"Ms. Carrie, pinapauna na po kayo ni Don Alex sa opisina ng anak nya. Medyo malalate lang daw sya ng sandali dahil may kausap syang ilang investors. Dun nyo na lang daw po sya hintayin. Hanapin nyo na lang po yung sekretarya ni Sir Nic na si Andrea makikita nyo agad yun dun dahil sya lang ang nag iisang babae sa floor na yun na halos hubad na dahil sa sobrang ikli ng suot." sabi ni secretary ni Sir Alex habang tumatawa.
Natawa na lang din ako sa sinabi nito. Sigurado akong ang mas nakababatang Wright ang dahilan kaya nagpapaseksi ang sekretaryang iyon na tinawag na Andrea ni Rina. Syempre ikaw ba naman araw araw mong kasama ang mayamang mong boss talagang hinding hindi mo gugustohing magmukhang basahan sa tabi nya, at base sa itsura ni Don Alex nakakasiguro syang ubod din ng gwapo ang isang yun.
Hindi naman mahirap hanapin ang opisina nito dahil for sure ang pinaka magandang opisina ang opisina ng mas batang Wright. Hindi pa man sya tuluyang nakakalapit ay agad na nyang nakita ang babaeng tinutukoy ni Rina na sekretarya ng soon to be boss nya. Lumulutang nga ito sa karamihan dahil sa itsura nitong mukhang model at artista pati na rin sa sobrang iksi nitong dress na mas maiksi pa ata sa micro mini dress yung halos kita na kaluluwa pati kaluluwa ng kaluluwa nya kita.
"Hi! You must be Andrea? I'm Carrie I'm here for Mr. Dominique Alexander Wright III, Don Alex instructed me to wait in his son's office." paliwanag ko.
Halos manliit naman ako ng tingnan nya ako mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isa nitong kilay. Mukhang hindi ito natutuwa sa nakikita nya.
"Nakakatakot naman itong babaeng ito, parang papatay ng tao kung makatingin. Ano bang problema nya? Ngayon lang ba sya nakakita ng maganda? Baka naiinsecure. Naku mga mabababaw na babae nga naman. Ginagawa ng hobby ang mainsecure" bulong niya sa sarili.
"Pasok ka na lang sa loob. Wag kang hahawak ng kahit ano sa loob mamahalin ang mga gamit dyan baka makabasag ka dun for sure wala kang ipambabayad kaya umupo ka lang sa isang tabi." wika nito sabay irap sa kanya.
"Oh, Okay Thank you!" plastic niyang sagot,
Pumasok na sya sa loob at hindi niya naiwasang humanga sa itsura ng loob ng opisina nito. Mahahalata mo talagang imported ang mga materyales at pihadong hindi mo makikita sa pilipinas ang karamihan dito. Sa halip na umupo gaya ng sabi sa kanya ni Andrea ay nilibot nya ang buong silid at hindi nya napigilang mamangha. Noon pa man ay Art lover na talaga sya kaya naman nilipad na ng hangin ang isip nya ng makita nya ang linya ng mga painting sa isang silid na bahagyang nakabukas ang pinto kaya naman hindi na nya napigilang pumasok doon. Dire diretso nyang pinasok ang loob ng silid at patuloy na pinagmasdan ang mga kamangha-manghang painting doon.
"Ang ganda! Para akong nasa heaven!" wala sa loob na nasabi lang ni Carrie sa kanyang sarili.
"Well, if you're looking for heaven you came at the right place" narinig niyang bulong ng kung sino sa tenga nya. Parang siyang kinikiliti ng malalim na boses nito na animo anghel. Napapikit na lamang si Carrie sa sobrang kapayapaan na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Maya maya pa ay parang may kung anong malambot at basang bagay ang dumampi sa kanyang leeg at matitigas na kamay ang marahang humihimas sa kanyang mga dibdib. Ilang saglit lang bago tuluyang mapagtanto ni Carrie ang nangyayari.
"Ay t**i ng kabayo!" gulat niyang sabi at biglang hinarap at itinulak ang lalaking nakayakap sa kanya mula sa kanyang likod.
PAK!
Agad ding umigkas ang kanyang kanang kamay para sampalin ang bastos na lalaking nanamantala sa kanyang panandaliang pagkawala ng sarili.
"What the!!!!" ganting sigaw ng lalaki matapos niya itong sampalin. Hawak nito ang pisngi niyang halatang namumula dahil sa lakas ng kanyang pagkakasampal.
Ilang saglit lang ay natitigan ni Carrie ang itusra ng bastos na lalaki. Mas lalo syang natulala ng matitigan ang mukha nito. Para itong anghel sa kagwapuhan yung tipong hindi makabasag pinggan. Parang diyos na bumaba sa langit para sambahin ng mga kakabaihang tulad nya. Hubog na hubog ang kanyang katawan na mahahalata mong babad sa gym. Halos tumulo ang laway ni Carrie dahil sa perpektong lalaking nasa harap nya. Mas lalong nanlaki ang mata nya ng mapagtantong wala itong saplot na kahit ano. Bagamat alam nyang mali ay parang may sariling utak ang kanyang mata at dumako sa alaga nitong unti unting nabubuhay.
"Enjoying the view?" nakakalokong wika ng lalake.
Huli na ng marealize nya ang kahiya hiyang pagtitig na ginawa nya, she must admit this guy is the perfect epitome of Greek God. Masyado syang nadala sa paghanga sa katawan nito. Para syang binuhusan ng malamig na tubig ng marinig nya ang sabi nito.
"AHHHHHH!!!! Bastos!" sigaw nya.
"Napakawalang hiya mo! Sino ka ba? Pwede kitang kasuhan ng s****l harrassment alam mo ba yun? Isusumbong kita sa pulis!" tuloy tuloy na sabi ni Carrie habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang mata.
"s****l harrassment? As far as I can remember hindi ka nanlaban and besides pwede din kitang kasuhan ng tresspassing dahil pumasok ka sa private room ko ng walang paalam." sagot naman ng lalake.
"Ang kapal mo talaga! At kasalanan ko pa ngayon Mister?! Kung ganun ikaw pala ang anak ni Sir Alex, kung alam ko lang na walang kasing sama pala ang ugali ng magiging boss ko hindi ko na sana tinanggap ang trabaho to!" sigaw niya dito.
"So ikaw pala ang PR specialist na sinasabi ni dad. Well, sorry I thought you're one of the girls that wants to have fun. Since nandito ka sa kwarto ko. But I'm not saying sorry for touching you."
He's not telling the truth, ang totoo nyan ay talagang nabighani si Nic sa kagandahan nito ng bahagyang masilip nya ang mukha nito. Kaya naman hindi na nya napigilang damhin ang katawan ng babae. He knows na ito ang PR specialist na pinadala ng daddy nya dahil alam nyang hindi basta basta magpapapasok si Andrea ng tao sa opisina nya lalo na't babae ng walang pahintulot nya.
"Aba't ang kapal talaga ng mukha mong bastos ka!"sigaw niyang muli.
Kung ganun sanay na syang may pumapasok na babae sa opisina nya para lang sa s*x. At agad naman nya tong susunggaban? Tsk! So kasalanan ko pa ngayon. Bakit ko ba kasi naisipang pumasok dito eh. Bulong nya sa sarili.
Hindi nya alam kung tatanggalin na ba nya ang kanyang mga kamay, hindi nya kasi alam kung nakahubad pa rin ito o ano.
Naramdaman nyang unti unti itong lumalapit sa kanya.
"Wag kang lalapit sa akin kundi sisigaw ako ng rape!" sabi nya habang nakatakip pa rin ng mga kamay nya ang kanyang mga mata,
Ilang saglit lang ay naramdaman nyang nasa harapan na nya ito ng sobrang lapit. Dahan dahan nyang tinanggal ang kanyang mga kamay sa kanyang mata. Agad na sumalubong sa kanya ang berdeng kulay ng mata ng gwapong lalaking' kanina lang ay parang adonis na nakahain para sa kanya. Para naman syang nagsisi sa ginawa dahil para syang napasa-ilalim sa isang spell ng makita nya ang mga mata nito.
Binalak nyang umiwas ng tingin ngunit nagsalita ito.
"Look at me Honey.." at hinawakan ang kanyang baba upang iharap sa kanya.
"Like what I've said, I wasn't sorry for touching you and I wouldn't regret doing this either."
At walang ano ano ay sinakop na nito ang kanyang mga labi. Hindi alam ni Carrie ang gagawin nya itutuloy nya ba ito, sisigaw o tutugunin ang napakasarap na halik na pinapadama sa kanya ng lalaking ito.
Ngunit hindi na dapat nyang tinanong ang kanyang sarili dahil simula ng matitigan niya ang mata ng lalaki alam nyang gagawin nya ang lahat ng gustuhin nitong ipagawa sa kanya,
Hindi nya namalayang tinutugan na niya ang maalab na halik na ginagawad sa kanya ng binata. Palalim ito ng palalim at tingin ni Carrie ay hindi na nya kaya pang umahon sa kumunoy na kinasadlakan dulot ng mga halik ng binata. Ngunit nakadama sya ng panghihinayang ng maya maya ay bumitaw na ito.
"I believe we need to stop because my father would be here any moment at hindi natin gusgustuhin na maabutan nya tayo sa ganitong sitwasyon, am I right?" sabi ng binata na nakakatitig pa din sa kanyang mga mata.
"I think I need to dress up, are you going to leave me alone or you want to watch me? I won't mind either of those" wika nito kasabay ng nakakalokong ngiti.
Para naman syang binuhusan ng tubig dahil sa sinabi nito. She can't believe that she let this man kiss her. Para makaganti ay agad nya itong ininsulto.
"I believe watching you dress won't get me excited besides. I've seen it all and I must say I'm quite disaappointed given your reputation when it comes to women, I was thinking how can you possibly give them pleasure with those "tiny" little thing of yours." pang aasar niya sabay mabilis na lumabas ng kwarto. She lied, it wasn't tiny at all, it was like a monster that will give nightmare but at the same time pleasure.
Actually it quite big at talagang matikas ngunit yun na lang ang naisip niyang paraan para makaganti man lang ng konti sa pagkapahiya nya kanina.
This is not good. First meeting pa lang nila ay hindi na maganda. Mukhang magiging napakahaba ng araw nya ngayon.