CHAPTER 3

1319 Words
Minahal Kita Chapter 3 Hindi pa rin nawawala sa isip ni Lara sa utak niya ang larawan ng lalaking kangina sumita kay Carmila. Hanggang ngayon malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. Hindi nga niya alam. Pero malakas ang kanyang pakiramdam na si Damian ang kanyang kaharap. Sobrang lakas ng kaba niya nais niya sana yakapin ang lalaking malakas na nagsalita at sumita kay Carmila. Pero nawalan siya ng lakas ng loob na gawin ito. Nakaramdam siya ng hiya na baka anong isipin ni Carmila sa kanya. Hindi pa nakikilala ni Carmila si Damian. Kahit minsan ay hindi nagawa ni Lara, ang ipakilala ang lalaking minahal niya ng sobra sa kaibigang babae na matagal niyang hindi nakita. Sa probinsya si Lara nakatira. Habang si Carmila ay lumuwas ng Maynila upang makipag sapalaran. Laki lang kasi sa hirap si Carmila. Habang siya naman ay anak ng isang napakayamang pamilya na ngayon nakabase na sa ibang bansa. May negosyo ang pamilya ni Lara. Ngunit kapatid na lang niya ang mga nagpapatakbo ng mga negosyo na naiwan ng kanilang mga magulang. Walang hilig sa negosyo si Lara. Lalo na sa mga magkakapatid. Siya ang mahina at walang lakas na humawak ng mga negosyo na pag-aari ng pamilya nila. Ganun pa man ay mababait ang mga kapatid ni Lara. Hindi naman siya pinabayaan ng mga ito. Lalo ng panahon kung saan nagkasakit siya ng damdamin niya ang masakit na katotohanan ng iwan siya ni Damian. Sino nga ba si Damian? Ito lang naman ang lalaking buong akala ni Lala ay minahal siya ng lubusan gaya ng ipinakita niyang pagmamahal dito nung mga panahon na nag-sasama pa sila. ***** Mula sa isang pagtitipon. Nakapa ganda ni Lara tingnan sa suot niyang pulang bestida. Ito ang ipinasuot sa kanya ng kanyang Yaya. Maganda raw kasi ito tingnan sa mata at bagay na bagay sa kanya. Madalas pang sabihin ng kanyang Yaya. Maganda siya magdala ng mga damit. Walang kasuotan ang hindi babagay at magdadala sa kanyang magandang hulog ng pangangatawan. “Napaka ganda mo talaga, Lara." wikang sabi sa kanya ng makarating siya sa venue kung saan ay ginagawa ang magarbong handaan. Birthday Party ng isa sa kanyang mga kakilala. Kaibigan na rin niya maituturing. Anak din ng kaibigan ng kanyang parents. “Salamat" ngumiti siya, may lumalapit na waiter may dalang alak. “Thank you" wika niya sa waiter. Umalis na rin ito after niya makakuha ng isang baso. Juice lang ang kinuha niya. Maliban sa alak na nakalagay sa tray nito. May nakita siyang juice nag-iisa lang iyon sa tray na dala ng waiter. “Kinuha mo pa talaga yung juice na para sana sa bisita." sabi nito sa kanya na tumawa lang matapos niya inumin ng straight ang juice. Na uhaw kasi siya at kangina pa naghahanap ng maiinom ang kanyang bibig. “Tinanong ko naman siya di 'ba? Pumayag naman ng tanungin ko maaari ko kunin na lang muna ang juice na dala niya. Sumagot naman s'ya na okay lang. Anong problema don?" wikang sagot pa rin niya sa babaeng nagbiro. Hindi naman siya ganun kadali mapikon. “Sabagay, may punto ka! Pero, siya nga pala. Nakita mo na ba ang sinasabi ni Diana? Yung pinsan niya? Umiling siya. “Hindi pa! Bakit? Nakita mo na ba?" balik niya na pagtatanong. Naalala ni Lara ang sinasabi ni Diana sa kanila. May ipapakilala raw ito. Pinsan nito. Lumingon siya sa paligid. Hindi naman niya makita ang sinasabi ni Diana. Kahit si Diana hindi niya rin makita sa paligid. Nasaan na kaya yon? Kangina ko pa nga pala hinahanap ang babaeng 'yon. bulong ni Lara. Hindi pa rin makita ang kaibigan “Kangina pa ako dito. Hindi ko rin makita si Diana kahit na ang lalaking tinutukoy niya. Wala naman ako makita na hindi pamilyar sa mga mata ko. Siguro ay wala siya dito." pahayag ng kaibigan niya. “Baka nga wala dito. Pero sinabi niyang isasama niya sa party niya di ba?" Tumango si Barbie. “Bakit kaya wala?" natanong ni Lara. Tumawa si Barbie. “Excited ka rin ba makilala? Gwapo ang sabi ni Diana di ba?" Tumango siya. Kaya nga nais niyang makita para masiguro niyang tama ang sinabi sa kanila ni Diana. Huminga si Lara. Naghihintay pa rin sila ni Barbie na dumating ang kanilang kaibigan na si Diana. Hindi pa rin ito lumabas. Naisip nila na baka hindi pa tapos ito ayusan ng nakuha nitong make-up artist. Mayaman din si Diana.. Ngunit may pagka-metikulosa ng pamilya nito. Ilan lang ang mga kaibigan nila na naririto sa party. Mapili sa mga kaibigan ang pamilya ni Diana. Kung wala sa level na gaya nila ni Barbie. Tiyak na hindi na bibigyan pa ng kahit konting oras o panahon na makilala o makaharap man lang ng mga magulang ni Diana. Buti na nga lang dahil ang pamilya nila na magkakaibigan. Magkakaibigan din at magkakilala. Dahil siguro naisip na rin ni Lara non. Baka sakali na hindi rin siya pansinin ng mga magulang ni Diana gaya ng ginawa nito sa isang kaibigan nila. Mayaman din naman ito. Kaso nga lang dahil sa uri ng pamilya. Inayawan ng pamilya ni Diana. Pinagsabihan si Diana na wag na muli nitong tatangkain na patutongtongin sa mismong bahay nila ito. Dahil ayaw ng mga magulang niya na masangkot siya sa mga problema na kinakaharap ng pamilya ng isa nilang kaibigan. Walang nagawa si Diana. Subalit ganun pa man. Kinakausap pa rin ni Diana ito. Hindi na nga lang tulad ng dati. Umiiwas na rin kasi sa kanila ang isa nilang kaibigan. Nahihirapan din kasi ito sa sitwasyon ngayon sa kaguluhan na nangyari sa kanilang pamilya. “Saglit! Tumingin ka 'ron." kinalabit ni Barbie si Lara. Nagulat siya na mabilis din na pasunod ng tingin sa itinuro ni Barbie. “Siya kaya? Gwapo di ba?" pahayag na tanong ni Barbie. Hindi mawala ang ngiti nito sa labi. “Palagay mo siya 'nga?" usal na sambit ni Lara. Tinanong din niya si Barbie. “Siguro! Siya lang naman ang tao na hindi pamilyar sa mga mata ko. Baka siya na 'nga. Gwapo di ba?" Napatango naman si Lara. Hindi maalis ang mata niya sa lalaki. Kamukha kasi ito ni Piolo Pascual. Ang cute. Pero mukhang may edad na nga lang. Na kwento ni Diana na may pinsan siya na uuwi at magbakasyon sa lugar nila. Sa mismo nitong kaarawan ang dating ng pinsan niya. Baka siya na nga? usal na nai-bulong ni Lara. Napangiti din siya. Nagulat pa siya ng mag-iwas agad siya ng kanyang mata. Bigla nalang kasi ito lumingon sa gawi niya. Naabutan pa tuloy ng mga mata nito ang mata niya na i-iwas niya sana. Kaya ayun! Nagkatama ang mga mata nilang dalawa ng gwapong lalaki at napatigil si Lara. Nakatulala. Ang gwapo niya! usal niya halos manginig ang mga paa niya at mawalan siya ng panimbang. Lalo nang biglang gumalaw ito sa pagkakatayo nito at lumakad. Lumapit sa kanya. “Hi" nakangiti itong binati s'ya. Napapitlag si Lara. Siniko kasi siya ng kinikilig na si Barbie. “Hi, raw. Ano ka 'ba?" bulong ni Barbie sa may likod ng tenga niya. Napalunok siya. Kinabahan agad siya at lumakas ang t***k ng puso niya. Para siyang hihimatayin. Pakiramdam niya sa kanyang sarili. Hindi siya nakasagot. Kaya si Barbie ang sumagot. “Hello" ngumiti ito. “Ikaw ba yung pinsan ni Diana?" ngumiti ang lalaki. Kaya siniko na naman siya ni Barbie sa kanyang braso. Kinikilig ito ng kinurot siya sa may tagiliran. “Barbie, masakit ahh!" singhal niya sa kaibigan. Tumawa lang ito. Sasagot sana ang lalaki ng bigla nalang may tumawag dito. Napalingon sila sabay-sabay. Nakita nila si Diana kumakaway at tinatawag ang lalaki palapit sa kanya. “Teka lang ahh!" sabi nito ng magpaalam. Nadismaya tuloy si Barbie ng umalis agad ang lalaki ng hindi man lang nila nalaman ang pangalan nito. Hindi man lang din nila nagawa, ang makapag pa-kilala dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD