Chapter 5

2050 Words
"Gaya ng sabi ko, grounded ako for three weeks," ani Tattiene sa telepono. "Pero hindi naman ako tinanggalan ni dad ng kahit anong gadget. I can still help you hack whatever you want from here, but I'll need you to use a different phone while talking to me." "I already covered that one. We'll use an encrypted call before I tell you my plan. I'll deliver it in front of your house before midnight." Halos mapabuntonghininga si Tattiene nang marinig ang boses ng binata sa kabilang linya. Kahit ang boses nito ay nakapanghihina ng kaniyang mga tuhod. Kung hindi lang dahil sa misyon nila ay matagal na niyang nilayuan ang lalaking 'to. She's not interested in a relationship right now, not even a fling or any kind of distractions. "Don't," ani niya. "Mahigpit ang seguridad sa perimeter ng bahay namin. Leave the code at a nearby park. I'll send you the address. Gagawa na lang ako ng paraan para makuha 'yon." "Noted that." Inayos na ni Tattiene ang mga kakailanganin niya para sa balak nila. Naka-set up na ang mga monitor na kailangan niya, at ang kulang na lang ay ang encryption code na ipadadala ni Aljand para hindi ma-trace ang galaw at plano nila. That's the first and most important thing Jessiah had taught her. "I already delivered the code." Napataas ang kilay ni Tattiene sa bilis nito. "I'm on my way." "Be careful." Napairap na lang siya para maalis ang kung ano mang nararamdaman. Pilit niyang pinaaalala sa kaniyang sarili na temporary lang 'to. Pagkatapos ng plano nilang 'to na ipaghiganti ang pagkawala ni Jess ay hindi na sila magkikita. What's the use anyway? Kaya lang naman sila magkasama ngayon ay dahil kay Jess. At kung kaibigan niya ito at kasosyo sa business ay tiyak ilegal din ang ginagawa nito. Hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman kung anong klase ng business mayroon ang kaibigan. Agad siyang hinarang ng kaniyang bodyguard bago pa man siya makalabas ng pinto. Napairap na lang siya. "Magpapahangin lang ako sa parke. Is that not allowed, too?" Tinaasan niya ito ng kilay. May kinausap ito sa kaniyang earpiece bago hinarap si Tattiene. "Si Agel po ang sasama sa 'yo sa parke, ma'am. Isa siya sa pinakamagaling naming guards. Kung may plano kang tumakas ay ngayon pa lang, pag-isipan mo na po." Napairap na lang ulit ito. "Kailan ba ako tumakas, ha, Kirk?" "Sinusunod lang namin ang utos ni Mr. Casabar, ma'am." Napabuntonghininga siya. "Do what you must. Kung gusto mo, dalhin mo pa ang buong security team kung diyan kayo mapapanatag." Hindi na niya ito nilingon pa at nagdere-deretso na palabas. Naramdaman niya agad ang presensiya ni Agel sa likod niya pero hindi na niya tiningnan pa. She's aware that they are only doing their job. Pero minsan, hindi niya pa rin maiwasang hindi mapikon lalo na kapag ganitong sobrang higpit nila. Joppe also guards her kahit na hindi siya grounded. Pakiramdam niya ay wala na siyang privacy. Maybe this is one of the cons of having a rich father. Nang makarating sila sa parke ay laking-pasasalamat na lang ni Tattiene dahil dumistansya si Agel sa kaniya. Nagkaroon siya ng pagkakataon para magmasid sa paligid at hanapin kung saan nilagay ni Aljand ang code. Kumunot ang noo niya nang ilang minuto ay hindi pa rin niya 'yon nahanap. Napakamot na lang siya sa ulo dahil nakalimutan niyang dalhin ang cellphone niya para magtanong. Hindi naman siya pwedeng umuwi para kunin 'yon dahil baka hindi na siya payagan bumalik. Mauubusan na sana siya ng pasensiya nang isang pamilyar na boses ang narinig niya sa kaniyang likuran. "Looking for this?" Mabilis siyang napalingon sa likod at nakita si Aljand. Wala pa rin itong pagbabago noong huli niyang kita. Ang gwapo pa rin nito. Nakadagdag sa kagwapuhan niya ang pagkakakunot ng kaniyang noo na para bang natural na kahit na nakangisi siya. Naglakad siya palapit dito, pero nakaiilang hakbang pa lang siya nang may humarang na sa kaniyang harap. "Agel," ani niya bago napabuntonghininga. "It's okay. I know him." "Ang sabi mo ay magpapahangin ka lang. Hindi mo naman sinabing may katagpuan ka. Alam mo namang grounded ka, hindi ba?" Napailing siya dahil sa sinabi nito. May punto naman siya. Pero hindi naman niya inaasahang magpupunta rito nang personal ang lalaki para sa code. "Hindi ko alam na magpupunta siya, okay? But I need to talk to him. Saglit lang. I swear." Nang tingnan siya nito ay mabilis niyang kinurap ang mga mata at nagpa-cute sa harap nito. Napairap na lang tuloy si Agel dahil sa ginawa niya. "Five minutes. No more, no less." Malawak siyang napangiti nang lumayo ito mula sa kanila. Agel is her childhood friend. Magkaibigan ang kanilang mga ama dahil isa ring guard ang tatay nito. One of the boys, ito ang tawag sa kaniya kahit noong bata pa lang siya. Wala siyang babaeng kaibigan maliban kay Trelecia. Ang mga tropa niya noong high school ay puro din mga lalaki. Hinarap niya si Aljand na bahagyang nakataas ang kilay. "So, where is it? Kanina pa ako naghahanap." "You have a lot of guy friends, don't you?" tanong nito imbis na sagutin ang tanong ni Tattiene. Bahagyang napakunot ang noo niya. "Well, yeah. I grew up with a lot of boys around me. Is that a problem?" "I just think that it's unusual. At hindi ko inaasahan 'yon mula sa 'yo." Napatitig siya saglit sa binata bago umiwas. "Let's not start judging each other, okay? Nasaan na ang code? Kailangan ko nang simulan ang pag-crack ng system nila dahil ayon sa 'yo, kailangan mong matapos nang maaga bukas." Tinitigan niya ang dalaga bago napabuntonghininga. Inabot niya ang isang USB drive sa kaniya. "Dapat ay iniwan mo na lang dito. Hindi mo na kailangang iabot pa nang personal." "I can't go around leaving such codes around. Hindi natin alam kung sino ang pwedeng makakita nito. What if your friend found it first?" Napatingin si Tattiene kay Aljand na ngayon ay nakatingin na kay Agel na pinanonood lang sila mula sa malayo. "You have a point. Well, then, I need to go. We have a mafia boss to kill." Tumalikod na siya at handa nang umalis nang hawakan siya ni Aljand sa pulso para pigilan. Napatingin siya sa mga kamay nila pero binitiwan din siya agad nito. "I'm going to kill the mafia boss, not you. And if everything goes array, I'll take all the blame. Don't worry." Saglit siyang napatitig sa binata bago tumango at tumalikod. Habang naglalakad pabalik sa bahay ay hindi mawala sa isip ni Tattiene ang mga katagang iyon ni Aljand. The guy is willing to take all the responsibilities if all these fail. It's like he's not afraid for his life. After all, this is going to be murder. Pabor 'yon sa kaniya dahil maipagpapatuloy pa niya ang buhay niya nang normal pagkatapos nito. Pero paniguradong magi-guilty siya kung ang binata lang ang aako ng lahat. She's not that cruel and sensitive. Alam niyang kung hindi man sila magtatagumpay ngayon ay handa siyang humarap sa magiging kaparusahan. If that's what it takes to avenge her friend, she'll gladly do it. Nang makarating siya sa kwarto niya ay mabilis siyang nagsimula sa kaniyang trabaho. Pinagdaop ni Tattiene ang kaniyang mga palad. "Lord, patawarin mo po ako sa gagawin ko. Alam ko pong mali 'to, pero gusto kong ipaghiganti si Jess. Loko-loko po ang isang 'yon pero isa siya sa pinakamatalik kong mga kaibigan. Mabait siya at hindi niya deserve ang nangyari sa kaniya." Mariin pa siyang pumikit bago bumuntonghininga. Rumagasa sa kaniyang isip ang pinagsamahan nilang dalawa. Madalang silang magkita pero isa siya sa mga totoo niyang kaibigan. Masaya itong kasama at siya ang tinatawag nilang 'life of the party'. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang wala na si Jess. Nang magbukas ang communication nilang dalawa, hindi na sila nag-aksaya pa ng oras. Walang-kurap na nagtipa si Tattiene habang panaka-naka ang tingin sa isa pa niyang monitor. Isa-isang lumitaw roon ang ilang mga footage ng CCTV malapit sa isang bar hotel. Matapos ang ilang beses pang pagtipa ay nakita na niya lahat ng camera na naka-install sa loob ng facility. Maraming tao ang nagsasayawan sa gitna ng dancefloor. Bawat sulok ay may mga gwardiya, bouncer, at mga personal bodyguard. Nagmasid muna si Tattiene sa paligid bago binigyan ng signal si Aljand. "Hindi pa dumarating ang target," ani Tattiene. "Pero ayon sa mga guard na dumarating sa parking lot ay mukhang parating na rin siya." Hindi sumagot si Aljand at patuloy lang sa pagmamasid sa paligid. Naupo siya sa isang couch malayo sa mga nagsasayawan. May kurtinang nagtatabing sa kaniya roon upang hindi agad makita ng mga dumadaan. Ngunit sa kaniyang kinauupuan ay kitang-kita niya ang lahat ng naroon. Patuloy si Tattiene sa pagtipa para naman magkaroon ng access sa mismong room na tutuluyan ng mafia boss. Kinailangan pa niyang i-hack ang system ng buong bar hotel para malaman kung saan tutuloy ang target nila. Naging mabusisi si Tattiene sa kaniyang ginagawa. Isang pagkakamali lang niya ay tiyak na mabubulilyaso ang plano nila at malalagay agad sa panganib si Aljand. Pinangako niya sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat para maging matagumpay sila. At nasa kamay niya ang kaligtasan ng binata ngayon. "Papasok na ang target sa loob ng VIP room," ani niya habang pabalik-balik ang tingin sa CCTV footage at sa codes na ginagawa. Mabilis at walang-tigil pa rin ang pagtipa ng kaniyang mga daliri sa keyboard. "He just sat on the couch and poured wine," pagpapatuloy nito. Nakita niya ang pagtayo ni Aljand mula sa kinauupuan. "Where are you going?" Hindi ito sumagot at patuloy lang na naglakad palapit sa VIP room. "Aljand, stop. Wala pa ang client niya." "Don't mind me. Just do your job." Napataas ang kilay ni Tattiene. "I am doing my job. At isa sa mga dapat kong gawin ay ang pigilan ka kung sakali mang gumawa ka ng kung ano." "Hindi lang kung ano ang gagawin ko. I need to get at least one earpiece from the guards. Kailangan ko 'yon para makapasok ako mamaya sa VIP room." Napabuntonghininga na lang si Tattiene. "Just don't do anything stupid." Napangisi ito. "I won't, okay? Don't worry." Pinanood ni Tattiene ang bawat kilos ni Aljand. Nang makakita ito ng isa sa mga bodyguard ng mafia boss ay mabilis niya itong hinawakan sa ulo at pinilipit iyon upang mawalan ng malay. Hinila niya ang katawan nito sa malapit na comfort room at doon kinuha ang earpiece at ilang mga baril na nakatago sa tagiliran nito. Nag-aalala namang nagmasid si Tattiene sa monitor dahil walang CCTV sa loob ng banyo. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makalabas na ito habang nag-aayos ng black coat. Ngumisi lang ito sa isa sa mga camera bago pumunta sa kaniyang posisyon. Napangiti na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Lumabas sa kaniyang screen ang mga listahan ng mga transaction ng mga mafia boss at doon niya nakita kung sino ang parating nitong client. "Jackson Huang," ani Tattiene. "Isa itong chinese na business partner niya. Pero mukhang hindi tungkol sa business ang pag-uusapan nila ngayong gabi. Nag-deposit ng two million si Jackson sa private account ni Mr. Hudson last week." "Kung sa private account siya nag-deposit, tiyak na ibang business nga ang pag-uusapan nila ngayon." Matapos ang mabilis na pagtipa ay lumabas naman ang panibagong listahan sa kaniyang screen. "What the f**k?" mahinang bulalas niya. "What is it?" Are you okay?" "Y-Yeah. I'm okay. This is not their first transaction. I hacked into the system at nakuha ko ang buong listahan ng mga d-in-eposit ni Mr. Jackson sa private account niya. Three million. Six million. And all of them are for illegal firearms. May balak bang magsimula ng gyera 'tong si Mr. Jackson?" "f**k. I knew it." "Why? May alam ka ba tungkol dito?" Narinig niya ang paghinga nito nang malalim. "You don't have to concern yourself about this. Si Mr. Hudson ang pakay natin ngayon, hindi ang client niya." Napanguso na lang si Tattiene. Minsan, nalilito talaga siya sa timpla ng ugali ng lalaking 'to. Hindi naman siya mukhang masungit noong unang beses niya itong makausap, pero naiinis siya kapag ganitong akala mo ay masama ang nakain kaninang umaga. Napaawang ang bibig ni Tattiene at mabilis na sinabi, "Mr. Jackson's here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD