Kanina pa seryosong nakatitig lang si Sebastian kay Leonardo. Hindi siya kumakain at pinapanuod lang 'to na punong-puno ang bibig ngayon. "Kumain ka na," bulong ko sabay lapit sa kanya ng chicken toast. "Pumayag ka, 'di ba?" sagot ko sa biglaan niyang pagtingin sa akin nang masama. "Kailan? Hindi ko sinabing isama natin siya." "Seb–" "Seb?" Sarkastiko siyang tumawa at inis na binalingan ng tingin si Leonardo. "Baby, hayaan mo na siya. Kumain ka na lang din. Lagi naman 'yang ganyan." "Bakit ba kasi tinatawag mo kong baby? Lubayan mo nga 'yan," reklamo ko. "Kasi nga gano'n ang naririnig ko sa ilang tinatawag ang an–" Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang nasubuan ng isang sobrang laking tinapay. Matigas ang naisubo ko kaya natigilan din siya at agarang napaluwa habang hindi makapa