KABANATA 5

1863 Words

TRIPLE HUB SERIES 2: U N D E S I R E D Kabanata 5 SI NENA AY BATA pa, kaya ang sabi niya ay um um um ah ah. Si Nena ay dalaga na, kaya ang sabi niya ay um um um ah ah. Si Nena ay mumu na, kaya ang sabi niya ay um um um ah ah… Hindi naawat ni Sheeva ang kaniyang tawa habang pinapanood ang mga bata sa baryo ng Elcano na masayang naglalaro sa maliit na liwasan sa tapat ng chapel. Nalilito at lubos na naaaliw ang kaniyang mga mata sa mga batang naglalaro ng mga tradisiyonal o mga indigenous na laro ng mga kabataang Pinoy katulad ng luksong lubid, Chinese garter at iyong ibang kabataang lalaki nama’y kinakarer ang larong luksong baka at patintero. Paminsan-minsa’y hindi mapigilan ni Sheeva ang mapaigtad sa kinauupuan niyang lumang concrete bench sa tuwing may nadadapa o natitisod na bata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD