Chapter 4

2211 Words
“You’re grounded,” pambungad ni Titus sa anak pagkauwi nila. “For a month…” Nanlaki ang mga mata ni Tattiene na tinitigan ang ama. “But, dad! A month’s too long. What about a week?” Sinamaan siya ng tingin nito kaya naman napabuntonghininga na lang si Tattiene. “I know. Hindi ako nagpaalam kung saan ako pupunta. But I swear to god, tumawag ako sa driver noong nandoon pa lang ako sa bar! Hindi ko alam kung anong nangyari at napunta ako sa condo.” “Sa condo ng isang hindi mo kilalang tao.” Natahimik si Tattiene. “For all I know, you’ve been kidnapped or something. Imagine what I felt when I got home without seeing you in your bedroom. Ni hindi alam ni Trelecia kung saan ka nagpunta dahil ang paalam mo sa kaniya ay tatawagin mo ang driver. You should’ve let Lexone take you home. I heard Trelecia offered.” Napanguso ito. “Nakakahiya naman kasing istorbohin si kuya. He’s busy with his business.” “You know that he won’t mind. You’re like his second little sister to him. At naroon din siya sa bar gaya niyo kagabi.” “I didn’t know,” bulong niya. “But, dad, a month’s too long. Alam mong hindi ko kaya.” She looked at him with puppy eyes. Sinubukan niyang gamitan ito ng kaniyang charms para bawasan man lang ang grounded days niya. “Three weeks, and that’s final!” Hindi pa man siya nakaaangal ay umakyat na ito sa room niya. Napabuntonghininga na lang si Tattiene at hinayaan. At least it was deducted at least a week. Kailangan na lang niyang magtiis ng tatlong linggo na puro bahay at school lang ang ginagawa. For the next days, hatid-sundo siya ng kaniyang driver. Hindi siya pinayagang gamitin ang sariling sasakyan dahil baka tumakas ito. It’s not like she’ll do that. She respects her dad’s rules and orders. At kung simpleng ganito lang ay hindi niya susundin, she’ll probably won’t make it when she’s in the corporate world. Napansin niya ang pamilyar na kotse na naghihintay na naman sa labas ng school nila. Magmula nang ma-grounded siya ay palagi na niya iyong napapansin. Wala naman iyon noong mga nakaraang araw. Ever since she was a kid, natuto na siyang maging observant sa paligid niya. Kahit na may mga guard na nagbabantay sa kaniya dahil na rin sa estado ng buhay nila, hindi pa rin ‘yon sapat para maging kampante siya. She learned how to be vigilant. Kahit anong kakaiba sa paligid niya ay pinapansin niya. Kahit gaano pa kaliit. “Joppe,” she called her driver, “can you see that red car in front of us?” “Yes, ma’am. Ilang araw na ring nakasunod sa ‘tin ang sasakyan na ‘yan pero wala namang ginagawa. I already informed your dad about it.” “I knew it. Another ransom?” “I think so. Bukod riyan ay wala namang kakaiba sa paligid natin. Pero dapat pa rin tayong magdoble-ingat. Baka may hindi tayo napapansing galaw nila. But don’t worry, those three cars behind us and those two in front are your dad’s bodyguards. You’ll be safe.” Napanganga na lang si Tattiene. She isn’t that observant yet. Hindi niya alam na bodyguard na pala ng dad niya ang lima pang nakasunod sa kanila kung hindi lang sinabi ni Joppe. She needs to be more careful from now on. Pero hindi naman niya kailangang mag-alala dahil biyernes na bukas. Isang araw na lang ang klase nila at sa sabado ay buong araw na naman siya sa bahay. Kung papalarin ay baka payagan siya ng dad niyang mag-stay sa opisina. Kinabukasan, naghanda na siya para sa pagpasok. At gaya nitong mga nakaraang araw ay naroon pa rin ang itim na sasakyan na nakasunod sa kanila. Naisip ni Tattiene na kausapin na lang ito, pero alam niyang hindi papayag si Joppe at ang mga tauhan ng dad niya. Ngunit bago pa man siya makapasok sa school ay lumabas na ang isang makisig na lalaki mula sa itim na sasakyan. Napanganga siya nang mapagtantong hindi ito mukhang kidnapper dahil sa kagwapuhang taglay nito. Not to mention, he also looks rich himself. Pero hindi siya dapat makampante. Looks can be deceiving. Napaatras siya nang mapansing papalapit ito sa kaniya. Nakatitig ang itim na itim nitong mga mata sa kaniya na para bang ayaw niyang maalis ito sa kaniyang paningin. Napatigil lang ito sa paglapit nang pigilan siya ni Joppe. “Stay right there, sir,” ani driver. “Kung may kailangan ka ay sabihin mo riyan. Hindi mo na kailangang lumapit.” Napatitig siya saglit kay Joppe na para bang inaalala kung sino ito. “I just want to talk to her… alone.” Pamilyar ang boses ng lalaki kay Tattiene pero hindi niya maalala kung saan niya ito narinig. At kung nakita naman niya noon ang lalaki ay tiyak na maaalala niya ito dahil sa kakisigan nito. Malabong makalimutan niya ang napakaganda at napakaputing mukha nito. Bago pa man makaapila si Joppe ay pinigilan na siya ni Tattiene. “What could you possibly need from me? Hindi kita kilala kaya sa tingin ko ay imposible ang gusto mong mangyari.” “We’ve met before. Pero sa tingin ko ay hindi mo ako maaalala dahil sa sobrang kalasingan mo. I took you to my condo that night.” Napaawang ang bibig ni Tattiene. “I clearly told Aling Mirna to not let you leave. But she said you insisted.” “Right. Dahil hindi naman kita kilala para mag-stay sa condo mo. For all I know, you took me there to kill me. At isa pa, hindi ako nakapagpaalam sa dad ko that night kaya kinailangan ko nang umuwi, or he’ll really kill me.” Hindi alam ni Tattiene kung bakit siya nagpapaliwanag sa lalaki. Pero kung siya talaga ang nag-uwi sa kaniya sa condo nito, without doing anything to her, dapat ay magpasalamat man lang siya at walang nangyari sa kaniya. Or maybe he’s here to continue what he’s supposed to do to her at his condo. Napabuntonghininga ang lalaki. “Look, nandito ako dahil kailangan ko ng tulong mo. Nothing else.” Kumunot ang noo niya. “My help? You don’t look like someone who needs help. Ano naman ang maitutulong ko sa gaya mo?” “I need your hacking skills.” Agad na nanlaki ang mga mata ni Tattiene at mabilis na lumapit sa lalaki upang takpan ang bibig nito. Pinandilatan niya ito ng mga mata. “How the hell did you know about that? And don’t say that so casually in front of my driver!” mahinang bulalas nito sa lalaki. Napatitig si Aljand sa kaniya. Bahagya siyang nakayuko dahil mas matangkad siya sa babae. Nakatingala naman sa kaniya ang dalaga habang pinanlilisikan siya ng mga mata. Muli niyang naamoy ang pamilyar na pabango ng babae. Ngunit kumpara noong gabing ‘yon ay wala na ‘yong halo ng amoy ng alak. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga upang tanggalin sa pagkakatakip sa bibig niya. “That’s why I told you I need to talk to you alone.” Napatingin si Tattiene kay Joppe, nagdadalawang isip. Ngunit isang tao lang ang nakaaalam ng tungkol sa hacking skills niya. Si Jessiah na matalik niyang kaibigan. Kung alam din ng lalaking ‘to ang tungkol doon, dalawa lang ang naisip niyang dahilan. Una, nahuli siya nito sa pangha-hack na ginagawa niya sa database ng kompanya ng dad niya. At ikalawa, sinabi mismo ni Jessiah sa kaniya. At imposible ang naunang option dahil maingat siya sa ginagawa niya. At kilala niya ang IT sa kompanya, at hindi ito ang gwapong lalaking ‘to. “We need to talk, Joppe,” ani Tattiene. “But, ma’am…” “I’ll be fine. Watch over us from a distance or whatever.” Buntonghininga lang ang naisagot ni Joppe bago inutusan ang mga guard ni Mr. Casabar na magmasid nang maigi sa paligid. Naupo sina Tattiene at Aljand sa isang bakanteng bench upang mag-usap. Tanaw ng binata mula sa kinauupuan ang bilang ng mga bodyguard na nagbabantay sa dalaga. “I didn’t know that you have these many bodyguards around you.” Nagkibit-balikat si Tattiene. “Perks of having a rich dad. At alam kong aware ka na maraming nagbabantay sa ‘kin. Hindi ko nga alam kung saan mo nakuha ang lakas ng loob para lapitan ako. We already know you’ve been following us for days now.” “Dahil gaya ng sabi ko, kailangan ko ng tulong mo. Ang hirap mong lapitan nang walang nakasunod sa ‘yo.” “I’m grounded. Noong gabing dinala mo ako sa condo mo, hindi ako nakapagpaalam. Kaya hindi ko rin nagawang mag-stay sa condo mo gaya ng sabi ng katulong mo. Anyway, huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Ano bang kailangan mo sa ‘kin?” “Like I said, I need your hacking skills. May kailangan akong alamin bago ko gawin ang plano ko. I need you to do it before this sunday.” Napabuntonghininga si Tattiene. “Hindi ko alam kung paano mo nalamang ‘yan, pero hindi ako nangha-hack ng ibang database maliban sa kompanya ni dad. At ginagawa ko lang ‘yon dahil gusto kong malaman ang nangyayari sa loob. They won’t let me. But other than that, hindi ako interesadong gumawa ng ilegal kahit pa bayaran mo ako ng malaking halaga.” “I know. Baka nga ako pa ang bayaran mo nang malaki para lang lumayo at tigilan ka. Pero hindi ko ‘to ginagawa para sa pera. I’m doing this for other reasons.” “And for what reason, exactly?” “I—I can’t tell you.” Napairap si Tattiene. “Gusto mo ng tulong ko pero ayaw mong sabihin kung bakit. How am I supposed to trust you? I don’t even know who you are.” “I’m Aljand.” “I know that.” “I’m Jessiah’s friend.” Napatango ito. “That explains how you know about me. You’re that Al he’s talking about. ‘Yong kaibigan niyang kasosyo niya sa business. Pero kung kaibigan ka pala niya, bakit hindi na lang siya ang hingan mo ng tulong? He’s better at hacking than me.” Napaiwas ng tingin si Aljand. “I can’t do that anymore.” “Bakit? Nag-away ba kayo? Baka naman siya ang gagantihan mo kaya mo hiningi ang tulong ko? Ngayon pa lang sinasabi ko na sa ‘yong hindi ko siya kayang labanan. He’s better than me.” Umiling-iling ang binata. “It’s not that. Hindi ko na kayang gawin ‘yon dahil ginagawa ko ‘to para sa kaniya at sa mga kaibigan ko.” Nilakasan niya ang loob at tinitigan ang dalaga. “I’m doing this to avenge my friends’ death. Jessiah’s gone, Tattiene. That’s why I need your help.” Napanganga si Tattiene at hindi agad nakapagsalita. Jessiah’s her friend since high school. Siya ang nagturo sa kaniya kung paano mag-hack ng system. He’s been a good friend kahit na hindi sila madalas magkita, unlike Trelecia. And now that this Aljand said that he’s gone, hindi niya alam kung ano ang dapat na i-react. Noong nakaraang buwan lang ay nagkita silang dalawa dahil kinailangan niyang magpaturo tungkol sa firewall ng system ng company ng dad niya. Parang kahapon lang ‘yon nangyari. Sariwang-sariwa pa nga ang pangyayaring ‘yon sa utak niya. ‘Tapos ay malalaman niyang wala na ang kaibigan. “I don’t have time to explain everything to you. But the guy who killed him and my friends is still out there. He’s out for my blood. Alam niyang buhay pa ako kaya sigurado akong isusunod na niya ako. Kaya hindi ko kayang ipaghiganti ang kaibigan ko kung wala ang tulong mo.” Napayuko si Tattiene at malalim na napaisip. Now that it’s about Jessiah’s death, she can’t just not do something. Alam niyang may magagawa siya para sa kaibigan pero marami pa ring humahadlang sa isip niya. “Once I help you, magiging hacker na talaga ako,” ani Tattiene. “Kapag ginawa ko ‘yon, magiging opisyal na kriminal na talaga ako. Malaki ang chance na hindi ko na talaga mamana ang company ni dad na pinangarap ko.” “Well, that…” “Kapag tinulungan kita, at kapag napatay mo na kung sino man ang pumatay kay Jessiah, I’ll be an accessory of the crime. Hindi na magiging normal ang buhay ko pagkatapos nito.” Hindi nakasagot si Aljand. He knows that he’s asking for too much. Hindi pa sila ganoong magkakilala. Bukod kay Jessiah, wala na silang kahit ano mang koneksyon. Kaya kung tatanggi ito ay hindi na siya magugulat pa. Pero kung sakali mang tumanggi ito, wala na siyang ibang magagawa kung hindi ang kidnap-in ito at pilitin. At ayaw naman niyang humantong ‘yon sa ganoon. “I understand,” ani Aljand, “if you don’t want to do it. Alam kong malaking bagay ang hinihingi ko—” “I’ll do it.” Napaangat ang tingin ni Aljand. “Huh?” “I said, I’ll do it. I’m going to help you avenge Jessiah’s life. He’s my friend, too, after all.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD