department maging sa pasilyo nito. Binitawan ko na ang kanyang kaliwang pulsuhan. Hindi naman talaga kami tumakbo, naglakad lang kami nang mabilis. Kung tumakbo kami ending napagalitan na kami ng officer sa department na ito. Napalingon ako sa kanya at gano'n na lamang ang pagkalaki ng aking mata nang makita siyang hinihingal. Nagtataas-baba nang husto ang kanyang balikat. “Ha-hala! May sakit ka ba sa puso? O, hika?” natatarantang tanong ko sa kanya. Bigla akong kinabahan. Ngumiti siya sa akin at saka umiling. “W-wala naman...” Nakangiti pa ring saad niya sa akin. “Seryoso ka?” Ulit kong tanong sa kanya. Nag-aalala ako sa kanya. Para siyang naghahabol ng hangin. Nag-thumbs-up siya sa akin at nandoon pa rin sa labi niya ang isang ngiti. Lumakad ito papunta sa kanyang p'westo kaya sumunod na rin ako. Katabi ko lang din naman siya. Sinusundan ko ang bawat galaw niya. Kung paano siya umupo at uminom ng tubig. Seryoso ba siyang ayos lang talaga siya? “Hi! I'm Gizzy Torres!” masayang pagpapakilala ko sa kanya. “Iyong tinanong mo kahapon kung may assignment sa English.” Ngiti ko sa kanya at tinuro ang mukha ko. Nilahad ko rin ang kanang kamay ko sa kanya. Baka kasi nakalimutan na niya tapos feeling close ako. Alam mo na?! Hehe. Kinuha niya ang kamay ko at nakangiti pa rin siya sa akin. Hindi yata nawawala sa labi niya ang matamis na ngiti niya. “I'm Alistair Roxas. Nice to meet you!” ngiting balik na pagpapakilala niya sa akin. “Mukha kang doll, ano? Ang kinis din ng mukha mo. Anong pinapahid mo sa face mo, Ali?” usisa kong tanong sa kanya. Nilapit ko ang aking mukha para lalong makita ang face niyang makinis. “Ang lambot mo! Ang lambot ng face mo!" manghang sabi ko sa kanya at hinawakan ko pa ang kanyang pisngi. Ang lambot talaga! Kumpara sa mukha ko! Alagang-alaga niyong sa kanya. “Um, toner, moisturizer and sun screen.” nahihiyang sabi niya sa akin at nakita kong sa iba na siya tumingin. Naiilang ba siya sa akin? “Ah,” tumango-tango ako sa kanya. “Mahal niyong mga iyon, ‘di ba?” tanong ko ulit sa kanya. “Baka 'di ko afford bilhin ang mga ginagamit mo.” ngusong sabi ko sa kanya at humarap sa white board. Afford ko naman na ngayon pero sayang kasi. Iipunin ko na lang pangpapaayos sa bahay naming nasunog, gagawin ko rin kasi ulit iyon na paupahan, e. “Scholar ka?” pagtatanong niya sa akin. Tumango ako sa kanyang tanong. “Oo! Buti nga nakapasa ako bilang scholar, e. Kasi kung 'di ako nakapasa, 'di ako makakapag-aral ng college. Paniguradong every night akong nasa bar at sumasayaw para magkapera pang-tuition.” sagot ko sa kanya. Hindi ko na finilter ang sinabi ko sa kanya. Malalaman din naman niya iyon na dancer ako sa isang bar. High-end class bar naman niyon. Nakita kong nakatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya. Napangiti ako sa kanya. “Gusto mo pa rin ba akong maging kaibigan? Kahit gano'n ang trabaho ko, Ali?” malungkot na saad ko sa kanya. “Kasi kapag nalalaman ng ibang dancer ako sa club... Nilalayuan na nila ako. Hindi ko naman gustong doon magtrabaho pero no choice, e. Doon lang talaga ang malaking kita para madali akong makapag-ipon ng pera. Saka every weekends lang naman kami sumasayaw roon, naka-mask naman kami kaya 'di kita mukha ko.” pagpapatuloy na sabi ko sa kanya. Nagulat akong hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. “Ayos lang sa akin, Gizzy. At least, 'di ka gumagawa ng masama sa ibang tao. Gusto mo lang makapag-aral kaya ginagawa mo iyon... Oo nga pala, kung 'di mo mamasamain, ha?” Huminto siya sa kanyang sinasabi. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. Ngumiti ako sa kanya. “Ituloy na mo na iyan! Shoot the question!” ani ko sa kanya. “Makapal ang mukha ko kaya 'wag kang mag-alala.” Ngiti kong pagpapatuloy sa kanya. “Nasaan ang magulang mo? Dapat sila ang nagtatrabaho para sa'yo, 'di ba? Ayos lang kung 'di mo–” “Matagal nang patay mga magulang ko, Ali. Bata pa lang ako ng mamatay sila sa isang aksidente,” mahinang sabi ko sa kanya. “Tita ko ang kumopkop sa akin at nagpalaki pero namatay na rin siya ilang taon na nakakaraan. Ang matindi pa nito, iniwan sa akin ang dalawang anak niyang nag-aaral sa high school kaya kailangan kong kumayod para sa aming tatlo. Matagal na rin dedo ang asawa ng tita ko.” pagpapatuloy kong sabi sa kanya. “I'm sorry, Gizzy.” mahinang sabi niya sa akin. “Sana pala 'di ko na tinanong ang tungkol doon.” Tinapik ko ang kanyang balikat. Mukha kasi siyang nakokonsensya, e. “Uy, Ali, ayos lang! Ikaw pa lang din naman ang nagtanong about sa buhay ko. Wala akong naging kaibigan simula nag-aaral ako kahit nu'ng 'di pa ako pumapasok bilang dancer sa club. Let's be friend?” ngising sabi ko sa kanya at nilahad muli ang aking kanang kamay. “Sure!” masayang sabi niya sa akin na siyang kinangiti ko rin. Hindi ko alam pero first time kong magkaroon ng kaibigan. Mabait si Alistair pero minsan nakikita ko siyang parang lutang na naglalakad at nakatingin siya sa kawalan habang nagtuturo ang professor namin. Ilang araw na ba siyang ganyan? Hindi ko naman maitanong ang problema niya. Baka sabihin niya akong tsismosa, kabago-bago ko lang na kaibigan siya. “Alistair, may problema ka ba? Ilang beses na na kitang naririnig na bumubuntong-hininga at nakatulala palagi. Ayos ka lang ba talaga?” nag-aalala kong tanong sa kanya. Umiling siya sa akin. “Um-huh?! W-wala naman. Pinoproblema ko lang niyong reporting next week. Ayos lang ako.” saad niya sa akin at bumalik sa kanyang binabasa. Hindi ko alam kung may natandaan ba siya sa binabasa niya, pakiramdam ko walang pumasok sa isipan niya. Hindi na lang ulit ako nagtanong sa kanya. Baka sabihin niya naghihimasok ako sa pansariling buhay niya. Sana nga lang talaga wala siyang problema. Pagka-bell ulit, lunch break na namin. Makikipagbanggaan na naman ako sa mga estudyante sa canteen. Hindi ko ba alam ba't ang daming tao palagi sa oras namin, halos kalahati yata ng population sa campus na ito ay kaparehas ng lunch break naming ala-una ng tanghali hanggang alas-dos. “Alistair, hindi ka kakain?” tanong ko sa kanya ng makita ko siyang dire-diretso nasa tapat na kasi kami ng canteen. “Um, kakain. Pero, roon ako sa garden pup‘westo, Gizzy. Ikaw?” Kalmadong boses na sabi niya sa akin. “Garden?” pagtatanong ko sa kanya. “P'wede ba roon kumain?” Hindi ba kami mapapagalitan doon? So, sa ilang araw na namin dito sa campus, doon siya kumakain at tumatambay kapag lunch break? Tumango siya sa tanong ko. “Mm-hmm... Halos konti lang kumakain doon. Hindi rin crowded katulad sa canteen at maging doon sa snack bar na laging puno. Sariwa pa ang hangin dahil napapalibutan tayo ng mga matataas na puno at nagagandahang mga bulaklak. Malilim din doon dahil sa mga puno.” paliwanag niyang sabi sa akin. Shete! P'wede pala roon kumain! Tapos, ako rito sa canteen nakikipagbanyahan pa para makaupo man lang. “Sasama ka, Gizzy?” Tumango agad ako ng ilang ulit sa kanya. “Oo naman, Alistair!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD