Naabutan ko si Agape na nakaupo sa kaniyang couch at nanonood ng isang foreign movie sa kaniyang napakalaking flatscreen television. “Ano na namang pakana mo, Agape? I told you, hindi ko gusto ng driver! Saka brand new van? Nababaliw ka na ba? Ano ako? Artista?” sunud-sunod na buga ko sa kaniya. Tamad na tamad niyang pinindot ang pause button sa kaniyang remote at pumalakpak para mabuhay ang ilaw niya sa living room. Pinagkrus ko ang mga braso ko at tinaas ang kilay ko. He smiled widely at me na para bang natutuwa pa siya. “Is it wrong to make you comfortable? Iwas hassle na rin ‘yon sa pag-book ng ride. You can go straight home anytime you want. Wala ng rush hour.” sagot niya. Nalaglag ang panga ko at kinuha ang throw pillow niya para ibato iyon sa pagmumukha niya. He groaned and