CHAPTER 18: First Date

1604 Words
“Kinakabahan ka ba?” Tinaasan ko ng kilay sina Zoe and Sasha. Kanina pa nila akong inaasar. Ngayon ang date namin ng Easton na iyon. Pero, hindi ko maitatangging kinakabahan nga ako. Kanina pa malamig ang aking magkabilang kamay at marami na ring pumapasok sa isipan ko na mga scenario. Paano kung patayin ako ng lalaking niyon? Paano kung isa siyang wanted na rapist? Paano kung kidnappin niya ako at ibenta sa mga yakuza? Paano na ang mga pinsan kong ito?! “Zoe and Sasha,” tinignan ko ang dalawang kaibigan ko rito sa bar. “Kapag hindi ako nakapagtext sa inyo na ligtas akong nakauwi sa bahay namin, please, tumawag na agad kayo ng police at ituro niyo agad niyong Easton na ‘yo– aray!” Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng pitikin ni Sasha ang aking noo. Masakit, ha?! “Gaga, Gizzy! Kung ano-ano pumapasok sa isipan mo! Ikalma mo nga iyan pagiging overthinker mo, hindi mo kalahi si Tinkerbell, ha?! Si Manager Phil na nga nagsabing mabait at mapagkakatiwalaan niyang Easton na ‘yan, so, mag-chillax ka lang sa magiging date niyo!” sermon niya sa akin kaya napanguso na lang ako. “Ang isipin mo niyang prod mo mamaya baka makalimutan mo ang steps mo, sige ka, Gizzy?!” pananakot pa sa akin ni Zoe. Lalo tuloy ako napanguso dahil sa sinabi ng dalawa. “Oo na po, mga madam! Gagalingan ko mamaya sa prod, galingan nating tatlo, ha?!” ani ko sa kanilang dalawa at huminga nang malalim upang pakalmahin ang aking sarili. Hindi ko muna iisipin ang pagkikita namin mamaya ni Easton. Ayokong magkalat mamaya sa stage. Kapag nagkamali talaga ako mamaya sisihin ko itong si Easton. Bwisit! Huminga ako nang malalim ng tawagin na ni Mamu ang pangalan ko. Ilang buwan na ba akong nagso-solo prod para sa pole dance, so far, so good naman ang nagiging performance ko kaya hindi ako napapatawag ni Mr. Phil. Kasi once na napatawag ka na niya at may mali na sa performance mo, may tsansang matagal na sayo ang solo prod katulad na lamang ng kay Toni rati, ayon sa sinabi niya. Pahirapan daw ulit makuha ang loob ni Mr. Phil para ibalik ka sa pagiging performer. Kaya talaga kaming limang may solo prod - may dalawa pang matagal sa amin na may solo prod din, lahat kami ay ginagalingan para hindi mawala sa amin ang bagay na ito. “Do your best, Gizzy!” Tapik sa akin ni Mr. Phil kaya tumango ako sa kanya. Ngayon lang niya ako sinabihan ng ganyan. Ramdam ba niyang kinakabahan ako? Lalo lang niya ako pinakaba, e. Hingang malalim, Gizzy! Hindi ka p'wede magpatalo sa kaba mo. “The Queen of Pole dance is here, Gizzy!” Malakas at masigla sabi ng emcee sa bar. Narinig ko nagsipalakpakan na ang mga customer namin kaya lumabas na akong nakangiti. Ginawa ko na ang solo prod, bawat stunt na ginagawa ko ay may mga humihiyaw, sumisipol at nagpapalakpakan. Alam kong masaya sila sa aking ginagawa. Binigay ko ang lahat ng makakaya ko hanggang matapos ang aking solo production. Sa huling stunt na ginawa ko, umakyat ako sa pole bar hanggang sa dulo nito, bumaliktad ako at nagpadulas hanggang huminto ako sa gitna ng pole bar at tinaas na ang aking mga kamay sa mga customer namin. Lalong umingay ang palakpakan at hiyawan ng mga customer namin. Bumaba na ako pole bar at doon ko lang napansin si Easton, nakangiti siya habang pumapalakpak na nakatingin sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib at pilit na pinapakalma ang aking sarili. May sariling isip na yata itong dibdib ko, bigla na lang kumabog ng makita ko siya. Ang lakas na ng epekto niya sa akin. Simula ng makita ko siyang may pailaw sa paligid niya. Lumabas ako sa stage at binigyan ako ni Mamu ng jacket para hindi ako lamigin. “Good job, Gizzy!” papuri niyang saad sa akin at nag-thumbs-up pa siya. “Salamat po, Mamu.” sagot ko sa kanya at lumakad na pabalik sa dressing room namin. Tapos ko na alalahanin ang prod ko. Bumalik na naman sa isipan ko ang date namin ni Easton. Oh shete, Gizzy! Pagkabalik sa dressing room, nakita ko na roon sina Zoe and Sasha na nagre-ready na sa kanilang production. Nagre-retouch na ulit sila ng kanilang make-up. “Goodluck, Zoe and Sasha!” wika ko sa kanilang dalawa. Magkasunod ang kanilang dance production. “Thanks, Gizzy! Maghanda ka na rin sa date niyo!” balik na sabi sa akin ni Sasha at kinindatan pa niya ako. Tumingin ako sa salamin, maayos pa naman ang mukha ko, e. Ang tanong ko lang sa sarili ko kung okay lang ba ang damit na dinala ko. Nagbitbit ako ng isang Loose Casual Long-sleeved High-waist Dresses na kulay dark red, binili ko pa ito sa shopee. Nag-ask pa nga ako sa kay Mariel kung bagay sa akin ang gano'ng kulay sa balat ko. Hindi naman ako gaanong kaitiman at hindi rin kaputian, tama lang ang kulay ng aking balat. Kinuha ko ang curler at kinulot ang ilalim ng aking buhok, may nakita kasi akong pang-reference ko kung anong magandang look para sa dress na binili ko, ito ang nakita ko. “Gizzy, mukhang naghahanda ka na, ha? First time nating hindi magsasabay ng uwi mamaya.” Napatingin ako sa aking likuran at nakita ko si Toni na nakatingin sa akin. Tumango ako sa kanya. “Ah-uh, pero ‘di ba susunduin ka ng boyfriend mo, Toni?” pagtatanong ko sa kanya habang nagkukulot pa rin ako. “Ako na magkukulot sayo.” Kinuha niya sa akin ang pang-curler. “Yup! Actually nand'yan na siya.” sagot niya sa akin at nag-spray siya ng spray-net sa aking buhok na nakakulot na para hindi agad mawala ang pagkakakulot nito. “Basta ang tandaan mo, Gizzy, i-enjoy mo ang date niyo mamaya. And, don't forget na i-open ang GPS mo para kung may mangyaring hindi maganda sa'yo, alam namin kung saan ka hahanapin, okay?” bilin niyang saad sa akin kaya tumango ako sa kanya. “Oo naman, Toni! May baon din akong pepper spray incase lang naman.” mahinang sabi ko sa kanya at ngumiti. “Good! Have fun sa date niyo mamaya ng customer mo, Gizzy!” Iyon ang huling rinig ko at umuulit sa isipan ko. Kinakabahan na ako. Nagugusot ko na rin ang aking dress dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin kami sa bar. Ilang oras na ba ang nakakalipas ng mag-close ang bar at magsi-uwian ang mga empleyado rito. Tanging kami at iilang employee na lang ang natira rito, maging si Mr. Phil ay hindi pa rin umuuwi. Iba talaga ang pakiramdam ko sa Easton na ‘to. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. At, hindi ko alam pero parang may kamukha siya, iyong isa sa mga Quadruplets ng Maravilla. O, nagkataon lang talaga dahil crush ko ang isa sa apat na Maravilla, iyong pinakamasungit sa kanila, si Tucker. “Are you okay, Ms. Gizzy?” Napataas ang tingin ko sa kanyang mukha ng tawagin niya ang pangalan ko. Ito rin ang pinagtataka ko sa kanya, paano niya nalaman ang pangalan ko, kung gano'n Glenda ang ginagamit ko rito sa bar. “Um, a-ayos lang ako, Easton.” Nakagat ko ang ibabang labi ko at palihim na sumulyap sa paligid namin. Naiilang ako. “A-ano... B-bakit dito mo ginustong mag-usap tayo?” Nahihiya kong tanong sa kanya. “I want you to feel comfortable with me so I decided to just be here at this bar.” Nakangiting sambit niya sa akin. “Um, g-gano'n ba?” Kiming sabi ko na lang sa kanya. Lalo lang kasi akong nailang, e. Isama mo pa ang tingin ng mga naiwan dito sa bar. Pakiramdam ko sinasabi na nila sa isipan nilang, nag-overtime sila dahil sa amin. Sorry na, guys! “I'll interrupt your conversation first. This is the medium well steak with mashed potato and broccoli for side dish. Enjoy.” Sinerve sa amin ni Mr. Phil ang dalawang plates and sinalinan din niya ng red wine ang aming mga wine glass. Siya ang nag-serve ng food namin? Sino ba talaga ang isang ito? Nang makitang nakaalis na sa harap namin si Mr. Phil. Hindi ko na napigilang magtanong sa kanya. “Sino ka ba talaga, Easton?” matapang na tanong ko sa kanya. Pinagpagan niya ang table napkin. Tumingin siya sa akin ng nakangiti. “Sabi na nga bang itatanong mo rin ang tungkol na iyan sa akin...” Kinuha niya ang fork and knife. “I know you won’t talk to me after I tell you the real me, Gizzy.” Napalunok ako dahil sa tensyon na pumapalibot sa aming dalawa. Pero, tinatagan ko ang aking loob. “I'm Easton... Maravilla. The owner of this bar, ‘Flavor of the Month’. Nice to meet you, Gizzy Torres.” Nakangiti niyang pagpapakilala sa akin. Binaba niya ang hawak niyang knife and nilahad ang kanyang kamay sa aking harapan. For real? Siya ang may-ari nito? “Are you telling the truth?” pagtatanong ko sa kanya at siyang pagtango niya sa akin. “Oh gosh!” singhap ko sa kanyang harapan, napanganga pa ako sa kanya. “I just want to tell you, don’t tell other people that I’m the owner of this ‘bar’, Gizzy. Only you and Phil know that I am the owner.” Wala na akong nagawa kung ‘di tumango sa kanyang sinabi. Baka mawalan pa ako ng trabaho kapag nagkataon. Saka, hindi naman ako madaldal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD