Napagpasyahan ng magulang nina Niccolo na patulugin nalang ang dalawang bisita sa bahay nila. Tutal may dalawang guestroom naman ang bahay. Daniella’s POV It’s 3AM pero di ako makatulog. Ganito talaga ako pag nasa ibang bahay. Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw kaya minabuti ko nalang munang lumabas. Natanaw kong bukas pa ang ilaw sa sala. Siguro sinadya nilang hindi patayin ang ilaw. Bumaba ako ng kusina. Nakita kong bukas ang pintuan palabas sa pool area kung saan kami nagcelebrate kanina ng new year’s eve. Napangiti ako nang makita si Niccolo na nagliligpit ng mga kalat. “Sipag ah! Di ba pwedeng ipagpabukas yan?” biro ko. Ngumiti naman siya. “Hindi kasi ako makatulog. Ikaw? Bakit ka bumaba?” Sagot niya. “Nauhaw kasi ako…” tugon ko naman. “Ganun ba, ikukuha lang kita ng tu