Namumula pa rin ang buong mukha ko habang nasa shower ako. Ngayon lang gumapang sa akin ang hiya, natauhan na sa kagagahan ko. Pumikit ako at naglagay ng shampoo sa palad. Bakit ba ako pumayag na gawin iyon sa akin ni Agape? Sana naman, hindi nahalata ni Hennessy iyon. Natapos akong maligo at nagbihis na sa isang normal na scrub. Kulay dark green iyon, uniporme ng ospital. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok dahil basa pa naman iyon. Pagkalabas ko, nakaupo na si Hennessy at naroon pa rin si Agape. Mukhang seryoso silang nag-uusap. Pumatak ang titig ni Agape sa akin. May warning ang mga mata niya. Bakit ba nandito pa rin siya? Akala ko umuwi na siya. “You’re ready to go?” tanong ni Hennessy na napatingin na rin sa akin. Tumango ako. Tumayo na siya na parang handa na s