"Saan ka pupunta?" "Guard ka na ngayon?" Tinawanan ko siya na nakaharang sa pinto. "All around akong boyfriend." "Uh-huh?" "So, saan ka pupunta?" Pinasadahan niya ng tingin ang suot kong damit. "At bakit ganyan 'yang suot mo?" "Makikipag-date ako," biro ko. Nakasuot ako ngayon ng maong shorts, gucci na shirt at rubber shoes. "Lumubay ka nga. Kung saan ka man pupunta. Magpalit ka ng damit." "Hala siya," bulalas ko. "Anong kaibahan nito sa sinusuot ko pang office? Mas maiksi pa ngang manamit si Vanessa kaysa sa akin!" "But you are not her. Tumigil ka na sa pagkukumpara mo lagi." Humalukipkip siya at sumandal sa pinto. "Pero gusto ko 'yung ganitong pormahan. Uso 'to." "Hindi ka lalabas." "Alam mo, Seb–" "Babe," pabago niyang sabi at umabante rin. "Babe or whatever. Hindi ka p