CHAPTER 1: The Beginning

1382 Words
“Iiwan ka muna nila Mama rito, Gizzy, sa tita mo. Kailangan naming ihatid itong mga order na ukay-ukay sa mga buyer natin, ha? Babalikan at susunduin ka rin namin agad, ha?” Nakangiting tumango ako kay Mama. “Hihintayin ko po kayo Mama.” Hinaplos ni Mama ang aking pisngi at hinalikan ako sa aking pisngi. Maging si Papa ay binuhat ako palabas ng bagay nila tita at hinalikan ako sa noo. “Makipaglaro ka muna sa mga pinsan mo, Gizzy, habang wala pa kami ng Mama, ayos ba tayo roon?” Tumango ako sa kanya. Nakita kong nakatingin si Papa sa aking likuran, tumingin ako roon. Nakita ko ang dalawang pinsan kong sina Mariel and Ariel na nakatingin sa amin. “Opo, hihintayin ko po kayo!” nakangiting saad ko sa kanya. Ginulo pa ni Papa ang aking buhok bago siya sumakay sa pick-up namin. Kumaway ako sa kanila ni Mama. “Ingat kayo, Mama, Papa!” sigaw ko sa kanila at kumaway hanggang mawala sa aking paningin ang pick-up. Alam kong babalik sila Mama para sunduin ako. Nangako sila. At, malapit na rin ang pasko. Masaya akong bumalik sa loob ng bahay nila tita Jenny, kasa-kasama ko na ngayon ang dalawa kong pinsan na nasa magkabilang kamay ko nakakapit. “Gizzy, makipaglaro ka muna d'yan sa mga pinsan mo. Mamaya lang din nand'yan na sila Joseph and Glenda.” saad sa akin ni tita Jenny ng makita niya kaming pumasok. “Opo, tita Jenny! Salamat po!” balik na sabi ko sa kanila. Umupo kaming tatlo sa sahig, kinuha ni Ariel ang isang timba kung saan nakalagay ang mga laruan nila. Mas matanda ako kay Mariel ng apat na taon at kay anim na tayon naman kay Ariel. Naalala ko noon nang mamatay si tito Peter – asawa ni tita Jenny sa sakit na tuberculosis. Dalawang taon pa lang noon si Ariel. Hindi alam ni tita kung paano siya aahon ng panahon na niyon. Buti na lang naka-ahon din si tita sa lungkot at nabuhay niya ang dalawang pinsan ko. Ka-sosyo rin kasi ni Mama si tita Jenny sa pagbebenta ng mga ukay-ukay, si tita ang nakaharap sa camera at nagsasalita para sa mga buyer nila at si Mama naman ang nagsusulat ng mga nag-ma-mine sa live video nila. Si Papa naman ang taga-deliver ng mga order pero minsan sumasama si Mama katulad ngayon kasi masyadong marami ang orders. “ate Gizzy, dito po kayo mag-se-selebrate ng pasko at bagong taon?” tanong sa akin ni Mariel habang sinusuklay niya ang barbie doll na hawak niya. Tumango ako sa kanya at kiniling ang aking ulo kay Mariel. “Oo naman! Tapos, after ng Christmas pupunta tayong tagaytay!” Masayang sabi ko sa kanila. Nakita kong lumaki ang mga mata nila at saka sila nagsisitalon. “Pupunta tayong tagaytay!” paulit-ulit at sabay nilang sinasabing dalawa habang tumatalon-talon pa rin. “Mama, pupunta po tayong tagaytay!” bulalas na saad ni Mariel kay tita Jenny. Nilapag ni tita Jenny ang dala niyang biscuit and tatlong zest-o. “Naku, bakit sinabi mo agad sa mga pinsan mo Gizzy, bukam-bibig na ng mga iyan ang pagpunta sa tagaytay.” tatawa-tawang saad ni tita Jenny sa akin. “Para po ma-motivate silang matapos ang mga proyekto nila tita Jenny.” saad ko sa kanya. Gano'n na lamang ang gulat namin ni tita Jenny ng iligpit nila ang mga laruan nilang dalawa. Kinuha nila ang bawat backpack at nilabas ang mga project na mayro'n sila. Eh? “Tatapusin na namin ang project namin Mama and ate Gizzy!” Bakas sa boses ni Ariel ang pagiging determinado niya. “Ako rin po! Lahat ng proyekto and assignment namin this holiday gagawin ko na rin po!” Maging si Mariel ay determinado rin ang boses at maging ang mukha niya ay seryoso na. “Oh, siya! Gawin niyo na iyan habang nandito pa ang ate Gizzy niyo at maturuan din kayo sa mga niyan. Alam niyo naman si Mama hanggang high school lang ang tinapos.” Napatingin ako kay tita Jenny, nakita ko siyang nakangiti pero hindi sapat ito para umabot hanggang sa mata niya. “Kaya dapat galingan niyo ang pag-aaral niyo, Mariel and Ariel. Para sa kinabukasan niyo rin niyan at para makahanap kayo nang magandang trabaho paglaki niyo.” Nakatingin pa rin ako kay tita Jenny, seryoso pa rin ang boses niya habang sinasabi ang mga niyon. “Pangako po namin ni Ariel, Mama, magtatapos po kami ng pag-aaral! Para po maging isang supplier na kayo ni tita Glenda ng mga ukay-ukay sa lugar natin!” Natawa ako nang palihim sa sinabi ni Mariel. Gusto niya maging supplier na sila Mama ng ukay-ukay. Itong pinsan ko talaga. “Tama! Tapos po, bibili kami malaking building nina Mariel and ate Gizzy po. Ibibigay po namin niyon sa inyo ni tita Glenda, doon po ilalagay ang mga ukay-ukay niyo po na ibebenta!” dagdag ni Ariel sa usapan. Tumayo pa siya habang hawak-hawak niya ang ballpen sa kaliwang kamay niya, kaliwete ang pinsan ko. “Ano ba gusto niyo paglaki niyo? Kung tatangkad pa ang mga height niyo.” pang-aasar ko sa kanilang dalawa at sumipol pa. “Tatangkad pa kami!” “Tumatangkad kaya ako!” Sabay pa nilang sabi sa akin na siyang pagtawa namin ni tita Jenny. “Oh siya, sabihin nating tatangkad pa kayong dalawa. Ano gusto niyo paglaki?” ulit kong tanong para sa kanilang dalawa. Nakita kong nag-isip ang dalawa. Nakalagay pa ang mga hintuturo ni Mariel sa kanyang sintido at si Ariel naman ay mukhang malalim na ang iniisip. “Hmm... Aha! Gusto ko po maging Nurse, ate Gizzy! Para po makatulong sa mga may sakit katulad ni Papa!” nakangiting sabi sa amin ni Mariel. “Gusto ko rin po kasing gamutin ang mga taong wala kayang magbayad po.” dugtong na sabi niya sa amin at kumiling ang ulo niya habang nakangiti pa rin maging ang mga mata niya. Napatingin ako may tita Jenny. Nakangiti siya ngayon kay Mariel. “Tama niyon, Jenny, tulungan natin ang mga walang kayang magpagamot ng kanilang sarili.” Sunod-sunod tumango si Mariel kay tita Jenny. “Opo, Mama!” Nabaling ang aking tingin kay Ariel hanggang ngayon kasi nag-iisip pa rin siya. “Ikaw, Ariel, anong gusto mo paglaki?” Tumingin siya sa akin. “Hindi po ako makapamili pa ate Gizzy... Gusto ko po kasi maging police paglaki ko pero gusto ko rin po maging chef kasi po gusto ko magluto katulad ni Mama.” pagtatapos niyang sabi sa amin. Hindi pa siya makapamili. Napangiti ako sa kanilang dalawa. Buti pa sila alam na nila kung ano ang gusto nila paglaki. Kahit nag-aalinlangan pa si Ariel sa pagpili kung Police o Chef ang kukunin paglako niya, atleast may plano na siya. Ako? Hindi ko pa alam. Highschool na ako pero wala pa sa isipan ko kung ano ang kukunin kong kurso sa college. “Dalangin kong matupad niyo ang mga gusto niyo mga anak ko! Ipapangako ni Mama sa inyo na gagawin ko ang lahat para makapagtapos kayo sa pag-aaral at matupad niyo ang mga gusto niyo.” seryosong saad ni tita Jenny na siyang paglapit ng dalawa kong pinsan. Niyakap nila si tita Jenny na masaya pa rin ang mukha. “Sige na, gawin niyo na ulit ang projects and assignments niyo. Para after ng pasko wala kayong po-problemahin hanggang magbalik ulit ang klase.” saad ni tita Jenny kina Mariel and Ariel. “Yes, Mama!” “Tatapusin ko na ito ngayon!” Determinadong-determinado na sila sa pagsagot at paggawa ng mga assignment and project nila ngayon. “Para sa tagaytay! Kailangan niyo na iyan tapusin!” malakad na sabi ko sa kanila at naki-upo sa gitna ng dalawa. Kung ako ang tatanungin, tapos na ako sa lahat ng mga baong gawain ng mga teacher namin. Hindi ko ba alam. Christmas break pero may pinabaon silang mga project sa amin. Ano kaya ang essence ng holidays kung 'di namin mape-feel? Imbis na magsaya ang estudyante sa holidays break, naging burden sa kanila. Dahil imbis na aalis ang mga estudyante para pumasyal, mas pipiliin na lang nila mag-stay sa bahay at gawin ang mga pinapagawa ng mga teacher. Sana magbago na ang holidays para sa amin mga estudyante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD