Chapter 16

2192 Words
"Pagod ka na?" tanong sa akin ni Genro pero umiling ako. Dapat siya ang tanungin ko noon dahil siya ang nagmamaneho papunta sa Calaguas. Namangha ako ng sobra sa lugar na ito. Malinis ang tubig, kulay asul talaga at maputi talaga ang buhangin. Maraming turista kagaya namin ng umagang iyon pero na-enjoy pa rin naman ang pagpunta dito. "Magpunta muna tayo sa hotel para iwanan ang mga gamit," sabi sa akin ni Genro at sumunod naman ako. Pagpunta sa kwarto, nagulat ako ng ilabas ni Genro ang isang pares ng swimsuit. Nag-init ang pisngi ko dahil sa ideya na magsusuot ako ng gano'n kahit maraming tao. "Para saan iyan?" nagmamaang-maangan kong tanong sa kanya. Ngumiti siya at iniabot sa akin iyon. Kulay itim ito na two piece. "Ngayon ko pa lang makikita na nagsuot ka ng ganiyan," sabi niya sa akin. Kaya pala pakiramdam ko ay nahihiya akong isuot iyon dahil unang beses ko pa lang ito gagawin. "T-talaga?" tanong ko at tinitigan lang ito sa aking kamay. Lumapit siya sa akin at pinatong ang dalawang kamay niya sa balikat ko. "Oo. Hindi ba, napag-usapan na natin ito? Gusto kong maging normal kng babae," sabi niya sa akin at napatulala ako sa kanya. Dinampian niya ako ng halik sa aking noo at iniikot niya ako at tinulak ng marahan papunta sa banyo. Habang nasa loob ako, pinag-iisipan kong mabuti ang sinabi ni Genro. Ano ng ba naman ang mapapala kung mahahanap ko pa ang totoo? Hindi na rin naman ako magkakaroon ngmapayapang buhay oras na bumalik ako sa Maynila at alamin ang totoong nangyari. Tinanggap ko na lang ang iniaalok ni Genro sa akin na magkaroon ng panibagong buhay. Lumuha ako ng panahon na iyon hindi para sa kalungkutan na nararamdaman ko kung hindi, tatanggapin ko ang bagong buhay at kakalimutan ang nakaraan. Agad akong nagtanggal ng damit at sinuot ang mga iyon at lumabas ng banyo. Tinakip ko pa sa katawan ko ang mga damit na pinaghubaran ko at naningkit ang mata ni Genro ng mapatingin sa akin. "Oh, bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong niya sa akin at napakagat-labi ako. Mabagal kong hinubad ang damit at nanglaki naman ngayon ang kanyang mata sa ginawa ko. Hiyang-hiya ako ng sandaling iyon pero nawala rin ang nararamdaman ko ng tinapal na ni Genro ang puting balabal na dinala niya rin para sa akin. "Hintayin mo ko at mag-aayos ako." Tumayo na siya at pumasok sa banyo. Habang naghihintay sa kanya, naisip kong maglagay na rin ng sunblock sa iilang parte ng katawan ko at kinuha ko ang make-up kit ko. Naglagay ako ng lipstick sa aking labi at napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhaan ang sarili ko ng litrato bilang isang paaalala na nagawa ko ang bagay na ito. Habang ginagawa ko iyon. lumabas si Genro at nilahad ang kamay niya. Binigay ko sa kanya ang cellphone ko at siya ang kumuha ng litrato sa akin. Tumabni naman siya sa akin at inilipat sa front screen at nag-selfie naman kami. May litrato pa hinalikan niya ako sa pisngi at gulat ang rumehistro sa mukha ko tapos ang sumunod ay hinawakan niya ang aking batok at nilingon sa kanya tapos ay tinulak ang ulo ko papalapit sa mukha niya tapos ay hinalikan ako ng mariin, narinig ko ang pagtunog ng camera. "Sana ganito tayo lagi," sabi niya sa akin at pinunasan ang labi ko dahil kumalat ang lipstick na nilagay ko sa labi ko. Ngumiti lang ako sa ginawa niyang iyon at naglagay na lang muli ng lipstick sa labi ko. "Nag-sunblock ka na?" tanong niya sa akin at tumango ako. Hinaplos niya ang likod ko at naramdaman ang gasgas nito kaya kinuha niya ang botelya ng sunblock at naglagay ng kaunti sa kanyang palad at pinahid iyon sa likod ko. Nakaramdam ako ng init hindi dahil sa panahon pero dahil sa paglapad ng kanyang mga palad sa aking balat. Nang matapos siya, binuksan niya ang kanyang bagahe at may kinuhang isang maong na short. "Talagang handang-handa ka talaga ano?" tanong ko sa kanya at ngumisi lang siya ng sandaling iyon. Sinuot ko ang short na binigay niya at kasya talaga sa akin. Muli kong nilagay sa katawan ko ang balabal at sinuot ang slingbag ko. Inayos na muna ni Genro ang gamit namin at dinala lang namin ang mga mahalagang gamit at sinara na ang kwartong iyon. "Kumain muna tayo bago gumala sa isla?" tanong ko sa kanya at tumango siya at hinawakan ang kanyang tiyan. Pagpunta namin sa lobby, nagtanong siy sa receptionist kung saan pwedeng kumain sa hotel. "Subukan natin ang mga pagkain sa labas," sabi ko sa kanya at iniwanan na ang receptionist tapos ay hinawakan ang kamay ko at lumabas na ng hotel. Hinawakan niya ako ng mahigpit dahil sa dami ng tao sa paligid. Naglalakad-lakad kami para tingnan ang mga pagkain sa loob at nang makita ko ang isang restaurant na may spare ribs ay niyaya ko doon si Genro. May mga seafood rin doon at agad kaming nag-order ng pagkain. Nang matapos kaming kumain, naglakad muna kami at pinagmasdan ang ganda ng lugar. Kahit mraming turista ay nagawa pa rin namin makakuha ng magagandang litrato ng lugar na yon. Paghinto namin sa isangp uno, narinig ko ang matandang lalaki na sumisigaw ng salitang 'Island Hopping' sa mga dumadaan na turista. "Gusto kong mag-island hopping," bulong ko kay Genro at tinuro ko ang matandang lalaki. Nilapitan naman agad namin ni Genro iyon at ngumiti ang matanda ng makita kami. "Island hopping po?" tanong nito sa amin at binigay ang dalawang naka-laminate na picture at nakalagay doon ang presyo. Tatlong set iyon at iba - iba ang presyo. "Anong gusto mong set?" tanong sa akin ni Genro at gusto kong kunin ang pinakamahal sa tatlo dahil gusto kong lubusin ang bakasyon namin iyon. "Yung pinakamahal na siguro," sagot ko sa kanya at tumango siya tapos ay pinaliwanag sa matanda ang plano namin. Nakatingin lang ako sa dagat habang nag-uusap silang dalawa. "Tara?" tanong niya sa akin at sinundan namin ang matanda. Kaunting paglalakad lang namin ay nakita namin ang mga taong nakaupo sa tapat ng isang kubo. May kinausap ang matanda at tinuro kaming dalawa tapos ay lumapit na muli sa amin ang matanda. "Sir, downpayment niyo po," sabi nito kay Genro at agad naman kumuha ng pera ang aking kasintahan at iniabot iyon sa matanda. "Tara po at aalis na," sabi ng matanda sa amin at sinundan namin siya tapos ay lumapit muli sa lalaking kausap niya kanina. Binilang kami ng binatang kausap nito tapos ay nagpaalam na sa matanda gamit ang hindi pamilyar sa akin na lenggwahe. Ilang sandali lang ay dumating na ang isang motorboat at may binaba itong kahoy na tulay at isa-isa nang pinasakay ang mga kasama namin s Island hopping na iyon. Pinaliwanag ng mga kasama naming lalaki na magsisilbing guide namin kung anong mga isla ang pupuntahan namin at inabot ang mga lifevest sa amin. Tinulungan ako ni Geno isuot iyon sa akin matapos niyang isuot ang kanya. Unang pinuntahan namin ay Balagbag at nakita ko ang linaw ng tubig doon. Kitang - kita ko pa ang mga isda dahil nahinto kami sandali para magpakain ng mga isda. Hindi ko na matandaan ang ilan sa mga pinuntahan namin pero labis akong natuwa sa ganda ng lugar na iyon. "Sabi ko kuhaan mo ko ng litrato, bakit ang tagal naman nakatutok sa akin iyan?" tanong ko sa kanya pero nalaman kong isang video ang ginagawa niya. Nang matapos niya akong kuhaan ay tinago niya na ang cellphone sa isang plastic para hindi ito mabasa. "Gusto kong kuhaan ka ng video para paggising mo bukas, maipapakita ko sayo ito," sabi niya sa akin at tumango ako. Sobrang maaalalahanin niya ng mga sandaling iyon. Bawat pupuntahan namin ay kinukuhaan niya ng video at sinasama niya pa ako at minsan, ililipat sa kanya ito. Nag-snorkeling at Kayak rin kami at labis na saya ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Puro tawanan ang nagawa namin habang nasa magandang islang iyon. Nag-yaya na ang tour guide para kumain at boodle fight ang naging set - up ng tanghalian naming iyon. May mga nakausap pa akong ilang mga kasamahan namin dahil nagpapakuha sila ng litrato. Nakisuyo rin naman kami na kuhaan kami ni Genro ng litrato. Binigyan kami ng isang oras para sa pag-videoke at dalawang oras naman ang inilaan niya para sa mga souvenir shop. Nag-ikot lang kami ni Genro doon at gustuhin ko man bumili ng mga souvenir ay wala naman akong maisip na bilhan ng mga ito. "Siguro kung may natatandaan ako, namili na ako ng souvenir," sabi ko sa sarili ko at hindi ko namalayan na narinig pala ni enro iyon. "Bumili ka pa rin, para sa sarili mo," sabi niya at nag-yaya na siyang mag-ikot. Puro keychain, purselas at couple shirt ang karamihan ng tinitinda doon. May isang couple shirt na kulay itim ang labis kong nagustuhan kaya nilapitan ko ang boutique kung saan nakasampay ang t-shirt na iyon. "Ang ganda nito," sabi ko kay Genro at tumango siya saka ngumiti. Nagtanong siya sa tindera kung may size ba para sa amin at agad naman tumalima ang tindera at kinuha sa ilalim ang nakabalot pang damit. Pinakita niya sa amin iang size at binayaran naman agad ni Genro ito. Pumasok na ako sa loob ng tindahan na iyon at nakita kong may mga kakaiba pang gamit ang tinitinda nila. Mga music box, kahoy na ashtray, bag na may tatak ng pangalan ng isla at kung ano-ano pa. Pero dahil limitado lang ang oras namin ay agad na nag-yaya si Genro para bumalik na sa meeting place. Ilang minuto rin kaming naghintay dahil matagal bumalik ang ilan sa mga kasama namin at nang kumpleto na, pinaandar na rin ng tour guide ang motorboat. Minuto lang ang naging byahe namin at nakabalik na sa lugar kung saan kami kinuha kanina. "Kumain muna tayo uli?" tanong ni Genro sa akin at tumango naman ako sa kanya. Sa ibang restaurant naman kami kumain para tikman ang iba pang putahe. Set ng mexican food ang naisip namin na hapunan ng gabing iyon. Habang pabalik na kami sa hotel, narinig ko sa ilan na may isang camping site at napatingin ako kay Genro habang iniinom ang Margarita na in-order ko. Pilya akong ngumiti at gano'n rin pala siya. Parang naging iisa ang isip namin dahil sa sinabi nilang iyon. "Ubusin mo na iyang inumin mo at may pupuntahan pa tayo," sabi niya sa akin at tumango na ako agad tapos ay kumuha pa muli ng nachos na order ko. Nagmadali kaming bumalik sa hotel room dahil sa balak naming puntahan. Kinuha na lahat ni Genro ang mga gamit namin at nagsabi sa hotel receptionist na check-out na kami. Nagbayad na agad si Genro tapos ay nagtanong sa babaeng receptionist kung saan makikita ang camping site. Binigyan siya ng isang papel na mapa kung saan papunta doon at may contact number pa sa pinakababa nito. Tinawagan ni Genro ang numero na iyon para magpareserba ng isang tent dahil bago daw pumunta doon, kailangan muna may reservation doon. Mabuti na lang talaga at hindi naman peak season kaya nakapag-reserba si Genro doon. Isang oras rin ang naubos bago kami nakapunta doon. Madilim na ng makapunta kami doon at kitang - kita na ang mga ilaw sa tent. Malapit lang ito sa dagat pero pinagbawalan kaming magpunta doon dahil gabi na at hindi na nila responsibilidad kapag may nangyari sa kanila. Tumango naman kami ni Genro at dinala na kami sa tent na inupahan namin. Unang pinasok ni Genro ang tatlong bag namin tapos ay binubad ang sapatos niya. Gano'n rin ang ginawa ko at pinagpag ni Genro ang mga sapatos para hindi mapasukan ng buhangin ang loob ng tent. Naglapag muna siya ng isang kumot na galing rin sa nag-aasikaso ng activity na ito tapos ay umupo na siya doon. Sinundan ko siya at ngumiti ng sobrang lapad dahil sa tuwa na nararamdaman ko. Kinuha niya ang kanyang cellphone at muli siyang nag-video. Dinampian niya ako sa pisngi ng sandaling iyon. Pinatong ko sa kanyang balikat ang ulo ko dahil sa sobrang saya at parang ayoko na matapos ang sandaling ito. "Magpakasal na tayo," sabi niya sa akin at napanganga ako ng malaki dahil sa tanong niyang iyon. Tumawa siya at nagulat ako ng may isuot siya sa daliri ko. Isang singsing na sobrang ganda at elegante ang dating. "Engagement ring natin iyan, pero tinatago ko dahil ayokong magulat ka kapag nakita mong suot mo iyan," sabi niya sa akin at pinalo ko ang kanyang balikat at ngumisi lang siya sa ginawa kong iyon at niyakap ko siya ng mahigpit. "Sana, hindi ko ito makalimutan. Tatanggapin ko na ang alok mong magbagong - buhay,"sabi ko sa kanya at yumakap rin siya sa akin. Siniil niya ako ng halik na sobrang tamis. "Hindi pa ito ang huli," sabi niya sa akin ng humiwalay siya at tinitigan ako. Kumakabog ang puso ng sandaling iyon dahil sa labis na saya. Alam ko sa sarili ko na si Genro talaga ang gusto kong makasama habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD