Blood of the Samurai: Chapter 1

408 Words
Chapter 1: Aoi Helia Ako si Haruwi Helia, nakatira kami dito sa maliit na apartment. Anim na taong gulang palang ako ngayon. Ang akin ina ay si Aoi Helia, madaming nagsasabi sa mama ko na maganda daw siya. Ngunit nakakapgtaka lang dahil may pilat ang kanyang kanang mata. Parang hiniwa ng kutsilyo ito. "anak, handa na almusal kumain kana" sambit ng aking mama. "Opo, mama. Kakain na". Hinahatid ako ni mama sa skwelahan. Laging nakabalot si mama at di tulad ng iba kong kaklase na ang kanilang mga nanay ay minsan nakakapagsando sila. Hindi ko pa nakikita ang aking nanay na hindi nakasuot lagi ng Jacket. "Mama, bakit lagi ka nakajacket?" "Wala anak, dahil laging giniginaw si mama" Gusto ko rin tanungin si mama kung nasaan ang aking ama, ngunit ayaw niya itong sabihin sa akin. Isang araw ay umiiyak si mama at nakita kong tinignan ang kanyang likuran. May malaking guhit dragon sa kanyang likuran. "Mama, ano yang dragon sa likod mo?" Nagulat ang aking ina sa aking tinanong. "Wala ito anak, tattoo ni mama. Wag mo itong ipag sabi kahit kanino, huh anak?" "Opo, mamA" Minsan iniisip ko kung ano ba talaga ang tinatago na aking mahal na mama. Normal naman ang akinh ina. Mabait ang aking mama Aoi. Ayaw niya akong magasgasan. Maraming ayaw sabihin si mama sa akin. Minsan ay may nambastos sa kanya sa kalye halos mapatay ang lalaki, diko akalain ganoon siya kagaling para ipagtanggol ako at sarili ni mama. Ngunit, tuwing nakakakita ito ng dugo. Ay tila ba natutuwa ito. Pinigilan ko si mama sa pagsuntok sa lalaki. At niyakap ako ni mama. Isang gabi ay aalis daw si Mama, may dala dala siyang puting tela. Parang may nakabalot na tubo. Hihintayin ko raw siya dito sa bahay. Kinabukasan, nakita ko ang aking mama ay maraming hiwa ang braso niya. Halos ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya habang lilinisan ang mga sugat niya. May nakita akong tila matalim na bagay na maraming dugo. Nang hawakan ko ito, tila hindi ko na makilala si Mama. "Mama, mama" habang sinasakal ako. Ngunit nahimasmasan si mama at ako ang naglinis sa mga sugat niya. Niyakap ako ni mama. Isang araw ay may kumatok sa pinto. Nang hindi binuksan ni mama ang pinto, bigla pumasok ang lalaki na may baril at ang isa ay may espada. Ang dalawang lalaking ito ay may nkakatatak na itim na uwak sa kanilang braso. End of Chapter 1.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD