Pagkatapos ng Christmas break, balik trabaho na ulit sina Niccolo at Daniella. Hinihintay naman ng dalaga na makausap ng mag-isa si Niccolo kaya’t nung may pagkakataon agad niya itong nilapitan. “Engr. Alberto!” bati ni Daniella. Napatingin naman ito sa dalaga. “Just call me Nicco.” Nakangiting sagot nito. “Ahm, Nicco…” napalabi ang dalaga samantalang si Niccolo naman ay naghihintay ng susunod niyang sasabihin. “Di ko kasi matatanggap ito.” Saad ng dalaga at iniabot ang kuwintas na bigay nito bago ang Christmas. Ito yung kuwintas na sinabi ng sales lady na bagay sa kanya. “It’s a Christmas gift! Bawal tanggihan! Spirit of sharing, y’know?” nakangiti naman nitong tugon. “But…” hindi naituloy ng dalaga ang sasabihin dahil inilapit ng isa ang hintuturo nito sa bibig niya para patigilin