CHAPTER 4

1410 Words
Minahal kita Chapter 4 “Nakilala mo na pala sila?" tanong ni Diana sa pinsan niya. “Hindi pa nga eh! Tinawag mo ako." nakangiti itong sumagot. Maloko. “Naku, ang bagal mo. Pero sino sa dalawa ang type mo?" mabilis na tanong ni Diana. Natawa ang pinsan niya. “So—" “Oh, wag mo akong tingnan ng ganyan. Nagtatanong lang naman ako sa'yo. Pareho naman sila maganda. Pero syempre ngayon... Mas maganda ako sa kanila." pabiro na wikang pahayag ni Diana. Nginitian siya ng maloko ng pinsan niyang may duda pa sa nasabi niya. Huminga si Diana. Ngumiti siya. Tatawagin na rin kasi siya maya-maya lang para umakyat sa stage at ipakilala sa mga bisita. Ika-labing walo niyang kaarawan ngayon. Kaya naman ang suot niya at ayos namumukodtangi sa mga bisita sa niya sa kanyang pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Napangiti pa siya ng paakyat na siya ng stage habang inaalalayan ng pinsan niya. Ito kasi ang nirequest niyang maging escort. Buti pumayag agad ng tawagan niya sa numero na naisip niya na baka nakapag palit na rin ito ng bago. Pero sinubukan niya pa rin at pasalamat siya dahil sa iyon pa rin pala ang number ng pinaka favorite niyang pinsan. “Kuya, mas gwapo ka pala sa naiisip ko. Hindi ko inaasahan na mas gwapo ka pa ngayon sa huli natin na pagkikita." bulong ni Diana. Inaalalayan na siya nito sa pag-akyat sa stage. Mula sa gitna. May nakahanda don na isang malapad na silya. Sofa na pang dalawahan… Maaari na magkasya. Pinaupo siya ng pinsan niya don. Tulad ng turo ng speaker sa kanyang birthday party. “Ma-biro ka pa rin hanggang ngayon. Ako pa rin ba ang crush mo?" biro rin na pahayag ng pinsan niya sa kanya. “Hindi na ahh! Nung mga bata pa tayo. Oo, aminado ako r'on. Pero ngayon na nagdadalaga na ako. Syempre iba na!" “Malaki ka na 'nga! Marunong ka na rin kasi mag-isip. Pero natutuwa akong makita na nagdalaga ka ng maayos. Bata ka pa ng huli tayong magkita n'on." wika ng pinsan pa rin ni Diana. “Oo nga Kuya, matagal na panahon na yon. Biruin mong ikaw nga din tumangkad. Tapos biglang pumuti." natawang biro ni Diana. “Hindi naman ako maitim n'on ahh! Mas maputi pa nga ako sayo. Kaya nga lang. Pandak ka ng panahon na yon at mas mataas ako sayo." pang aasar nito kay Diana. Sumimangot tuloy. “Wag mong sasabihin iyan sa harapan ng mga kaibigan ko. Kundi mayayari ka talaga sa akin." banta ni Diana. Natatawa na lang din ang pinsan niya. “Oo na! Hindi ko sasabihin. Pero pag magtanong sila? Hindi ko ba pwedeng sagutin?" “Hindi" sagot ni Diana. Inayos nito ang kanyang damit. Naupuan kasi niya. Nagulo tuloy nang matiklop dahil sa kanyang pagkakaupo niya ng hindi niya napansin at nahawi. Mas dumami ang bisita ni Diana. Nakita niya malayo sa kanila ng pinsan niya ang dalawang pinakamalapit niyang kaibigan. Pero sa katabi niya ito nakatingin kaya napangiti siya. “Wag ka 'nga masyado magpapansin Kuya. Napaghahalata kita." biro niya ng pansinin niya ang pinsan niyang ngiting-ngiti. Lumingon ito sa kanya at nakita n'yang ngiti nito. Abot hanggang tenga. “Kuya" maging si Diana nakuha na niya ang sinasabi ng mata ng pinsan niya. “Gusto mo si Lara?" tanong niya sa pinsan. Ngumiti ito na ang ibig sabihin ng ngiti. Ay oo! “Sabi ko na!" “May boyfriend na ba siya?" tanong nito sa kanya. “Wala pa! Kung ligawan mo. Una ka!" sagot ni Diana. “Talaga?" mas lumawak pa ang ngiti ng pinsan n'ya. “Oo" sagot muli ni Diana. Malalim na napabuga at napahinto sa pagsasalita ang pinsan niya ng ibaling nito kay Lara ang mga mata. “Mabait si Lara. Maganda pa! Aminado ako na mas maganda siya kung ipagkumpara mo kaming dalawa. Pero Kuya, dapat sa mga mata mo. Ako ang maganda." napabaling tuloy ang mukha ng pinsan niya sa sinabi niya. “Joke lang" “Puro ka biro. Pero true naman yung sinabi mo. Mas maganda talaga siya sa 'yo." “Asar ka" Sabi ni Diana. Sinimangutan niya ulit ang pinsan niyang hindi mawala ang tingin kay Lara. Tinawag si Diana para pumunta sa gitna. Para magbigay ng bahagyang speech para sa kanyang maraming bisita. “Bakit nakasimangot ka pa rin?" tanong nito kay Diana. “Ikaw kasi—" “Ako?" turo nito sa sarili. “Hanggang ngayon... Mabilis ka pa rin mapikon. Pero mamaya ipakilala mo ako sa mga kaibigan mo. Lalo na don kay ano 'nga—” nakalimutan niya. “Bahala ka!" sabi ni Diana. Tinalikuran niya ang pinsan n'ya. Bababa na siya para puntahan ang mga bisita. Para asikasuhin din ang ilan pa sa mga dumadating. “Teka! Sama ako. Kinuha mo pa akong escort kung iiwan mo lang din ako." reklamo na nagmamadali din sa pagsunod kay Diana. Hinawakan nito si Diana sa braso. Pinulupot ang braso sa pinsan. Saka inaalalayan nito sa paglalakad. “Hindi ba dapat hinahawakan mo din ang laylayan ng gown ko?" nakataas ang kilay at nakanguso na sabi ni Diana. “Abuso ka! Ipakilala mo na lang ako sa mga kaibigan mo. Nang matuwa ako." sagot nito sa pinsan. Naglalakad sila ang mga mata ng lalaki kay Lara nakatingin. “Madapa naman ako. Kangina mo pa tinatapakan ang gown ko. Nakakainis ka ahh!" bulalas niya na sininghalan ang pinsan niya. Muntik na nga naman siya madapa dahil sa makailang ulit na paglalakad ng hindi iniingatan ng pinsan niya— madalas na natapakan ng kanyang pinsan ang suot niyang gown. Nagugulat na lang si Diana sa tuwing ka muntikan siyang madapa. “Dahan-dahan naman, Kuya. Baka mamaya hindi pa ako nakatapos sa pag-i-ikot sa mga bisita ko. Nasira mo na itong suot ko." Si Diana naman ang nagreklamo. “Sorry" tinawanan lang nito si Diana. Huminga ng mahigpit si Diana. Malapit na sila sa pwesto at table ng kanyang mga kaibigan. Kaya naman panay ang bulong ng pinsan niya at pangungulit. “Kuya, hindi ko akalain na ganyan ka pala magkagusto sa isang babae. First time?" pahayag na tanong ni Diana sa pinsan. “Hindi naman. Pero ngayon lang talaga ako nagka-interes sa isang babae ng sa unang tingin ko pa lang na-hook na agad ako. Himala nga eh! But, while tinitingnan ko siya kanina from there. Hanggang sa pwesto nila ng kasama niya. I felt something na hindi ko maipaliwanag at masabi kung anong feelings ba ang naramdaman ko habang nakita ko siyang nakatingin sa akin." humugot ito ng malalim. Napalunok din siya. Malakas na kaba ang ngayon nag-uumpisa sa kanya. Kinabig niya si Diana para mapadikit sa kanya. Para lang matakpan ang panlalambot ng mga binti niya. Kasama na rin ang kanyang buong katawan. “Hi, birthday girl." bati ni Barbie nang lumapit ang dalawa. Tahimik pa si Lara. Hindi ito nagsasalita while na nakatingin sa mukha niya si— “Guys, siya pala yung tinutukoy ko sa inyo. Pinsan ko. Si Kuya Damian." pakilala ni Diana sa pinsan. “Kuya Damian, siya pala si Barbie. Yung katabi niya si Lara. Nabanggit ko sayo kangina." nagulat ang mukha, ni Lara. Tumingin ito sa nakakatawang itsura ni Diana. “Lara, sabi ni Kuya Damian sa akin... Tinatanong niya if pwede ka raw ba niya maligawan? If okay. Boto naman ako. Approved agad sa akin kung approved sayo." pahayag na sabi ni Diana. Nagulat man si Lara. Pero may isang tao ang mas nabigla sa kanila. Si Barbie. Nag expect kasi ito na baka sakali na sa kanya ang mga mata ni Damian na nakatingin. Hindi pala. Dismayado man. Masaya siya para kay Lara. Wala naman kasi itong boyfriend. At ngayon lang din ito nagkainteres sa isang lalaki. Kaya approved na rin siya. Ipinahayag niya sa kanyang dalawang kaibigan. “Okay sa akin. Okay din naman kay Diana. Ikaw nalang Lara? Anong palagay mo? Pa-paligaw ka ba?" tanong ni Barbie. “Hindi ka na malulugi. Super GWAPO at swerte mo na rin sa kanya kung kayo ang magkakatuluyan." sabi pang muli ni Barbie Napaisip tuloy si Lara. Wala pa siyang naisasagot sa sinabi ng dalawa niyang kaibigan. “Pag-isipan mo." pahayag na tila mas lol 3 pagmamadali ni Barbie. Pero hindi pa din makapag isip si Lara. Papayag ba ako? ilang beses niyang tanong sa kanyang sarili. Papayag ba ako? Hindi ko alam kung dapat ba ako pumayag. bulong pa rin ni Lara. Huminga ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD