Chapter 2

5000 Words
JENELYN: KUNOT ang noo na pabaling-baling ako ng tingin sa mga itong nagtatanong ang mga mata. "Hi, babe. Good morning, uhmm. . . dumaan lang siya para silipin ka. Hindi daw kasi siya nakauwi sa apartment niyo kagabi," ani Lander na sinalubong ako ng yakap at halik. "Ah. . . yeah, hindi nga siya nakauwi kagabi," sagot ko na humalik din dito pabalik. Yumapos naman ito sa baywang ko na kinuha sa akin ang handbag ko na inalalayan akong maupo ng sofa kaharap si Lucy na matamis na napangiti sa akin. "Anong oras ka na umuwi kagabi, Jen? Pasensiya ka na nalingat ako kagabi eh. Hindi na kita napansin," saad nito na ikinangiti ko. "Uhm, umuwi na ako pagkatapos kong mag-restroom eh. Pasensiya ka na rin nawala sa isip kong magkasama tayo. Hindi na tuloy kita naayang umuwi," sagot ko ditong umiling. "It's okay, best. Ang mahalaga naman ay nakauwi ka ng maayos kagabi. Uhm, palabas na rin ako. Iche-check lang sana kita kung nandito ka na eh. Hindi kita matawagan na lowbat ang cellphone ko," pamamaalam nito na dinampot ang handbag sa mesa at lumapit sa amin na bumeso sa akin. "See you later." "Sige." Sagot ko na bumeso din dito. "Bye, boss Lander," tila makahulugang saad nito na napakindat pa kay Lander na namula ang tainga at tumango lang ditong napaiwas ng tingin. Napasunod kami ng tingin ni Lander ditong pakembot-kembot na lumabas ng opisina. Napahinga naman ng malalim ang katabi ko na ikinalingon ko dito. "Okay ka lang ba?" tanong ko na ikinangiti nitong umakbay na hinalikan ako sa noo. "Yeah, I'm okay, babe. Medyo kulang lang sa tulog. Ikaw, masakit ba ang ulo mo? Hindi ka ba hangover? Pwede kang magpahinga na muna sa silid, babe." Saad nito na marahang hinahaplos ng hinlalaki ang pisngi kong napangiting sumandal na lamang dito. Niyakap naman ako nito na panay ang halik sa ulo kong unti-unting ikinapanatag ng katawan, isip at puso ko. Pinagsalinop ko ang mga daliri namin na napangiti. "I'm sorry, Lander. Hindi ko sinasadyang maipagkaloob sa iba ang katawan ko kagabi. Sana masabi ko sa'yo ito bago tayo ikasal. At sana'y matanggap mo pa rin ako kapag nalaman mo na ang totoo," piping usal ko na nangilid ang luha. ILANG minuto din kaming nanatili sa gano'ng position. Nakasandal ako sa dibdib niya habang yakap-yakap ako nito na hinahaplos sa likod at panay ang halik sa noo ko. "Nakausap ko na nga pala sina Tito at Tita sa kasal natin next week, babe. Nagtaka naman sila na minamadali nating magpakasal. Inakala nga nilang buntis ka na kaya napaaga ang pagpapakasal natin eh," basag nito sa nakabibinging katahimikan sa pagitan namin. Umayos ako ng upo na pinakatitigan ito sa mga mata niyang mapupungay. "Anong sabi nila Mama? Hindi ko pa kasi sila nakausap tungkol sa biglaang pagpapakasal natin eh," saad ko na ikinangiti nitong hinaplos ako sa pisngi. "Well, suportado naman nila tayo, babe. Nasa tamang edad na rin daw tayo para magdesisyon ng mga gan'tong bagay para sa atin. Masaya akong malapit ka ng matali sa akin, Jen. Ikaw ba. . . masaya ka bang maging isa ng Mrs Thompson, hmm?" saad nito na napapisil sa baba ko. Pilit akong ngumiti na marahang tumango ditong napangiti na nagniningning ang mga mata sa akin. "Oo naman, Lander. Mahal na mahal kita. Hindi na nga ako makapag hintay pang makasal na tayo," sagot ko na lalong ikinangiti at ningning ng mga mata nitong niyakap ako. Mapait akong napangiti na tumulo ang luhang niyakap din ito. Para akong kinukurot sa puso ko na kinakain na naman ako ng guilt ko na naipagkaloob ko sa ibang lalake ang kalinisan ko. 'Yon na nga lang sana ang magandang regalong maipagkakaloob ko kay Lander. Pero nawala ko pa. "Hey, what's wrong, babe?" nag-aalalang tanong nito na marahang pinahid ang luha sa pisngi ko. "I'm sorry, Lander." "Huh? Para saan naman, babe?" malambing tanong nito na may ngiti sa mga labi. "Uhm. . . kasi hindi ako perfect para sa'yo." Sagot ko na nagbaba ng tingin dito. Napapisil naman ito sa baba ko na siniil ako sa mga labing ikinapikit kong napakapit sa palapulsuan nito. "Don't say that ever again, babe. Hindi ko kailangan ng perfect na babae na makakasama ko, okay? Dahil ikaw lang sapat na sa akin. Ikaw lang okay na ako. Masaya na ako at kuntento. Kaya hwag na hwag mong mamaliitin ang sarili mo dahil ikaw ang nababagay sa akin. At ikaw lang ang nais kong mapangasawa ko at maging ina ng mga anak ko, hmm?" malambing saad nito na ikinangiti kong tumango-tango. Napayakap ako ditong natawang mas niyakap pa ako na hinahalik-halikan din sa ulo. "Thank you, Lander. Thank you for loving me." Maluha-luhang saad ko. "And thank you too for giving me a chance to be with you today and forever, babe. I love you so much," sagot nito na kumalas sa akin at muli akong siniil sa mga labing ikinapikit kong napayapos ng braso sa batok nito at buong pusong tinugon ang kanyang masuyong halik. "Uhmm. . . L-Lander," ungol ko na pinutol ang papalalim naming halikan lalo na't nasa hita ko na ang kamay nito. Naghahabol hininga kaming napatitig sa isa't-isa na magkalapat ang noo. May ngiti sa mga labi na nagniningning ang mga mata. "I'm sorry, babe. I've almost forgot. Puro pa nga pala ang fiancee ko at hanggang halik at yakap na lang muna ang pwede kong gawin sa kanya," anas nito na pinagbubunggo-bunggo ang tungki ng mga ilong naming pilit kong ikinangiti dito. "I'm sorry too, babe. Na hanggang doon pa lang ang naibibigay ko sa'yo," saad ko na ikinailing nitong mariing hinagkan ako sa noo na ikinapikit ko. "It's okay, babe. Hindi naman kita minamadali. Isa pa ay gusto ko rin 'yon, babe. Na malinis kang iharap ko sa altar. Hindi na nga ako makapaghintay eh. Na makasal na tayo," saad nito na ikinangiti kong niyakap ito. "I'm sorry, Lander. I'm really sorry," piping usal ko na tumulo ang luha. TAHIMIK akong nakasunod lang dito na magiliw na nakikipag meeting sa mga investor na ka-meet-up namin dito sa isang kilalang restaurant sa syudad. Ang Noah Madrigal's Exclusive Restaurant na talaga namang patok sa mga tao. Kahit may kamahalan ang mga pagkain dito dahil hindi naman siya basta-bastang restaurant ay matao pa rin dito lalo na't isang kilalang multi-billionare din ang binatang may-ari ng restaurant. Ang sabi sa usap-usapan patungkol sa may-ari ay sobrang gwapo raw nito at batang-bata pa. Katulad sa mga kapatid nitong mga kilalang bilyonaryo din dito sa bansa. Pero dahil wala naman akong hilig sa mga ganyang bagay-bagay ay wala akong pakialam sa kanila. Isa pa ay may Lander Thompson na ako. Hindi man siya kasingyaman at sikat ng mga Madrigal heir's na 'yan pero mahal na mahal ko siya. At mahal na mahal din niya ako. Tahimik ang relasyon namin pero masaya kami sa isa't-isa. MATAPOS makapagsarado ng deal sa mga investor ay nakipag kamayan na ito bago lumabas ng restaurant. Napahinga ako ng malalim na iniligpit ang note at ballpen ko matapos mailista lahat ng mga napag-usapan nilang mahahalagang bagay ng mga ka-meeting nito. "Hindi ka ba nagugutom, babe? Kumain na muna tayo," anito na malingunan akong nakamata lang sa order naming pagkain. "Uhm, magre-restroom na muna ako, babe. Okay lang?" pamamaalam ko na tumayo. "Samahan na kita, babe?" "Hwag na, babe. Mabilis lang ako," kaagad kong tanggi na ngumiti dito. "Okay. Don't took too long, huh? Lalamig ang pagkain natin," saad nitong ikinatango kong dinampot na ang handbag ko na nagtungo sa gawi ng restroom. "Uhm, excuse me, Ma'am." Pagtawag ko sa makakasalubong kong waiter na ngumiti at yumuko sa akin. "Yes, Ma'am. How may I help you?" magiliw nitong tanong. "Ah. . . nasaan po ang restroom niyo dito, Ma'am?" tanong ko. "This way po, Ma'am." Nakangiting saad nito na itinuro ang hallway paliko sa kanan. "Okay po, thank you." Ngumiti itong yumuko bago ako iwanan. Napabuga ako ng hangin na nagtungo ng banyo. Napapalunok ako na biglang nanlamig ang pakiramdam na ikinayakap ko sa sarili. Pagpasok ko ng restroom ay nakahinga ako ng maluwag na walang ibang tao dito. Akmang papasok na ako sa isang cubicle na may marinig ako sa pinakadulong cubicle na kaluskos at mahihinang. . . ungulan. Napapalunok ako na maingat ang bawat paghakbang na lumapit sa pinakadulong cubicle na pinapakiramdaman ang nasa loob no'n. "Ooohh--Noah, uhmm. . . sige pa, please? More, fvck me harder, baby." Malanding ungol ng isang babae na ubod ng arte. Namilog ang mga mata ko na napatutop ng palad sa bibig na mahimigan ang nagaganap sa loob ng cubicle! Para akong napako sa kinatatayuan sa harapan ng pinto at dinig na dinig ko mula dito ang tunog ng nagsasalpukang katawan mula sa loob at ang mabibigat nilang paghinga at mga mahihinang ungol! "Ooohhh, N-Noah, aahhh! Aaahh! Aahh! Sige pa, baby! Aahhh! Uhmm." Nangatog ang mga tuhod ko na halos lumuwa ang mga mata ko na naririnig ang ungulan nilang dalawa! Maingat akong pumasok sa kabilang cubicle at mariing napapikit na dinig na dinig ko pa rin ang ungulan nila at salpukan ng katawan nilang dalawa! "Aahhh fvck! Your too wild," anas ng baritonong boses. Namimilog ang mga mata kong dahan-dahang kinuha mula sa handbags ko ang bottled water ko na binuksan at maingat na pumatong sa may bowl. "Ang lalandi niyo, huh? Nakakadiri kayo," piping usal ko na. . . binuhusan ang mga ito ng tubig! "Aahhh! Fvck! Who is that!?" sigaw ng lalake na nagalit ko yata! "Gosh, Noah! Basa na ang dress ko. Anong susuotin ko? I can't go out na gan'to ang suot ko," reklamo ng babae na ikinatalon ko ng tiles. "I'm going to wrecked your neck who ever you are!" bulyaw ng lalake. Nataranta naman ako na mabilis lumabas ng restroom na marinig ang pagkalansing ng belt nitong tila nagsusuot na ng pants nito! "Gosh, Jen! Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?" bulalas ko na natatarantang bumalik ng mesa namin bago pa ako makita ng dalawang malalantod na sa restroom na nagkamutan! Kaagad akong napaupo sa silya ko na napasuklay ng mga daliri sa buhok at napainom ng tubig. "Hey, are you okay, babe? You look pale," ani Lander na ikinalingon ko dito. "Huh? Uhm. . . umalis na kaya tayo, babe. Please?" pakiusap ko na napapalinga. Mariin kong nakagat ang ibabang labi na napapasulyap sa gawi ng hallway papasok ng restroom. Parang lulukso ang puso ko sa kaba ng saglit lang ay may lumabas mula doon na tila prinsipe ang tindig! Napanganga ako na mapatitig dito. Kasalukuyan pa niyang inaayos ang pagkakatupi ng manggas ng long sleeve ng polo nitong puti habang naka-tuck-in iyon na pinaresan niya ng black slacks pants at black leather shoes. Napakagwapo, tangkad, puti at kisig nito lalo na't nakabakat sa matipuno niyang katawan kung gaano kaganda at firm ng katawan niya. Na kahit sinong babae ay mapapalingon kapag dumaan siya! Maamo ang gwapong mukha nito, chinito na bumagay ang maitim at may kakapalan niyang mga kilay at pilikmata. Napakatangos din ng pointed nose nito, may kanipisan ang mapula-pula niyang mga labi na napakakintab ng itsura. Bumagay din ang perpektong hugis ng jawline nitong parang sa mga kdrama ang datingan! "Sino bang tinitignan mo--" naputol ang sanay sasabihin ni Lander na malingunan ang tinititigan ko. Nahihiya akong nagbawi ng tingin na huling-huli ako nitong napatitig sa ibang lalake. Nag-init ang mukha ko na nahihiyang hindi masalubong ang mga mata nito nang bumaling siya sa akin. "Let's go. Wala na akong ganang kumain," walang emosyong saad nito na pabalang tumayo. "Oh, Mr Thompson. I was surprised to see you here," bulalas ng lalakeng tinitignan ko lang kanina na sinalubong pa talaga kami. Napahigpit naman ang pagkakahawak ni Lander sa kamay ko na ikinatingala ko ditong nag-igting ang panga at lumarawan ang inis sa mga mata nitong ngayon ko lang nakita! Napapalunok ako na napalingon sa kaharap naming ikinasalubong ng mga mata namin at sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nitong bahagyang bumaba sa magkahawak naming kamay ni Lander ang paningin. "I have no choice, Mr Madrigal. Dito gustong makipag-meeting ng mga investor ko. Paalis na rin kami," pormal na sagot ni Lander na ikinangisi lang ng kaharap namin. "Really? Oh, hindi ba masarap ang food na in-order niyo?" puna nito na napasulyap sa mesa namin sa likuran na hindi nagalaw ang pagkain namin. "Nope. It's not like that, Mr Madrigal. Paalis na rin kasi kami ng fiance ko," sagot ni Lander dito na lihim kong ikinangiti. Nag-init ang mukha ko nang magsalubong ang mga mata namin nitong Mr Madrigal na 'to na ngumiti pang tila kilala ako nito. "Fiance," tumatango-tangong saad nito. "Yes. She's my soon to be wife. Excuse us," ani Lander na hinila na ako. Sunod-sunod akong napalunok na bumilis ang kabog ng dibdib ko na paglagpas namin dito ay sinadya nitong pagdaplisin ang mga kamay namin na ikinalukob ng libo-libong boltahe sa ugat ko! Naipilig ko ang ulo na inaalala ang boses niya. Para kasing. . . narinig ko na iyon somewhere. Hindi ko lang sure pero maski prehensiya niya ay pamilyar sa akin. Na parang nakasalamuha ko na ito pero hindi ko lang matandaan kung saan, kailan at paano. "Hop in," walang emosyong saad nito na binuksan ang pinto ng kotse. Naiilang akong pumasok na umayos ng upo. Kaagad din naman nitong isinarado ang pinto na umikot sa harapan ng kotse at sumakay ng driver side. Naniningkit pa ang mga mata nito na mapasulyap sa harapan ng restaurant na ikinasunod ko ng tingin doon. Namilog ang mga mata ko na malingunan doon ang kinausap nitong tinawag na Mr Madrigal na nakatayo sa tapat ng pinto. Nakapamulsa pa na nakamata sa aming dalawa ni Lander. "Tsk. Akala niya siguro gusto kong kumain sa restaurant niya," ismid ni Lander na pinaharurot na ang kotse. Napakurap-kurap pa ako na parang nag-slow motion ang pagdaan ng kotse ni Lander sa harapan ni Mr Madrigal na ikinatama ng mga mata namin at napangisi itong. . . kumindat! Wala sa sariling napahawak ako sa tapat ng dibdib na nasamid ng sariling laway na ikinalingon sa akin ni Lander at marahang hinagod hagod ako sa likod. "Hey, are you okay, babe?" tanong nito. "Ahem! Yeah. Oo naman, babe." Sagot ko na napainom ng tubig na iniabot nito. Salubong naman ang mga kilay nito na pasulyap-sulyap sa akin habang nagmamaneho. "Are you sure?" "O-oo naman. Okay lang ako. Nasamid lang," sagot ko na pilit ngumiti ditong napangusong tumango-tango. "A'right. Anyway, babe. Stay away from that idiot." "Huh? Sino?" takang tanong ko na bumaling ditong napahinga ng malalim. "Who else? Eh 'di 'yong hambog na Noah Madrigal na 'yon. The owner of that restaurant," banas nitong saad na ikinatango-tango ko. "Oh, Noah pala pangalan niya," piping usal ko. "Oh my God! 'Yong manyakis!" bulalas ko na natutop ng palad ang bibig at namimilog ang mga mata na maalala ang lalakeng may katalik kanina sa loob ng cubicle sa restroom at iniuungol ng babae ang pangalang. . . Noah! "Huh? Sinong manyakis, babe?" naguguluhang tanong nito na napapasulyap sa akin. "Ahem! W-wala, babe. Baka naman fake news lang 'yong narinig ko noon," alibi ko na nag-iwas ng tingin dito. "Huh? Who?" usyoso nito. Napahinga ako ng malalim na mariing napapikit na nag-iisip ng magandang alibi. "Uhm, sabi kasi ng bali-balita na. . .na manyakis daw ang Noah Madrigal na 'yon. Pero tingin ko. . . fake news naman yata. Mukha naman siyang disenteng business man, hindi ba?" alibi ko na lihim na napangiting naituwid ko ang pagbigkas no'n na hindi nauutal. Napanguso naman itong tumango-tango na lihim kong ikinahinga ng maluwag na kitang naniwala ito. "Hindi 'yon fake news, babe. Totoong manyakis ang Madrigal na 'yon. Babaero. Kaya lumayo-layo ka sa mga gano'ng tao. Hindi sila mapagkaka tiwalaan dahil ang tingin lang nila sa mga babaeng katulad mo," anito na bumaling saglit sa akin. "Parausan at laruan lang. Kaya hwag na hwag kang magtatangkang. . . lapitan ang lalakeng 'yon. Kuha mo?" seryosong saad nito na pilit kong ikinangiti at tumango dito. "G-gano'n ba? W-wala naman akong planong maglalalapit sa isang katulad niya," sagot ko na kinuha ang kamay nitong nakahawak sa kambyo at pinag-intertwined ang mga daliri naming ikinangiti nitong mabilis na hinagkan ang palad ko. "I know, babe. Alam ko namang hindi ikaw 'yong uri ng babae na pipila para magpakama sa lalakeng 'yon. Napakaswerte ko kayang. . . napaka desenteng dalaga ng fiancee ko," nakangiting saad nito na paulit-ulit hinahalikan ang kamay ko. Pilit akong ngumiti na nag-iwas ng tingin dito. Nahihiya na makipagtitigan sa kanya lalo na't alam ko naman sa sarili kong. . .hindi na ako ang malinis niyang fiance na ipinagmamalaki niya. Dahil nakuha na ako ng iba. At ang masaklap pa ay ni hindi ko nakilala ang nakaangkin sa akin. MATAMLAY akong nakaupo sa cubicle ko. Abala naman naman si Lander sa mga nire-review nitong papeles na proposal ng mga investor. Kahit gustong-gusto ko ng magtapat sa kanya ng tungkol sa nangyari sa akin kagabi ay para naman akong nawalan ng lakas ng loob na sabihin 'yon sa kanya. "Hey, are you sleepy, babe?" tanong nito na masulyapan akong napayuko ng mesa ko. "Medyo. Sumasakit kasi ang ulo ko, babe." Sagot ko na napapahikab. Totoo namang kumikirot ang ulo ko dala ng puyat at hangover. Inaantok na ako at wala naman akong ginagawa dito sa desk ko. Idagdag pang napakatahimik namin kaya nakakaantok. "You can go to our room, babe. Magpahinga ka na muna doon," saad nito na abala sa ginagawa. "Uhm, okay lang ba, babe? Pabagsak na kasi talaga ang katawan ko," saad ko na napapapikit na ng mga mata. "Yeah, of course, babe." Sagot nito. Kahit nanghihina ay tumayo na akong dinampot ang handbag ko at nagtungo ng silid nito dito sa opisina. Natutulog na rin naman ako dito na katabi si Lander sa kama. Pero kahit nati-temp na itong angkinin ako ay hanggang halik at yakap lang ang nagagawa sa akin dahil 'yon lang ang kaya kong maipagkaloob sa kanya. Noong una ay mahirap sa kanya na walang namamagitan sa amin lalo na sa tuwing magkatabi kami sa kama. Pero kalauna'y natanggap din niya ang limit niya sa akin at ginagalang ang kagustuhan kong mapanatili ang kalinisan ko hanggang kasal namin. Pero heto at sa isang iglap ay nakuha ng iba ang dangal na iniingat ingatan ko. Bagsak ang balikat ko na padapang nahiga ng kama. Sa sobrang antok ko ay hindi ko na rin magawang tanggalin maski blazer at sandal ko. Napapikit ako ng mga namimigat kong mata na nagpatangay sa sobrang antok ko. Pero bago pa man ako makaidlip ay napangiti akong sumagi sa isipan ko ang pigura ng isang lalakeng napakagwapo at kisig sa paningin ko. Si Noah Madrigal. NANGUNOTNOO ako na maramdaman ang pangangawit ng panga ko sa pagkakadapa ko mula sa kama. Naniningkit ang mga matang napaupo ako na napasulyap sa wristwatch ko. "Huh? Alasyete na!" bulalas ko na tuluyang nagising ang inaantok kong diwa. Napasuklay ako ng mga daliri sa buhok ko na napahilamos ng palad sa mukha. Nagmamadali akong nagtungo ng banyo na inayos ang sarili bago lumabas ng silid. "Lander?" kunot ang noong pagtawag ko kay Lander na makitang wala na siya sa office table niya. Pero nandoon pa rin namang nakabukas ang laptop nito sa mesa niya kaya tiyak kong nandidito pa rin siya sa kumpanya. "Babe?" pagtawag kong muli na napapagala ng paningin. Napanguso ako na kumakalam na ang sikmura ko dala ng gutom. Mabuti na lang at umayos-ayos na ang pakiramdam ko. Hindi na masyadong masakit ang ulo ko. "Nasaan 'yon?" usal ko na hindi mahagilap ng paningin ko ang bulto ni Lander na halos naikot ko na ang buong opisina nito. Kinuha ko ang cellphone ko na ini-dial ang cell number nito at inilapat sa tainga ang cellphone habang palakad-lakad dito sa harapan ng glass wall. "Hmm?" Napasunod ako ng tingin sa mesa nito na mag-vibrate doon ang cellphone nitong ikinabuga ko ng hangin na makitang naiwan niya dito ang cellphone niya. Napapanguso akong naupo sa swivel chair nito na hinihintay itong dumating. Marahil ay lumabas iyon para bumili ng kape o pagkain namin. Kung bakit naman kasi napasarap ang tulog ko eh. "Babe?" bulalas ko na napatayo nang bumukas ang pinto at niluwal no'n si Lander na may dalang mga paperbag. "Oh, gising ka na pala, babe. Sorry, kanina ka pa ba naghihintay?" anito na kaagad dinala sa center table ang mga dala. Tumayo ako na nilapitan itong abala sa paglabas ng mga binili nitong pagkain mula sa paperbag. "Kagigising ko lang. Okay ka lang ba? Pawis na pawis ka ah," puna ko na mapansing naliligo na ito sa pawis. Hinihingal pa ito na umaagos ang pawis sa basang-basa niyang buhok. "Uhm, yeah. Okay lang ako, babe. Napahagdan kasi ako kanina eh," saad nito na tila umiiwas makatingin sa mga mata ko. "Uhm, kuha lang ako ng plate natin, babe." Napasunod ako ng tingin ditong natatarantang nagtungo ng kusina at kumuha ng plato, kubyertos at baso. Tila aligaga ito na may kinakatakutan. "Huy, anong nangyayari sa'yo, babe? Okay ka lang ba? You look bothered," saad ko na napahawak sa braso nitong natatarantang naghain ng plato namin sa mesa. "Uhm, okay lang ako. Ano ka ba?" utal nitong saad na pilit ngumiti. Napahinga ako ng malalim na pinanood na lamang itong naglagay ng pagkain sa plato namin. "Kumain na muna tayo, babe. Masarap 'to. Sinadya ko talaga ang paborito mong chicken inasal," saad nito na nilapag sa harapan ko ang plato ko na may lamang isang buong hita ng chicken inasal. Pilit akong ngumiti na hindi na lamang nagkomento pa at nagsimula na lamang na kumain. Panay naman ang sulyap nito na tila may gustong sabihin pero hindi masabi-sabi. "Ako na, babe," agap nito na pinaghimay ako sa hita ng manok. "Salamat," tipid kong sagot na ikinangiti nito. Habang kumakain ay aksidendeng napasulyap ako dito na saktong umiinom ng kanyang ice tea na sunod-sunod kong ikinalunok at nangatal ang katawan na. . . makita ang panga nitong may mga pulang marka. Napaiwas ako ng tingin na pilit pinanatiling normal ang lahat kahit namumuo na ang luha sa mga mata ko sa kaisipan. . . kung bakit may mga kissmark siya sa panga gayo'ng malinaw pa sa memorya kong hindi ko siya nilagyan. Kaya nakakatiyak akong. . . ibang babae ang may kagagawan no'n. Nambababae ba siya? May babae siya? Pero sino? At bakit? "Imposible," anas ko na wala sa sarili. "Hmm? Imposible ang alin, babe?" tanong nito na narinig ang naiusal ko. Napatitig ako dito na pilit ngumiti. "Wala. Uhm. . . naalala ko lang 'yong napanaginipan ko kanina, babe. Na. . . na may babae kang iba," pasimpleng parinig kong sunod-sunod nitong ikinaubo na nasamid ng laway. Kaagad ko naman itong inabutan ng ice tea nito at hinagod hagod siya sa likod na panay pa rin ang ubo. Namumula na tuloy ang gwapong mukha at leeg nito sa pag-ubo. "I'm sorry, okay ka na?" nag-aalalang tanong ko na hindi na ito nauubo. "What the fvck, Jen. Kung ano-anong iniisip mo." Ingos nito na inubos ang isang baso niyang ice tea. "Uhm, sorry." Paumanhin ko. Napahinga naman ito ng malalim na muling kumain. Napainom naman ako ng juice ko na umayos na ng upo. Kahit gutom ako ay bigla akong nawalan ng ganang kumain. Napansin naman ako nito na hindi na kumakain na ikinakunot ng noo nito. "What's wrong, babe? Hindi ka ba nagugutom?" takang tanong nito na pilit kong ikinangiti at umiling. "Uhm, busog na ako, babe. Kumain ka lang d'yan," sagot ko. "Busog?" saad nito na napababa ng tingin sa plato kong halos hindi ko nabawasan. "Ni hindi mo nga ginalaw ang pagkain mo eh. May problema ba? Ayaw mo sa binili ko?" "Hindi. Uhm, inaantok na ulit ako. Uhm. . . ihahatid mo ba ako ng apartment?" tanong ko. Napahinga ito ng malalim na uminom muli ng ice tea nito at iniusog na rin ang plato niya. Mukhang katulad ko ay nawalan na rin ito ng ganang kumain. "Okay. Get your things," walang emosyong saad nito na ikinatango kong tumayo na. Nagtungo ako sa silid na kinuha ang gamit ko. Naabutan ko naman itong tahimik at nakabusangot na iniligpit ang mga natira naming pagkain. Lahat ng iyon maski ang mga hindi namin nabawasan ay isinilid niyang lahat sa trashbag. "Let's go?" anito matapos malinisan ang mesa. Pilit akong ngumiti na tumangong isinukbit na ang handbag ko. "Tara." Sagot ko na ikinatango nitong inakbayan na ako palabas ng opisina niya. PAGKABABA namin ng ground floor ay inakay na ako nito palapit sa kotse nito. "Oh, pauwi na ba kayo, best?" pagsulpot ni Lucy na matamis na ngumiti sa amin ni Lander. "Uhm, oo. Sumabay ka na sa amin kung pauwi ka na, Lucy." Alok ko na ikinalapad lalo ng ngiti nito. "Sure! Pauwi na nga ako, best. Tara," masiglang saad nitong naunang sumakay ng kotse na naupo. . . sa front seat. "Fvck," mahinang mura ni Lander na ikinatingala ko sa kanya at kita sa unang pagkakataon ang paglarawan ng iritasyon sa mga mata nito. "Huy, si Lucy 'yan. Hwag ka namang ganyan oh. Minsan lang naman siyang makisabay sa atin. Saka. . . pauwi na siya, babe. Iisa lang ang tinitirhan naming dalawa and. . . please? Kaibigan ko si Lucy," pagkausap ko dito na hinahaplos-haplos siya sa braso at kinukumbinsi. "Fine," napipilitang pagpayag nito na pinagbuksan ako ng pinto sa likurang bahagi. "Next time, Lucy? Alam mo dapat kung saan ka umuupo, ha? Pwesto ni Jen d'yan sa inuupuan mo ngayon. Ayoko lang na may ibang babaeng umuupo sa pwesto ng nobya ko," malamig na turan ni Lander habang nagmamaneho na ito. "Oops, sorry, boss. Tatandaan ko 'yan. Na pwesto lang ni Jen dito sa harapan," makahulugang saad nito na ikina-igting ng panga ni Lander. "Tama na nga 'yan. Kayo talaga. Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? May away ba kayo?" natatawang pagpapagitna ko bago pa magkapikunan ang mga ito. Pansin ko kasing iba ang timpla ng mood ni Lander ngayon. At hindi ako sanay na makita siyang ganito. Sanay akong makulit ito, malambing at masayahing tao. Napapaisip tuloy ako kung. . . kilala ko ba talaga ang fiancee ko? Taon na kaming nagkarelasyon pero hindi ko pa nakikita ang ibang side nito. Lalo tuloy akong pinanghinaan ng loob na magtapat kay Lander sa nangyari sa akin kagabi sa Bar. Pakiramdam ko habang lumilipas ang oras ay pasikip nang pasikip ang mundong ginagalawan ko. Kahit gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang totoo ay palagi namang may hadlang. Katulad na lamang ngayong gabi. Magtatapat na sana ako pero. . . nandidito naman si Lucy. PAGDATING namin ng apartment ay nauna nang bumaba si Lucy na ikinasunod namin ng tingin dito. Bumaba rin si Lander na lumipat dito sa likuran kaya napausog ako. Umakbay ito sa akin na mariing hinagkan ako sa ulo na ikinayakap ko ditong pinasandal ako sa kanyang dibdib. "I'm sorry kanina, babe. Nagtatampo ka ba?" malambing bulong nito na ikinanguso kong napatingala ditong sinalubong ako ng isang malalim at masuyong halik sa aking mga labing ikinapikit kong unti-unting tinugon ito. Napayakap ito lalo na mas pinalalim pa ang halikan naming sinasabayan ko. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay nitong unti-unting bumababa sa balakang ko hanggang napunta sa hita kong nakalantad dahil mini skirt lang ang suot ko. "Uhmm. . . L-Lander," anas ko na pinutol ang malalim naming halikan. Naghahabol hininga kaming nagkatitigan sa isa't-isa na may munting ngiti sa aming mga labi. Napaangat ako ng palad na hinaplos ito sa pisnging napangiti na napapikit. Tila ninanamnam ang init na dala ng palad kong nakasapo sa pisngi nito. "I love you so much, babe." Anas nito na unti-unting nagdilat ng mapupungay niyang mga mata. Ngumiti ako na sinalubong ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin habang hinahaplos ko pa rin siya sa pisngi. "Mahal din kita, Lander. Mahal na mahal din kita," puno ng damdaming sagot kong ikinasilay ng matamis na ngiti sa mga labi nito. "Ilang araw na lang magiging asawa na kita, Jen. Excited ka na ba?" malambing tanong nito na ikinatango-tango kong nakangiti dito. "Yeah. Sobrang excited na nga ako, babe. Hindi na ako makapag hintay na maikasal sa'yo," sagot ko. "Me too, babe. Hindi na ako mapaghintay pang matali ka na sa akin," sagot nito na marahang napisil ang ilong kong ikinahagikhik kong napayakap dito. Kahit paano ay gumaan bigla ang bigat sa dibdib ko na naglalambing na itong muli sa akin. Hindi katulad kanina na para siyang ibang tao. Nangingiti akong nanatiling nakakulong sa bisig nito. Hinahaplos-haplos naman nito ang likod ko at panay ang halik sa ulo kong lalong ikinangingiti ko. Napapikit ako na ninanamnam ang mga sandaling ito na kayakap ko ang mahal ko. Ang sarap lang sa pakiramdam ng hatid ng yakap nito. "It's getting late. Magpahinga ka na," saad nito na ikinakalas namin sa isa't-isa. Nauna itong bumaba ng kotse na inalalayan akong makalabas. Nangingiti naman ako na magkayakap kaming umakyat ng apartment namin ni Lucy. Pagdating namin sa tapat ng pinto ay saka lang ako kumalas dito. "So paano? See you tomorrow, babe," saad nito na siniil ako sa mga labing ikinapikit kong yumapos sa batok nito at buong pusong tinugon ito. "Uhmm. . . tama na, babe. Malalim na ang gabi. Mag-iingat ka pauwi, ha?" putol ko sa malalim naming halikan. Tumango-tango naman ito na muli akong hinagkan sa noo at muling niyakap. "Goodnight, babe. I love you." "Goodnight too, babe. I love you more. Drive safe, huh?" "Yeah. I will." Napakaway ako dito na paatras na bumaba ng hagdanan. "Tsk. That is not the right way to say goodnight to your girl," anas ng baritonong boses na ikinapitlag ko. Namimilog ang mga matang napalingon ako sa lalakeng nakatayo sa kabilang pinto ng apartment na katabi namin. Naninigarilyo na naka-all black! Napalunok akong hindi nakakilos sa kinatatayuan nang humakbang ito palapit at halos lumuwa ang mga mata ko na masilayan sa liwanag ang mukha nito! "N-Noah? A-anong ginagawa mo dito!?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD