TRIPLE HUB SERIES 2:
U N D E S I R E D
Kabanata 4
ALIW NA ALIW at napapakanta pa ng Biniberocha si Sheeva habang pinapaliguan niya ang kaniyang alagang Great Dane dog na si Aklas nang maramdaman niya na tila ba may mga matang nakamasid sa kaniya. Nasa poso siya kasama ang kaniyang alagang si Aklas na ilang metro lang ang layo sa inuupahan niyang beach house.
With a fake little pout, she half-heartedly decided to turn around and find whoever watching her.
A startled gasp tore from her lips upon seeing the same man who was pestering her last night.
Awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ng Macedonian national nang magsalubong ang kanilang mga mata. His eyes expressed longings and fondness while hers stayed unrecognizable and emotionless.
His smiles shown friendliness and wholesomeness. Ito iyong tipo na suwabeng manloloko katulad no’ng Engineer na nangloko kay Vivian. Tipong akala mo’y ipinaglihi sa arkanghel pero minana ang ugali ni Lucifer. Maaliwalas ang guwapong mukha nito. He looked prim and proper, tall, buffed and has a gorgeous tans. He looked quite rich.
“You still adore animals,” said by the stranger from his place under a coconut tree like he knew every fiber of her.
Kagabi ay hinabol pa siya nito hanggang sa siya’y makauwi sa beach house. The unknown guy was so persistent to have a word with her.
I was brokenhearted when you left me.
Years gone by but you're still in my mind.
I've never been the same without you. Everything about me never been the same after you broke up with me.
Ilan iyon sa laman ng mga binitiwan nitong litanya kagabi habang siya ay hinahabol nito. Sheeva unflaggingly avoided the man. Nababahala siya na baka may maidulot itong hindi mabuti sa kondisiyon ng utak niya. His persistence could pressure her ill brain and that is not a good idea.
Kumurap siya at kahit saang anggulo man tignan ay wala siyang mahanap na kung ano sa mukha nito na posibleng mag–trigger upang ma–identify niya kung sino ito sa nakaraan niya.
She eyed him unwelcomingly without saying anything then finished up cleaning her pet when he spoke again.
“Do you still remember your first puppy? His name’s Swannie. It was a male puppy yet you named him with a feminine one ‘cause you insisted that it was a gay domestic dog.”
Bumagal ang pagbabanlaw ni Sheeva kay Aklas. Sa hindi maipaliwanag na kadahilana’y biglang umaliwalas ang kaniyang pakiramdam.
Swannie?
Hearing that name seemed like someone painted her blurry world red.
Labag man sa kalooban ni Sheeva ay hinarap na niya ng maayos ang lalaki.
She rolled her eyes and exhaled in defeat. “You should stop telling me that and this, Mister. I have a condition in which I am incapable of remembering anything from the past. You see, I cannot even recognize you.”
Hindi mawari ni Sheeva ang unang reaksiyon ng lalaki matapos niyang ibunyag ang kaniyang karamdaman. Sandaling naging malikot ang mga mata nito na waring hindi alam kung saan ibabaling ang tingin hanggang sa ilang beses itong umiling. Sansaglit pa’y sumilay ang nang–uunawang kislap sa mga mata nito at dumungaw roon ang relief.
“So you're telling me that you have an Amnesia? Is that the reason why you couldn't remember me and ran away last night? I thought you were just...” he contemplated in a low voice. His English was richly flowing out of his mouth.
“Hindi, mayro’n akong diarrhea kaya ‘di ako makaalala.” Pamimilosopo niya kahit inaasahan na niyang hindi gagana ang pagiging sarcastic niya sa kausap.
“Sorry, did not get what you have said.”
Tinapos na niya ang pagpapaligo kay Aklas atsaka naghanda nang iwanan doon ang lalaki. Subalit hindi maitatanggi ni Sheeva na itinutulak siya ng kaniyang sarili na maglaan pa ng oras sa pakikipag–usap sa lalaki.
“Wait up!” Habol nito at kung hindi lang ito alisto ay baka nangatngat na ito ni Aklas kung hindi ito nakaatras kaagad.
“What else do you want?” she snapped.
“I really want to speak with you, Sheeva. You might be unable to remember your past, including me but I still want to help you.” Too much care and sympathy swam in his eyes. “Do you, at least know what happened to you before your memories lost?”
“And who are you? Who are you in my past?” she asked clearly and compressed her lips after.
“We’ve met in a retirement home in Skopje in North Macedonia where I am nursing an elderly people. That was seven years ago. My family owned the retirement home and I am one of its practical nurse. I am serving the seniors and your father was one of our residents.”
With an slack–jawed, Sheeva looked straight into the man's face. “Tatko mi počina minatata godina.” My father died last year, that was she had murmured.
“You remembered? I mean how? You left Skopje a couple of year before Attorney Gavril Lazarova passed away, Sheeva.”
Tumango na lamang siya. That was her mother told her.
30 porsiyento ng alaala niya ay naroon pa rin. Kasama doon ang mga eksena noong siya ay walong taong gulang at kasa–kasama siya ng kaniyang ina na noo’y isang vendor sa labas ng U.S. Embassy sa Pilipinas. Katorse anyos siya noong napadpad sa bahay nila sa Paco, Manila ang isang mayaman na Macedonian national— si Attorney Gavril Lazarova.
Ang abogado at negosiyante na si Gavril Lazarova ay ang kaniyang tunay na ama. Naaalala pa niya kung paano tinanggihan at ipinagtabuyan si Gavril Lazarova ng kaniyang ina noon noong nagsuhestiyon itong isasama sila nito sa North Macedonia.
Isang deborsiyado si Gavril Lazarova noong makilala ito ni Sheeva. Nasa huling taon siya sa sekondarya noong nag–asawa muli ang kaniyang ina at nagpakasal. Noon ipinagpilitan ni Sheeva na lumipat sa poder ng kaniyang ama.
And sad to say, isa sa binura ng kaniyang utak ay ang memorya niya sa kung ano ang naging buhay niya sa North Macedonia kasama ang kaniyang ama.
Noong araw na siya ay nagkamalay ay ang kaniyang ina na ang nag–aalaga sa kaniya.
“We did not hear anything from you since the day you left your life in Skopje, babe. You even sell away your beloved ballet dance studio.”
“Ballet dance studio? Did I have one?”
“You did have. You renovated one of your father's property into a ballet dance studio and believe me, you're one of the best ballerina and ballet instructor in Skopje. It was your biggest dream before, Sheev. To owned a dance studio and we've both built one. Sheeva baby, I've been your boyfriend for four years but you broke up with me the night I proposed a marriage to you.”
Tila may pumitik na ugat sa kaniyang bungo dahilan upang sumama bigla ang pakiramdam ni Sheeva.
“Y–your name? What's your name?” Medyo hirap niyang tanong. At sa pagpatak ng bawat segundo ay mas lalong sumasakit ang kaniyang ulo.
“Stefanov!”
Iyon ang pangalan ng kaniyang kausap subalit hindi galing sa lalaki iyon kundi galing sa naka–sundress na babae na papalapit sa kanilang direksiyon.
“Aleksjandra,” banggit ng lalaki sa bagong dating.
The brown haired lady stopped meter away from where she was standing. Nakipagtagisan siya ng tingin dito at hindi pa siya nakuntento, tinaasan pa niya ito ng kilay.
“It was so rude of you to left your girl just to talk with a random kuchka, Stefanov.” b***h. “She was the same woman you've been chasing last night.”
Napakurap si Sheeva. Kaya pala matalim ang titig sa kaniya ng babae dahil nobya pala ito ni Stefanov na nagpiprisenta na dati niyang nobyo.
“Zapre sega, Aleksjandra! You don't have to talk to her like that! We were just talking.” Stop it now. Sinalubong ni Stefanov ang nanggagalaiting babae na hindi maunawaan ni Sheeva kung bakit ang init ng dugo nito sa kaniya.
“I can't be wrong. That kuchka was your ex-lover, Stefanov. You're cheating on me with her. Baksuz eden bugarin!” You worthless dickhead, Aleksjandra maddeningly yelped, accusing them with a ghost infidelity. “You’re a shameless people!”
Naitulos siya sa kaniyang kinatatayuan. Napapikit si Sheeva at napasapo sa kaniyang noo dahil habang humihiyaw ang nobya ni Stefanov ay may isa pang boses ng umiiyak na babae ang narinig niya sa kaniyang isipan.
You're a shameless people! Sa dinami–rami ng lalaki sa mundo, bakit iyong may may–ari pa ang ginusto mo? Bakit siya pa? Bakit sa kaniya pa? Bakit hindi na lang sa iba, Sheeva? Iba na lang, please. Huwag na lang siya.
Sandali pa’y naglaho na ang miserableng boses ng babae sa utak ni Sheeva at tila napalitan iyon ng matinis na ingay na lalong nagpalala ng kirot sa kaniyang ulo.
Sinubukang masahiin ni Sheeva ang kaniyang magkabilang sentido at nawala sa isipan niya na nasa kamay niya ang tali ni Aklas. Umalpas iyon sa kaniyang kamay at napamulagat siya nang tinumbok ni Aklas ang kinaroroonan ni Aleksjandra.
“SELL IT AWAY THEN. Allah, Allah! Daha hızlı sat, oğlum. Honey, you know your father and I are not getting any younger. Yíldiz–Hugo Holdings badly needs you again. So sell away the resort and come back here in Istanbul, oğlum.” Sell it faster, my son.
Inaasahan na ni Hydrus ang ganoong suhestiyon ng kaniyang ina nang makatanggap siya ng overseas call mula rito sa araw na iyon.
The bad news unfortunately reached to his parents knowledge.
Hydrus chewed on his inner lip just to calm his pulsating nerves. Hindi lang isang pananakot ang naidulot ng babaeng iyon sa resort niya. Lumala na ang kapraningan nito at maging siya’y hindi lubos akalain na magagawa nitong ipalapa sa alaga nitong aso ang isang VIP guest ng Hydrus Haven.
Kinakaladkad ng babaeng iyon ang haven sa matinding gulo. Nasa Evariste International Hospital ngayon ang unica hija ng business partner ng kaniyang mga magulang. VIP guest ito sa Hydrus Haven kasama ang ilang Macedonian national.
At dahil sa insidenteng iyon ay inaasahan na ni Hydrus ang susunod pang inconvenience sa Hydrus Haven.
“Ma, I can fixed this one,” he rest assured. Ipinapangako niya na tuluyan nang paaalisin ang babaeng iyon sa Hydrus Haven sa araw na iyon. Troubles boldly written on her face, he should have known better. Keeping that maddening woman around his resort is like nursing a wild crocodile. Delikado.
“But the damage has been done, oğlum. And what happened to Mustafi’s daughter can affect our business.”
Yíldiz–Hugo Holdings is a textile company based in Istanbul. Namana ang papalubog na kompanyang iyon noon ng kaniyang ina na pure Turkish at napalagong muli nang makilala at nagpakasal ito sa kaniyang Pinoy na ama na noo’y isa lamang hamak na small-time entrepreneur. At ang Mustafi ang major client nila sa Europa.
Frowning to himself, Hydrus massaged his temples to get rid his headache.
“Is that Horizon, love?”
Awtomatikong napairap si Hydrus nang mahimigan ang kaniyang ama sa kabilang linya.
“Evet balım.” Yes, honey.
“Give me the phone, love.”
Inilipat ni Hydrus ang cellphone mula sa kaliwa niyang tenga papuntang kanan.
“Hey, son. Did your friend Ziggar mention that we've accidentally met a week ago in Eskişehir?”
“Pa,” pigil niya sana sa kaniyang ama dahil bistado na niya kung ano ang tinutumbok nito.
“At nabanggit niyang hindi ka pa raw dumadalaw sa strip joint nila. My God, hijo! You're absolutely missing half of your life. El Sacramento has a lot of gorgeous women, anak. Kahit once a week man lang sana ay dumalaw ka sa strip joint na iyon. Women. Date a lot of women, hijo at kung sino ang makasundo mo, mamamanhikan tayo kaagad. Anak, utang na loob, lumandi ka na nang magkaapo na kami ng nanay mo.”
“Pa, I have to drop the call,” bagkus ay aniya dahil namataan na niya ang babaeng pakay niyang makausap ng masinsinan. Patungo ito sa souvenir shop.
Nagmamadaling tinungo ni Hydrus ang souvenir shop. Hinaklit niya ang braso ni Sheeva at walang ligoy na tinumbok ang ibig niyang ipabatid dito.
He was hesitant at first when he noticed her pale face pero itinuloy pa rin niya ang kaniyang pakay.
“What you did with my guest is quite disturbing, you know that? Pati negosyo ng mga magulang ko ay masasagi dahil sa kabaliwan mo! You know what, kung hindi ka madadaan sa santong dasalan, forgive me but I have no choice but to kick you out of Poza Rica. At kung magmamatigas ka pa rin ay ipapadampot na kita sa mga autoridad. Your call!”
“Hydrus, sandali! Kumalma ka muna at maaari bang bitawan mo ang braso ni Sheeva!” Inawat siya ni Vivian habang si Sheeva ay tila walang ano mang narinig.
“f*****g fine! Ikaw na ang bahalang magtaboy sa babaeng iyan na walang ibang idinulot dito kundi gulo. You're a walking trouble and everyone is unsafe when you are around. So you better get lost!” Pinal niyang saad at bago niya lisanin ang souvenir shop ay nahuli niyang nagpunas ng pisngi ang misteryosang babae.