CHAPTER 10: Carter’s University

1946 Words
NATAPOS ang pang-apat na araw ko sa bar. Two weekends na akong sumasayaw sa ‘Flavor of the Month’ bar na iyon. Napansin kong hindi nauubusan ng customer ang bar. Always puno lagi ng mga kalalakihan at kababaihan ang bar na pinapasukan ko. Halos lahat ng mga customer namin ay mga naka-coat pa at mahahalata sa kanilang mga galing sila sa mayayamang pamilya. “Gizzy, goodluck sa saturday sa prod mo?! Galingan mo sa araw na niyon. First prod mo niyon ng solo kaya dapat paghandaan mo talaga niyon.” Napatingin ako kay Toni dahil sa kanyang sinabi. Pauwi na kami ngayon. Always kaming nag-ga-grab pauwi dahil konti lang ang sasakyan kapag madaling araw. “Salamat, Toni, ha? Medyo kinakabahan nga ako. Baka hindi ko ma-impress ang mga customer natin sa saturday. Alam mo namang magagaling din sina Zoe and Sasha...” mahinang saad ko sa kanya. Wala naman dapat akong ikabahala kina Zoe and Sasha, e. Pero, nu'ng pinanood ko silang sumayaw kanina para sa solo prod namin, hindi ko maiwasang kabahan. Ang se-sexy nilang tignan habang sumasayaw sila lalo na si Sasha kanina, isama mo pa ang bilog at malaki niyang hinaharap. Malaki rin naman ang dibdib ko pero mas malaki niyong sa kanya. Tapos, niyong nakita ko ang susuotin niya, grabe, ako yata ang namutla ng makita ko niyon. Halos bikini na yata ang susuotin niya then may pink mesh dress lang siyang susuotin pero kita pa rin ang makinis niyang balat doon. Ang susuotin ko ay isang high waisted shorts with pleated transparent skirt with ruffled hot pants na kulay red with glitters. Hindi ko alam pero nang makita ko ang aking susuotin, gusto ko na lang mag-saturday agad. “See you on Saturday, Gizzy!” paalam na saad ni Toni sa akin at kumaway ako sa kanya. Lumakad ako papunta sa may bahay. Pasadong alas-k'watro-kinse na ng makarating ako. Dumiretso ako pa-akyat sa aking k'warto, inaantok na ako pero kailangan ko munang magluto ng breakfast para sa dalawa kong pinsan. Nagpalit na lang muna ako ng pambahay at naghilamos para mabura ang make-up na nilagay sa akin. Pinusod ko ng buo ang aking buhok at saka ako bumaba papunta sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator namin, nakita kong kokonti na lang ang stock na mayro'n kami. Binuksan ko rin ang cup board wala ng gaanong de-lata. Mukhang puro de-lata ang kinain nila. Niluto ko na lahat ang hotdog na natira rito at kumuha rin ako ng noodles para may mahigop silang sabaw. Nagbukas din ako ng meatloaf para ibaon nilang dalawa. “Good morning po, ate Gizzy!” Napalingon ako at nakita ko si Ariel na pumupungay ang mga mata niya. “Good morning! Maligo ka na Ariel, baka mahuli ka sa klase niyo.” saad ko sa kanya. May narinig akong tunog na may hinilang bagay. “Naliligo pa po si Mariel, ate Gizzy. Kauuwi niyo lang po?” pagtatanong niya sa akin. “Kanina pa po. Asikasuhin ko muna kayo bago ako matulog. May kailangan ba sa school niyo, Ariel?” pagtatanong ko sa kanya. Hinango ko na ang hotdog na niluluto ko at dinala ito sa dining table. Umiling siya sa akin. “Wala naman po, ate. Pero, may need po kaming bayaran at about po sa field trip, ate Gizzy. Sasama po ba kami?” Napatingin ako sa kanya. “Gusto niyo ba? Kailangan ngayon?” Tumayo si Ariel sa kanyang pagkaka-upo. Kumuha siya ng tatlong plato at tatlong pares ng kutsara't tinidor at maging baso. “Next-next month pa naman po niyon, ate. Pero, nand'yan na po niyong waiver na pipirmahan niyo po kung payag po kayo.” sagot niya sa akin. Lumakad ako at tinignan ang kalendaryo na mayro'n dito sa kusina. “Anong exact date niyon, Ariel?” pagtatanong ko sa kanya at hinihintay ang kanyang sagot. “March 9 po ang nakalagay roon!” Namilog ang mga mata kong tinignan ang date na sinabi niya. Sunday. P'wede naman siguro akong umabsent sa araw na niyon? Lumakad ako palapit sa refrigerator at kinuha ang ballpen sa itaas nu'n. Bumalik ako sa kalendaryo at binilugan ang March 9 – Field trip. “Ate, p'wede ka po ba ng araw na iyon?” Nakita ko ang pag-aalalang tanong ni Ariel sa akin. “Kung hindi po kayo p'wedeng umabsent sa work niyo po, ayos lang naman po na wala kaming kasamang guardian.” Umiling ako sa kanyang sinabi. Umupo ako sa silyang kaharap niya. “Magpapaalam ako sa Saturday para malaman agad ng Manager namin sa bar. Sasamahan ko kayong dalawa ni Mariel. Nangako ako kay tita Jenny na babantayan at aalagaan ko kayong dalawa.” saad ko sa kanya. “Kumain ka na r'yan, Ariel para pagkatapos maligo ni Mariel ikaw na ang susunod sa banyo.” Ala-sais-trenta ng umalis ang dalawa kong pinsan. Kaya tahimik na naman ang bahay. Napasandal ako sa likod ng pinto habang nililibot ang buong sulok ng sala namin. “Hay!” Buga ko nang malakas at napa-upo sa sahig. “Naaalala ko na naman sila Mama...” Umiling ako at tinapik nang mahina ang aking magkabilang pisngi. “Masaya na sila roon, Gizzy. Doon, wala ng sakit at lungkot na nararamdaman sila. Puro saya lang doon at alam ko namang binabantayan nila kami rito sa baba.” Tumayo na ulit ako sa aking pagkakasalampak sa sahig at tumungo na sa k'warto ko. Kanina pa pumipikit ang aking mga mata. Kailangan ko ng matulog. TUESDAY. Papunta ako ngayon sa supermarket para bumili ng mga stock namin sa kusina. Ubos na kasi ang mga laman ng cup board and refrigerator namin. Wala na makakain ang mga pinsan ko kapag weekends. “Manong, para po! Sa tabi lang po!” sigaw ko nang malakas at kinatok ko pa ang bubong ng jeep na sinasakyan ko. Ilang beses na ako pumapara pero bingi yata si Manong driver! Lumagpas na ako sa harapan ng supermarket. “Manong, mag-ro-roadtrip po ba ako? Otso pesos lang binayad ko sa inyo! Sa supermarket lang po ako! Hindi po ako pupuntang Baguio! Lalong-lalo hindi po ito Jeepney lovestory!” sigaw ko pa rin kay Manong driver na siyang kinatawa ng mga kapwa ko pasahero. Buti na lang talaga may kumalabit kay Manong driver kaya huminto ito. Kung wala pang bababa na katulad ko, mukhang umabot pa ako sa kabila pang stop light. “Manong, hinaan niyo sound niyo! Hindi po Cubao ruta niyo!” sigaw ko sa kanya pagkababa ko. Ang lakas kasi ng pa-sound ni Manong. Hindi niya tuloy naririnig ang mga boses na pumapara. Ayos lang sana kung may string siya sa bubong ng jeep, e. ‘Hila mo, hinto ko!’ sign pero wala siyang gano'n. Ang layo tuloy lalakarin ko, buti na lang may payong akong dala. Lumakad na ako pabalik sa dinaanan ng jeep namin kanina. Medyo malayo rin ang inabot ko. Napatingin ako sa aking harapan ng makitang nasa tapat na ako ng Carter's University. Maraming mga taong pumapasok sa loob nu'n. Enrollment na ba rito? Isang private university ang Carter's University pero kumukuha rin sila ng mga scholar kapag maganda ang grades and score ng exam mo rito. Nandito na rin naman na ako, magtatanong na rin ako sa guard ng campus na 'to. Balak ko talagang mag-aral this school year. Nangako ako kina Mama at Papa na magiging public teacher ako. Siguro may purpose kung ba't hindi narinig ni Manong driver ang pagpara ko kanina. Nakisabay ako sa paglalakad sa mga taong papunta sa campus na niyon. Pumasok ako sa gate nila at naghanap ng guard na mapagtatanungan ko. May nakita akong isang guard sa may gilid ng gate. Lumapit ako roon. “Hi po, kuya!” bungad kong tanong dito at ngumiti sa kanya. Tumingin siya sa akin at binaba ang d'yaryong binabasa niya. “Kailan po ang enrollment ng mga first year po?” pagtatanong ko sa kanya. Matagal bago siya sumagot sa aking tanong at nakita kong may tinignan siya sa ibaba ng guard house kung nasa'n siya. “'Neng, umpisa na ang enrollment this school year...” Tumingin siya sa akin at may tinuro siya. “'neng, gawi ka roon sa may Registrar Office, may mga schedule roon ng mga gustong kumuha ng scholarship, baga. Magatanong ka lang naman doon, 'neng!” ani niya sa akin sa mababang boses at tinuro ang direksyon kung saan makikita ang Registrar Office ng campus na ito. Nakinig ako sa kanyang sinabi at tumango ako sa kanya. “Salamat po, kuya!” Sabay ngiti ko sa kanya. Sinundan ko ang sinabi ni kuya Guard sa akin. Pagkapasok ko sa pinaka-loob ng Carter's University, malawak ito at nakalibot ang malalaking building na siyang nakagawa ng malaking rectangle sa gitna. Lumiko ako sa kanang bahagi ng campus, nandoon daw ang Registrar Office ayon sa aking napagtanungan kanina. Nagtanong ulit kasi ako dahil nalula ako sa laki ng campus. Mas malaki kaya ito kumpara sa Marvilla's University? “Finally, nakita rin kita!” usal ko sa aking sarili. Tinungo ko agad ang bulletin board na mayro'n dito. Tinignan niyon at nandoon ang mga announcement tungkol sa enrollment at maging sa pagiging scholar sa campus na ito. Pinicturan ko ito at ginawang wallpaper sa phone para 'di ko makalimutan. Start na nga ang enrollment para sa mga freshman this school year. May nakita akong stall na malapit dito, may dalawang taong nandoon. “Hi!” Ngiting saad ko sa kanila. “P'wedeng magtanong?” “Hi rin! Sure, welcome magtanong dito! Walang bayad ang magtanong dahil sabi nga ng President ng Carter, We are happy to serve and answer questions about enrollment that will take place here on campus. What can I do for you?” Nakangiting sagot niya sa akin at maging ang mga mata niya ay nakangiti rin. Gagi, ba't ang haba ng sinagot niya sa akin? Mag-i-inquire lang naman ako tungkol sa enrollment dito. Ganito ba mga estudyante rito? Nakangiwing nakatingin ako sa kanya. “Uhm, mag-i-inquire ako tungkol sa scholarship.” tipid na sabi ko sa kanya. “Ooh?! Iyon lang ba?” Malakas na pagkakasabi niya sa akin ng siyang nakakuha ng atensyon ng ibang nag-i-inquire rito. Gagi, dapat pala hindi na ako sa kanya nagtanong. Mukhang high na high ang isang ito. Nakalunok ba 'to ng maraming vitamins? Tumango ako sa kanyang sinabi. Hindi na ako magtatanong after nito. “Here's the pamphlet! Nand'yan ang mga date kung kailan ang exam sa pagkuha ng scholarship!” Inabot niya sa aking ang isang pamphlet. “Bago ka makakuha ng schedule sa exam for scholarship, need mo muna mag-enroll dito sa campus and saka ka lang makakapag-exam!” saad niya sa akin at kiniling niya ang kanyang ulo sa akin. Tumango-tango ako sa kanya. “So, need ko muna talagang mag-enroll?” Binuklat ko ang pamphlet na binigay niya sa akin. "Yes! You said it 100% right! Kasi may kailangan kang i-fill-up-an doon sa website na makikita lang once nakapag-enroll ka na rito. Sana nasagot ko ang tanong mo!” Ang taas ng energy niya. “Okay, salamat.” wika ko sa kanya. Aalis na sana ako ng may hinabol siya sa akin. “Hephep! Until next week na lang ang enrollment for freshmen! You can enroll using our website! Nasa pamphlet na hawak mo ang website na campus! And, doon ka rin mag-e-exam for scholarship! Goodluck!” habol na saad niya sa akin at kumaway pa siya. Tumango na lang ako sa kanya at lumakad na paalis doon. Nilagay ko ang pamphlet sa dala kong tote bag. Kailangan ko naman ngayon puntahan ang Maravilla's University. Isa rin kasi niyon sa mga choice kong school. Bago niyan, kailangan ko muna mag-grocery!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD