"Patingin!" sabi sa akin ni Vangie habang nasa kasiyahan kami ng gabing iyon. Ito ang gabi kung saan kami mag-didiwang ng engagement party namin ni Genro.
Malugod kong inilahad ang aking singsing sa kanyang harap at inusisa niya ang suot ko at talagang galak na galak siya para sa akin. Pinaikot - ikot niya pa ito sa aking daliri tapos ay akmang magsasalita ng tawagin ako ni Papa.
Kasama niya ang mga ka-trabaho niya, ang ilan sa mg opisyal ng aming himpilan.
"Sandali lang ah," pagpapaalam ko kay Vangie at lumapit ako sa kanila. Makikisig ang mga tindig ng mga ito at nagtatawanan ng mahina lang. Inakbayan ako ni Papa ng makalapit ako sa kanila.
"Pano ba yan, ang unica hija mo, mawawala na sa landas mo," sabi sa kanya ni Colonel Armado, ang isa sa mga malapit na kaibigan ni Papa at ninong ko simula pagkabata.
"Don't worry, kumpare! Handa na akong mag-isa," masayang sabi ng Papa at tumawa ng kaunti pero may bahid ng lungkot ang kanyang boses ng sabihin niya iyon. Mapait na ngiti ang ginawad ko sa mga kasama niya dahil alam kong ayaw ng Papa mapakita ang lungkot at kahinaan sa kanya. Kilala siya bilang istriktong pulis.
"Nasaan nga pala ang asawa mo?" tanong naman ni Major Spiel at ginala nito ang kanyang mata sa mga bisita at gano'n rin ang ginawa ko. Namataan ko na lang ang aking kasintahan na kausap ang kanyang mga kapwa guro at inayos ko ang aking suot na bestida tapos ay nilapitan ko siya.