Daniella’s POV It’s been a week since umupong acting-CEO si Sam. And it was like hell, lagi kasi niyang pinapansin ang mga kilos ko. Even in meetings feeling ko pinapahiya niya ako. I don’t know kung dahil ito ako kay Niccolo. Di ko na nga rin siya masyadong kinakausap para di ako mapag-initan pero ganun pa rin. “Oh ba’t nakabusangot ka?” tanong ni Kaye “Naiinis kasi ako kay feeling-CEO, tinambak sa akin lahat ng trabaho. At kung makapagdemand ng deadline parang may alam siya sa construction.” “Hmm, yun lang ba ang ikinakagalit mo?” pinagmasdan niya ng mabuti ang reaksiyon ko. “Ano naman?” naiinis kong tugon. “Baka naman dahil, ka-lunch niya lagi si Niccolo?” Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Inaasar naman ako ng isang to. “Who the hell cares!” tugon ko. “Wala naman, baka kahit di