Nang makalabas na sya ng kwarto ang halos lakad takbo nyang tinungo ang rooftop kailangan nyang sumagap ng hangin kung hindi ay aatakihin sya sa puso dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. Hindi nya alam kung ano ang dahilan, kung ito ba ay dahil sa bilis ng kanyang paglalakad o dahil sa bolta-boltaheng kuryente na hatid ng mga yakap at halik ni Mr. Wright. How ironic dahil feeling ko tinatawag kong Mr. Right ang gunggong na yun. Believe me when I say that he is way, way far from being Mr. Right. Halos lahat ata ng detalye sa pagkatao nya wrong, well, of course aside from his looks na given na sa pagiging right, no it wasn't right, it was perfect. Muli na naman yang naalala ang naganap kanina sa loob ng opisina ng lalaki, kahit iwasan nya ay hindi nya mapigilang uminit ang kanyang buong katawan tuwing maalala nya ang mainit na halik na namagitan sa kanilang dalawa. Para tuloy ayaw na nyang pumasok muli sa opisinang yun.
Ngunit alam nyang imposible yun dahil tinanggap na nya ang alok ni Sir Alex and besides nakuha na din nya agad ang first month salary nya at nagastos na rin nya ang iba. Mukha naniguro talaga ang matanda, marahil nga ay alam na nito ang mangyayari kaya sinuguradong hindi na sya makakapag back out kung saka sakali.
Ng makahinga na sya ng maluwag at na-compose ang kanyang sarili ay napagpasyahan na din nyang bumaba ulit. She already built the great wall of china just in case may gawin o sabihin muli ang lalaki ay handa na sya. Hinding hindi na nya ulit hahayaang mapahiya sa harap ng manyak na yun.
******
"Sorry I'm late kinailangan ko pa kasing tapusin usapan namin nila Mr. Santos, anyways, anak have you already meet Carrie?" dire-diretsong wika ng ama nya ng pumasok sa kanyang opisina.
"Carrie? Oh you mean the girl that was here in my office a while ago? I believe you need to find another one dad. I don't think she will come back." nangising sabi niya sa kanyang ama. He knew that he already won against his dad. He need to find a really tough one kung gusto nya akong bigyan ng alalay a.k.a. PR specialist, pero binigyan nya ako ng isang babae ni hindi man lang ako pinagpawisan sa pagpapalayas sa kanya.
"Is that so Nic? Well, I think you are under estimating my prowess again. Baka nakakalimutan mong ako ang ama mo, lahat ng alam mo sakin mo natutunan." kumpyansang sagot naman ng kanyang ama.
And as if on queue, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng ngayon nya lang natitigan ng maigi. Her face is like an angel but something about her makes me think that she's not just like any other girl. Para syang pinaghalo halong Cleopatra, Delilah, at Aphrodite, not really a good combination. Sa tingin nya, sya ang tipo ng babae na off limits dahil lubhang mapanganib. Mukhang tama nga ang kanyang ama masyado nyang na-under estimate ang babaeng ito. Mukha hindi nga ganun kadaling mapapatalsik ito. But I like challenges, "Challenge" is my middle name.
"I'm sorry to keep you waiting, I just went somewhere to get a fresh air." sabi niyang hindi man lang sya tinapunan ng tingin.
"It's okay hija, shall we start to discuss your plans now?" wika ng Don.
"Well to start with..." umpisa nya ngunit agad na pinutol ni Nic ang sasabihin ni Carrie.
"You went to get some fresh air? Why don't you tell me that you are very much affected about what happened to us kanina dito. Well, I must say I enjoyed it too. You are not that bad after all." pang aasar ni Nic.
"Mr. Wright maybe you got it wrong, because I'm here to do my job not to flirt around." payak na wika nito.
Hinahanap ni Nic ang bakas ng pagkabalisa sa mukha nito. Ibang iba ito sa babaeng pumasok kanina sa kwarto nya. Mukha hindi nga sya nagkamali na hindi ordinaryong babae ang kaharap nya. Para napakadali dito na magtayo ng pader sa pagitan nilang dalawa.
"I can't be wrong Ms..."
"Altamiranda, I'm Cassandra Marie Altamiranda, you can call me Carrie sir."
"Yeah whatever Ms. Altamiranda, as I was saying I can't be wrong because I'm always right. Keep that in mind"
Natutuwang pinapanood lamang ni Don Alex ang dalawang taong nagtatalo sa harap nya. Nag eenjoy syang panoorin kung paano nag struggle ang anak nya na i-handle ang babaeng katulad ni Carrie. He knew it from the start that she is perfect for the job. Now all he has to do is wait for the result.
"What are you implying Sir?" nakataas kilay nitong tanong sa kanya habang nakikipagsukatan din ito ng tingin sa lalaki.
"I'm implying that I'm certainly right in what I say about you being so very much affected on what we share a while ago, here in this very room." panunuksong tugon nito.
"Oh.. Don't get full of yourself Mr. Wright, maaaring sa ibang mga babae ay totoo yang sinasabi mo. But base on what happened kanina, parang I didn't felt something special, are you sure you did your best kanina? Well, if that's the case, I am very much disappointed you didn't live up to your reputation." then she smirk. That annoys him even more. No one ever tried to talk to him that way.
"Is that so? Then let me show you how I punish a girl like you." pagbabanta nito habang unti unting lumalapit kay Carrie.
"Dominique!! Watch your manners, she's still a woman, nasaan na ang pag galang mo?" sigaw naman ng Don.
Magsasalita pa sanang muli si Nic ng marinig nyang nagsalita ni Carrie.
"Oh, You mean the kiss? Huh! What are you blabbering about? It was just a kiss, it's nothing, I didn't mind it at all. Don't be such a baby, para kang batang pinagmamalaki sa tatay nya na nagpalagay sya ng tattoo pero tweety bird naman ang nakalagay. Don't tell me na hindi mo yun makalimutan? Halik lang yun." taas noo niyang pang aasar sa lalaki.
Malakas namang natawa ang Don ng marinig nya ang tinuran ng babae.
"WHAT THE!!!!"" Sigaw naman ni Nic na halatang nagulat din sa sinabi ng babae. Hindi nya lubos akalain na ganito ang iaasal ng babae sa kanya mukhang bukod sa mga dyosa eh may lahi din ata tong amasona.
"Don't you dare talk to me like that baka nakakalimutan mong akong ang magiging boss mo! Ako ang magpapasweldo sayo at ako din mag dedesisyon kung hanggang kelan ka tatagal sa kompanyang ito. Kaya you better be nice to me. Hindi mo gugustuhing magalit ako" wika ni Nic.
"On the contrary Mr. Wright, si Don Alex ang naghire sa akin, therefor, sya din ang magpapasweldo at may karapatang magpatalsik at hindi ikaw. So, para na rin sa ikatatahimik nating dalawa umupo ka na lang at makinig sa mga sasabihin ko."
"No way! No f*****g way na makikinig ako sa mga walang kwenta mong sasabihin. I'll better go, mas marami pa akong importanteng gagawin kesa makipagkwentuhan sa inyo."
Agad nyang tinungo ang pinto at pabalibag na isinarado ang pinto.
"Don't mind her hija, you certainly did a great job on your first day. I think you can definitely manage to handle him." nakangiting wika ng Don.
"But Don Alex, are you really sure about this? Mukhang magiging giyera ang mangyayari sa araw araw namin nito"
"That's why I need you more, so far, nakayanan mo ang pang aasar nya sa susunod masasanay ka na din."
"Pero Don Alex.."
"No buts Carrie, I have faith in you. Oh sya sige madami pa kong meeting eh. Hintayin mo na lang sya babalik din ang anak kung yun. In the mean time just busy yourself in anything na makikita mo sa opisinang ito." sabay tayo nito at diretsong tinungo ang pinto.
Kagaya nga ng inaasahan ni Carrie naging mahaba ang araw nya dahil sa pagtatalo nila ni Nic. Pero wala na syang choice eh. Hindi na sya pwedeng mag back out.